“Girl, di talaga ako makapaniwala na juntis ka na akala ko pa naman yung pagiging matakaw mo ay may monthly period ka” natawa naman ako. “Gaga, may monthly period bang inabot ng two weeks?” Napakamot na lang siya sa ulo. “Di ko naman alam ah” “Siguro si Grace alam na rin ito?” tumingin silang lahat kay Grace at napataas na lang ito ng dalawang kamay. “Oppss! Easy! Nakiusap lang sa akin si Maris na huwag na munang banggitin sa inyo total naman all employees ng company ay invited sa birthday celebration ni Sir Kyron kaya doon na lang para kasama kayo sa surprise” paliwanag ni Grace. “Pero biruin niyo nakikita pa lang natin sa mukha ni Sir Kyron sobrang saya niya dahil di na siya maiinggit sa mga kaibigan niyang may sarili nang pamilya” “Correct” sagot nila. “So, anong plano mo? Di m

