Break time namin ngayon at nakasandal lamang ako sa upuan habang kumakain ng singkamas na sinasawsaw ko sa aruba. Naglusaw ako ng asukal at binaon ko ito pero syempre pinainitan ko ito sa oven para malusaw ulit. Buti na lang ay tulog pa si Kyron dahil late na kaming matulog dahil nagexhibition pa kami sa kama. Iniwan ko itong tulog pa ag nag-iwan na lamang ako ng food at note. Napangiwi na lamang ang mga kasamahan ko sa trabaho dahil sa pagkain ko ng singkamas. “Really, singkamas na sinawsaw sa aruba? Girl baka sumakit yung tiyan mo?” umiling ako. “Hindi naman” sagot ko. Di pa nila alam na buntis ako saka ko na sasabihin sa kanila kapag nalaman na ni Ate Xiera na buntis ako. Sasabihin ko ito mamaya para matulungan niya akong isurprise ito sa birthday ni Kyron next week. Uuwi ang parents

