Pagkagising ko ay bigla akong napatakip ng bibig at tumakbo sa cr at dumuwal sa lababo. “Ano bang nangyayari sa akin? May nakain ba ako na di maganda kahapon?” nagmumog ako ng tubig saka ako kumuha ng tissue para magpunas ng bibig. Tulog pa si Kyron at buti na lang ay di nagising ito agad sa pagtakbo ko sa banyo. Simula kasi bumalik si Abi sa Maynila at dahil na rin sa nangyari ay dito na naisipang tumira si Kyron sa condo unit ko. Pinayagan ko naman ito para naman di ako makaramdam ng boredom dito sa unit ko. Pumayag naman sina Ate Xiera at Kuya Ellian na dito na siya tumira kasama ko para naman daw ay di na ito bumili ng unit katabi ko total ay magkasintahan naman na kami at isa pa ay matatanda na rin kami kaya di na rin tumutol ang mga magulang ng magkakapatid. Napasapo na lang ako sa

