Nakatitig pa rin ako sa kalendaryo dahil dapat ngayon araw ako magkakaroon ng mens pero mukhang di natuloy. May times kasi na delayed ito at nagkakaroon naman ako kapag last week na ng month. “Kanina ka pa nakatitig dyan sa kalendaryo mo sa lamesa girl” binaba ko ang kalendaryo ko sa lamesa. “May tinitingnan lang ako” sabi ko. “Siya nga pala bakit di ka na nakapasok kahapon?” tanong niya. “Nag-aya pa kasi yung pinsan ni Sir Ellian sa SM” sagot ko. Kaloka nga ang dami niyang binili higit kumulang 100,000 yung nagastos niya pati nga ako ay binili niya ng dress pasasalamat daw niya yun dahil sinamahan ko siya sa Mall. “Ay, ikaw yung nagtour doon sa pinsan ni Sir Ellian” tumango ako. “Gwapo ba?” tanong ng kasamahan ko na isa rin pusong babae. “Sad to say, kalahi niyo yung pinsan ni Sir

