Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay maayos pa rin ang pamumuhay ko rito sa Maynila. Dalawang taon na yung triplets at masasabi ko lang ay nagmana itong lahat kay Tito Kyron na may itsura talaga syempre kasama na doom si Tita dahil maganda naman din siya. Wala na rin akong balita mula kay Xiara dahil tuluyan na ito di nagpakita sa amin, kinakamusta ko na lamang si Jarred kay Xieron buti nga daw ay di naisipan magkaroon ulit ng girlfriend si Jarred dahil si Xiara lang ang mahal niya at di niya ito ipagpapalit sa iba.
‘Sabagay, patay na patay ito kay Xiara kaya di niya basta-basta mapapalitan sa puso’t isip niya’
“Tita, ano yung theme niyo sa kasal?” tanong ko. We're here sa living room talking about the wedding nila Tito Kyron and Tita Maris. Nagpropose na kasi si Tito Kyron kay Tita nung first birthday ng triplets.
“Hmm… Alam mo ba pangarap ko na magkaroon ng beach wedding nung bata pa ako” kwento niya.
“Talaga, Tita?” tumango siya.
“Kaya yun ang napag-usapan namin ng wedding organizer last week. Go naman ang Tito mo sa dream wedding ko” bigla akong kinilig.
“Ikaw, kailan mo ba sasagutin si Xieron ang tagal na niyang nanliligaw sayo. Bihira lang sa lalaki na hinintay ka talagang maging ready, nakapasa ka na sa board exam at malapit ka na rin magtapos” napabuntong na lang ako ng hininga.
“Di naman niya po ako pinepressure na sagutin siya basta po gusto lang po niya makita na natupad ko na po ang pangarap ko” saad ko.
“Pero eto na yung pagkakataon na sagutin mo siya, parehas naman kayo ng nararamdaman at isa pa di naman ako against sa inyo. Tinutudyo na nga kita na sagutin mo na siya pero may hangganan din ang paghihintay, Abi kaya pag-isipan mo na ito ng mabuti baka sa huli magsisi ka” payo ni Tita. Tumayo na ito at nagpaalam na sa akin dahil umiiyak na ang triplets.
“ARE you okay, mon chéri?” bumaling ako sa kanya.
“Oo naman” sagot ko.
“But kanina ka pa tahimik di mo nga naubos yung food mo kanina, may problema ka ba?” tanong niya. Umiling naman ako.
“Then, why are you silent?”
“Napapagod ka na ba maghintay sa akin?” bigla kong tanong. Nanlaki naman ang mata niya.
“What are you saying, mon chéri?”
“Ihh… kasi baka napagod ka nang maghintay sa akin para sagutin kita okay lang na makahanap ka ng iba, di naman ako magagalit at masasaktan dahil wala naman akong karapatan” sabi ko.
“What are you talking about? Di ako mapapagod maghintay sayo dahil alam kong gusto mo munang tuparin ang mga pangarap mo para sa sarili mo kaya wag kang mag-isip ng di maganda. Di ko kayang mawala ka sa akin Abi kaya maghihintay pa rin ako sayo kahit matagal basta ako pa rin ang magiging end game mo dahil gagawin ko ang lahat mapunta ka lang sa akin habang buhay” napahikbi naman ako at niyakap siya ng mahigpit.
“Thank you dahil sa paghihintay mo sa akin ng matagal” sabi ko.
“I’m not pressure you na sagutin mo ako agad basta ako lang ang manliligaw mo wala nang iba” hinampas ko naman siya sa braso.
“Grabe ka naman di naman ako two timer syempre isa lang naman yung gusto ko” ngumiti naman siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko sabay halik sa gilid ng labi ko. Yumakap naman ako sa kanya st naramdaman ko na hinalikan niya ako sa aking sintido.
‘Sobrang swerte ko sa kanya at di ko siya papakawalan dahil di ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Siya ang naging sandalan ko noong panahon na nagrereview ako sa mock and board exam kaya thankful ako na nakapasa ako sa board exam at dahil sa kanya yun na todo alalay sa akin’
***
“Makakamartsa ka ba?” tanong ko kay Megan. Tumango naman siya.
“Tss! Di naman ako papayag na di makamartsa sa stage noh magwawala ako doon” natawa naman kami ni Patricia. Buntis kasi ngayon si Megan at sa September pa yung kabuwanan niya. Nung una ay umiyak ito sa amin dahil di naman ito ineexpect na mabubuntis siya ng wala sa oras kahit gumagamit na siya ng contraceptive. Sadyang malakas talaga ang sperm cell ni Jervy pero nung nalaman niya na buntis si Megan ay nagpakasal agad sila sa isang civil wedding. Akala ko nung una ay di siya magugustuhan ng parents ni Jervy pero nagustuhan agad nila dahil nakatagpo si Jervy ng matinong babae. Di naman nakapunta ang parents ni Megan dahil simula nung nalaman na buntis ito ay tinakwil siya ng mga ito at sinalo naman siya ni Jervy at siya rin ang nagpa-aral kay Megan dahil pinutol na nila ang communication ng mga magulang niya sa kanya.
“Prend kailan ba malalaman yung gender ng baby niyo?” tanong ni Patricia.
“July pa” tipid na sagot ni Megan.
“Di ka pa ba tapos maglihi?” umiling siya.
“Hindi pa pero kumuha na ng kasambahay si Jervy dahil may time kasi na di ako nakakapagluto dahil nanakit yung balakang ko kaya di na rin ako kumontra” paliwanag niya.
“Abi!” bigla kaming lumingon kay Jane.
“Bakit?” tanong ko.
“Tara may ipapakita ako sayo” hinila naman ako ni Jane at sumunod na rin sila. Sinabihan ko lang si Patricia na magdahan-dahan sa paglalakad baka mapano si Megan.
“Ano ba yun?” tanong ko.
“Look” tinuro niya sa akin ang isang bulletin kung saan nakalagay ang mga important announcements ng school.
“Saan ba?” tinuro niya ang mga list ng dean lister.
“Kasama pa rin yung name mo sa dean lister, Abi” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Totoo kasama pa rin?” tumango siya.
“Oo mas tumaas pa nga yung ranking mo” sagot niya.
“Pero by ranking ba yan?” umiling siya.
“Alphabetical lang sila pero sa tingin ko ipinapatawag ka na dahil namention na yung name mo” sagot niya.
“Sige pupunta na rin ako” sabi ko.
“ANO po ito?” tanong ko. May binigay ito sa akin na isang brown envelope.
“Open it” binuksan ko ang envelope at may nakita akong isang bond paper na nakaprint.
“You are receiving a latin honor in your upcoming graduation on June 26” basa ko at bigla akong napaluha dahil sa nalaman ko.
“Congratulations Ms. Hernandez you're receiving a latin honor as Summa c*m Laude in your batch. Nahigitan mo ng dalawang puntos si Ms. Jillian Carsel ng section C kaya congratulations sayo” tuluyan na akong umiyak.
“Thank you po” pagpapasalamat ko.
“WHY are you so happy hmm?” napayakap na lang ako sa kanya. Wala akong pakialam kung makita man nila ako kasama ang isa sa pinakamayaman na tao sa mundo dahil ipinagmamalaki ko na siya ang lalaking minahal ko at nakatadhana para sa akin.
“Summa c*m Laude ako” sabi ko.
“Really?” tumango ako. Niyakap naman niya ako.
“I’m so proud of you mon chéri” niyakap ko siya ng mahigpit at bigla akong humagulgol.
“Why are you crying?” pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.
“Sobrang saya ko lang” sagot ko.
“You deserve it mon chéri all of this dahil naging matiyaga at masipag ka para matupad mo ang pangarap mo” ngumiti lang ako at niyakap siya ng mahigpit.
‘Di ko ineexpect na makukuha ko ang pinakamataas na ranking ng latin honor dahil ang hiling ko lamang ay makapagtapos ng pag-aaral at makasama si Xieron habang buhay’