“Congrats pamangkin di ko expect na summa c*m laude ka” napakamot na lang ako bigla sa ulo ko. Today is our graduation and masasabi ko na sobrang saya ko sa araw na ito dahil present ang mga mahal ko sa buhay si Tita Maris at si Tito Kyron kasama yung triplets and syempre ang boyfriend ko na di mawawala sa special day ko. We are officially in relationship last week, total almost two years na rin na siyang nanliligaw sa akin and malapit na rin yung graduation ko ay di ko pinatagal pa. Saktong umulan yun pero nasa loob na kami ng sasakyan. Maganda sana kung habang umuulan ay sasagutin ko na siya pero ayaw ko naman magkasakit siya kaya mabilis na lang kaming tumakbo papuntang sasakyan.
“Di mo man lang sinabi sa amin na summa c*m laude ka” tumawa lang ako ng mahina.
“Baka may tinatago ka pa dyan sabihin mo na baka sa susunod nasa hospital na yung Tita mo sa sobrang pagkagulat” napangiwi na lang ito nang kurutin siya ni Tita sa tagiliran nito.
“Shut up!” napatawa na lang kami. Tumingin lang ako kay Xieron at siniklop ang mga kamay namin.
“Tita, Tito sinagot na po ako ng pamangkin niyo” nanlaki ang mga mata nila sa announcement namin.
“Talaga kayo na” tumango ako.
“Kyahh!” bigla akong niyakap ni Tita sa sobrang saya nito.
“Sa wakas may jowa na rin ang pamangkin ko” napatawa naman ako ng mahina.
“Akala ko ba after graduation mo pa siya sasagutin?” tanong niya.
“Ahh….hehehe”
“Hayaan mo na lang si Abi sa naging desisyon niya” komento ni Tito Kyron.
“Sinasabi mo ba na hadlang ako sa kanila?” umiling naman si Tito.
“Di naman sa ganun” matalim na tingin ang binigay niya kay Tito Kyron.
“Tita, Tito stop it na po” saway ko.
“Yung Tito mo kasi” napataas na lang ng dalawang kamay si Tito na senyales ay sumusuko na ito sa pakikipagargumento nito kay Tita.
“Xieron, gusto kong ingatan at mahalin mo nang lubos ang pamangkin ko. Marami na yan pinagdaanan sa buhay para lang matupad niya ang inaasam-asam niyang pangarap na makapagtapos” saad ni Tita.
“Pangako po Tita aalagaan at mamahalin ko si Abi para di na niya maranasan ang pagmamahal na ipinagkait sa kanya ng ina niya” napaluha na lang ako sa sinabi niya sa Tita ko.
“Aasahan ko yan” tumango naman si Xieron. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang tissue.
“Hey mom, dad” tawag ni Xieron sa mga magulang niya. Nakilala ko na ang mommy at kapatid ni Xieron. Akala ko nga katulad nang mga napapanood ko yung mommy ni Xieron na aalukin ako ng pera para layuan ang anak pero iba ang nangyari dahil makulit at mabait ang mommy niya na parang mini version ni Winslet na madaldal at may time na pasmado ang bibig. Speaking of Winslet, nagulat ako na kuya niya pala si Xieron at alam niya na siya ang secret admirer ko. She and Xiara ang nagsabi kay Xieron tungkol sa mga paborito kong pagkain kaya pala alam niya ang mga gusto kong pagkain ay dahil sa kanila. Gusto ko ngang magtampo sa kanya pero pinigilan lang siya ng kuya niya na magpakilala siya sa akin ng lubusan dahil mabuking siya sa pinaplano nito na magpapansin sa akin.
“What's up sister in law” nagulat ako sa tawag ni Winslet.
“Bakit ganun agad ang tawag mo sa akin. Di pa naman kami mag-asawa ah” sabi ko.
“Papunta naman kayo doon sa pag-aasawa di ba?” napaiwas na lang ako ng tingin.
“Tss!! Siguradong-sigurado ka na ako ang mapapangasawa ng kuya mo ah”
“Talaga! Sa tingin mo ba papayag yun na di ka ang mapapangasawa niya. Nagmukha na nga yun stalker sayo para bantayan ka lang sa mga nagtatangkang manligaw sayo” napalingon ako bigla sa sinabi niya.
“Huh?”
“Oo totoo yun nung naging president pa siya ng university kaya may mga incidents na nagiging judge siya ng mga case study and research niyo. Sa totoo nga wala naman siyang alam about sa pinag-aaralan niyo pero sabi niya related naman daw yung iba sa course niya dati at isa pa gusto ka daw niya makitang magpresent ng case study and research niyo” kwento niya.
“Kaya di na ako magtataka na nililigawan ka na niya noon” dugtong na sabi niya.
“Iha, congratulations on your achievement” napangiti ako kay Tita Zyra, ang mommy nila Xieron at Winslet.
“Thanks po Tita” pasasalamat ko.
“Wag mo nang pansin ang mga tsismis dyan sa paligid mo naiinggit lamang sila dahil matalino ka at kayang-kaya mong makipagsabayan sa mga matatalino rito” sabi naman ni Tito Yuan.
“Di naman po ako nagpapaapekto at isa pa ay matagal na po talaga kami naglalaban-laban ng kabatchmate ko sa ranking ng dean lister nung di pa po dumadating si Xieron sa buhay ko” saad ko.
“Excuse lang po may pupuntahan lang po ako” tumango naman sila at pumunta na kina Megan at Patricia.
“Congrats my prend” sabay yakap nila sa akin.
“Congrats din sa inyo lalo ka na buntis” humagikgik na lamang siya sa sinabi ko.
“Gustong-gusto niya talagang tinatawag siyang buntis” natawa na lang kami sa sinabi niya.
“Congrats, Summa c*m Laude” ngumiti naman ako.
“Thank you” napalingon ako bigla kina Jessa at Yam. Napalingon naman sila sa gawi namin at kumaway sa kanila. Pumunta naman sila sa gawi namin.
“Hey, congrats” pagbati nila.
“Thank you”
“Abi, may balita ka na ba kay Xiara” umiling pa rin ako.
“Wala na rin communication yung parents ni Xiara sa amin pero tinutulungan pa rin nila ako sa pamamagitan ni Tito Kyron pati nga si Tito ay wala rin alam kung nasaan na ang family ni Xiara” sabi ko.
“Sana magpakita man lang sa atin” malungkot na sabi niya.
“Sana nga” sabay naming sabi.
“Mon chérie, let's go” tumango ako at nagpaalam na sa kanila.
“Chat na lang tayo sa gc” tumango naman sila.
“It's okay na sumama na kayo sa amin for celebration din sa paggraduate niyo” pero tumanggi sila.
“Naku, wag na may sarili rin kasi kaming celebration kita kits na lang sa bachelor party ng Tita mo” natawa na lamang ako.
“Okay sige, ingat” kumaway naman ako sa kanila at tumalikod na. Umakbay sa akin si Xieron hanggang sa lumabas kami ng auditorium at naabutan namin ang dalawang van at isang kotse.
“Sa kotse tayo?” umiling siya.
“Doon na lang sa van kinukulit ako ni Winslet gusto ka daw niya makachika dahil matagal din daw na di kayo nagkakausap” napakamot na lang ako sa ulo dahil mukha nga matagal na rin pokus kasi ako sa ojt at sa acads syempre pati rin kay labdilabs na halos every weekend kami lumalabas para kumain at magdate.
“Okay sige miss ko na rin siya makachika” saad ko.
“Tara na baka tamaan na naman yun ng topak” tumawa ako sa sinabi niya tungkol sa kapatid. Inaalalay niya ako pasakay ng van at sumakay na rin siya.