Chapter 33

1483 Words
“Abujing jing” humahagikgik ang isa sa mga triplets ni Tita dahil kagigising lang habang ang dalawa pa nitong kapatid ay tulog pa. Grabe di ko kaya silang buhatin dahil malalaking bulas sila kahit nga sina Tita at Tito ay nanakit na yung mga braso nila kahit may malalaking muscle si Tito ay nangangalay din siya kapag binubuhat sila pwera lang kay Xieron kahit tatlong bata ay kaya niyang buhatin. “May kiliti ka pala dito ah” sinusundot-sundot ko ang tagiliran nito na ikinahagigik pa niya lalo. “Hey, stop doing that baka madala yan sa pagtulog niya” saway ni Tito. “Naniniwala ka pala doon, Tito?” tanong ko. “Yeah, because of your Tita ganyan din ang ginawa ko sinaway lang din niya ako” sabi niya. “May nalaman ka rin na pamahiin tungkol sa mga bagong panganak at sa sanggol” tumango siya. “Yeah, your lola Marlene said about that thing” sabi niya. “By the way, when will you apply for a job at the hospital?” tanong niya. “Give some break muna Tito masyadong napagod yung utak ko sa pag-aaral mga one month lang or after ng kasal niyo” sabi ko. “Okay that's what you want but tell me kapag plano mo nang mag-apply sa hospital” bigla akong napakamot sa ulo. “Tito kasi…..” mukhang nakuha na niya ang sasabihin ko. “Xieron recommended a hospital na pagtatrabuhan mo” tumango ako. “Doon din po kasi mag-aaply si Patricia” saad ko. “Bakit ba gustung-gusto niyo doon mag-apply?” napakunot bigla ang noo ko. “Maganda po kasi rate nila at walang gasinong issue kaya doon po ako nag-apply” sabi ko. “Bakit niyo naman po natanong?” “Nothing” napataas bigla ang kilay ko sa sagot niya. “Your boyfriend is here, akin na muna si baby” binigay ko si baby sa kanya. Lumabas naman ako sa bahay at nakita ko si Xieron na may dalang pagkain. “Mon chérie” napasimangot naman ako bigla sa dala. “Why are you frowned?” tanong niya. “Tss! Pagkain talaga ang dala mo balak mo ba akong patabain?” tumawa lang siya at inirapan ko naman ito. “Di ba sabi mo ayaw mo na akong magdala ng bulaklak kaya pagkain na lang ang dinala ko” napabuntong na lang ako ng hininga at napatingin sa kanya. “O siya ano ba yang dala mo?” tanong ko. “Your favorite, lechon manok” bigla akong naglaway. “Gustung-gusto ko nang kumain ng manok pero puro meat and fish yung hinahanda nila ngayon linggo next week pa raw pwedeng mag-ulam ng manok” reklamo kong tugon. “Baka tumaas yung kili ng manok ngayon kaya di na lang sila bumili” sabi niya. “Tss!! Kayaman-yaman ni Tito kayang-kaya niyang bumili ng manok kahit mahal” sabi ko. “Well yung binili ko kasi almost 600 pesos na yung isang buong manok” nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Seryoso ka? Bakit ka pa bumili ng lechon manok kung 600 pesos na pala yan?” tanong ko. “I know na nagsasawa ka na sa inuulam niyo” “Matanong nga kita, nagsumbong si Tita sayo noh?” umiling siya. “Napapansin ko lang sa mukha mo na napapangiwi ka sa ulam kaya binilhan na kita” hinapit lang niya ang beywang ko at pumasok na kami sa loob ng bahay. *** One month later….. “Congrats Tita Maris on your wedding wohooo!!” sabay cheers ng mga inumin namin. Di kami sa bar nag-inuman kung di sa bahay ng pinsan ni Tita na si Tita Julie dahil pare-parehas kami malalagot sa mga jowa namin kung sa bar pa kami mag-iinom syempre malalagot din sila sa amin kapag gumawa sila ng kalokohan. “Ano kayang iniinom ng mga yun?” tanong ni Patricia. Kami ay shembot ang iniinom namin yung may gin at juice syempre si Tita Julie ang nagtimpla ng shembot na iniinom namin. “Syempre mayayaman ang mga yun himala nga sumama si Jarred sa kanila” saad ni Tita Maris. “Speaking of Jarred, buti di pa siya ulit nagkaroon ng girlfriend?” tanong ni Jessa. “Well, alam mo naman patay na patay kay Xiara yun kaya impossible na ipagpapalit niya si Xiara at saka feeling ko may alam na rin siya kung nasaan ngayon siya di lang talaga sinasabi sa atin” saad ko sabay inom. “Naku kapag talaga nagkita kami ni Xiara sasabunutan ko talaga siya” sambit ni Jessa. “Oo nga pala nasaan si Yam?” bigla naman ito natahimik. “Nasa Japan na siya ngayon” malungkot niyang sabi. “O parang malungkot ka ata” bigla naman itong umiyak. “Jusko naman Jessa bachelor party ito ni Tita Maris nagiging taga tahan pa kami sayo” bwelta ni Patricia. Hinampas ko naman siya sa braso at sinaway. “Ano ka ba! Wag mo nang pagalitan yung tao umiiyak na nga” “Ano bang nangyari?” “May nangyari sa amin ni Yam nung graduation party namin tapos nagising na lang kami wala na kaming saplot” napatakip kami ng bibig dahil sa kinuwento niya. “Di ba gay si Yam?” tumango siya. “Oo pero alam mo naman na di siya pumapatol sa babae dahil ang gusto ko, gusto din niya” muli siyang umiyak. “Kaya after nangyari sa amin iniiwasan na niya ako, di na niya ako sinasagot sa mga tawag at text ko tapos nalaman ko na lang umalis na siya” inaalo naman siya ni Patricia. Di namin alam kung ano sasabihin namin. “Natatakot kasi ako na baka mabuntis ako” sabi niya. “Fertile ka ba noong may nangyari sa inyo?” umiling siya. “First week ng month pa ako nagkaroon ng period” saad niya. “Possible nga na mabuntis ka pero you need monitor your calendar period baka may mga sudden changes na di ka mabuntis” tumango naman siya. “Magtitimpla pa ba ako?” tumango si Tita. “Oo” napatingin ako sa kanya. Medyo nahihilo na ako pero parang gusto ko pang uminom dahil masarap ang pagkakatimpla ni Tita Julie. “Tita, di po ba kayo mapapagalitan ni Tito Kyron kapag nalasing na kayo?” tanong ko. “Di naman ako lang ang mapapagalitan pati rin ikaw” napangiwi na lang ako dahil panigurado sandamakmak na sermon ang aabutin ko sa boyfriend ko nito. “Ano magtitimpla pa ba ako?” tumango kami. “Para makalimutan ko po yung sakit na binigay sa akin ni Yashiro Manuel” tumawa lang kami dahil binanggit niya ang buong pangalan ni Yam. “BAKIT naman sa ganitong sitwasyon pa naabutan natin” napabuntong na lang mg hininga si Tito Kyron sa naabutan nila sa amin. “Ano ba yung iniinom niyo?” saad niya. Tinuro ko na lang ang iniinom namin kahit medyo nahihilo at blurry na yung paningin ko. Nakita ko naman si Xieron na pumunta sa tabi ko, sa sobrang hilo ko ay napasubsob na lang ako sa leeg niya at sinisinghot yun. “Ang bango mo labdilabs ko” bigla naman ito nanigas. “What kind of alcohol is this?” inamoy niya ang tinimpla ni Tita Julie. “Shembot yan kung tawagin sa mga tambay sa kanto. Ayaw naman nila sa red horse dahil mahal kaya ito na lang yung pinagbibili nila” narinig kong sabi ng asawa ni Tita Julie. “Dito na kayo matulog Kyron baka may mga tama na rin kayo” napaungol ako bigla nang buhatin ako ni Xieron. “I’m taking her in hotel baka kasi wala nang vacant room dyan sa inyo” “Mabuti pa nga iho at paano naman itong dalawa” sabi nila. “Dito na lang din lalatag na lang ako ng kutson dyan para komportable silang matulog” “Sige po mauuna na rin po ako Mang Tomas” narinig kong paalam ni Xieron kay Tita Tomas. “Tss! Masyado kang naparami ng inom mon chéri alam mo naman na mababa ang alcohol tolerance mo at di mo kaya ang mga ganung alak. Buti na lang pala ay di kayo pinayagan ni Tito Kyron na uminom sa bar baka mapaaway pa kami wala sa oras doon” rinig kong sermon ni Xieron sa akin. “Hmm….. labdilabs” napahagikgik ako dahil sobrang bango ng leeg niya. “Wait mon chéri, what are you doing?” “Hmmm…. ang bango mo labdilabs ko” sabay yakap ng mga hita ko sa baywang niya. Narinig ko naman ito nagmura at bigla akong may naramdaman na matigas pero di ko na lang pinansin at tuluyan na akong nakatulog habang yakap ko ang mga hita ko sa baywang niya. “s**t!! Ang sakit mo puson”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD