“Aww” nagising ako na nanakit ang ulo ko.
“Grabe ayoko nang uminom ng matataas na alcohol”
“Your awake” bigla akong napatigil dahil narinig ko ang boses ni Xieron napatingin naman ako at siya nga ang nagsalita.
“P-paano ako napunta rito?” tanong ko.
“Your Tito Kyron says me na dalhin na kita rito dahil wala nang vacant room sa bahay ng pinsan ni Tita Maris” paliwanag niya.
“Kung iniisip mo ay may nangyari ay you don't have to worry dahil di naman ako siraulo para pansamantalahan ang isang lasing” sabi niya.
“Kahit nga sobrang sakit ng puson ko kagabi pinigilan ko lang” mahinang bulong niya.
“Huh?”
“Nothing, anyway I ordered arroz caldo and nagpadala na rin ako ng gamot dahil alam ko na sasakit yung ulo mo pagkagising mo” sabi niya.
“Can I take a shower?” tumango siya.
“Sure, andito naman yung mga damit mo” napatango na lang ako.
“Kinuha mo ba sa bahay?” tumango siya.
“Sige liligo na ako” paalam ko at pumasok na ako bigla sa banyo.
“GRABE buti na lang di niya naisip yun na gawin” napahigop na lang ako ng kape. Di sapat yung arroz caldo at gamot dahil nanakit pa rin yung ulo ko baka matulog na lang ako mamayang after lunch.
“May balak ba kayong maligo sa dagat?” umiling ako.
“Bukas na lang masakit pa kasi yung ulo ko” sabi ko.
“Same here” nakita lang namin na tulala si Jessa.
“Jessa, Jessa” tawag namin pero itong si Patricia ay tinawag sa buong pangalan si Jessa.
“Jessamine Sta. Ines!” nagulat naman ito bigla kay Patricia.
“Ano ba bakit mo ba binanggit yung buo kong pangalan?”
“Well, para magising ka kanina ka pa kasing tuleley dyan” saad niya.
“Wala may iniisip lang ako”
“Sus! Wag mo nang isipin yung baklang yun enjoy and relax ka muna. Isipin mo na lang yan kapag siguradong buntis ka na, doon mo problemahin yun” sabi ni Patricia.
“Si Tita Maris ba gising na?” tanong ko. Nagtinginan lang ang dalawa.
“Alam ko na tulog pa sila noh?” tumango sila.
“Pero binisita naman namin yung triplets. Hagok daw ang tulog doon sa crib nila mamaya pa lang gigising dahil panigurado ay hahanapin nila yung amoy ni Tita Maris” paliwanag ni Patricia.
“Siya nga pala bakit di niyo kasama si Megan?” tanong ni Jessa.
“Well, malapit nang manganak si Megan di na daw pinasama nung hubby niya. Nagpadala na lang sila ng gift pero syempre nasa jowa mo ata yung gift nila” paliwanag ni Patricia.
“Kamusta yung pag-apply niyo sa trabaho?”
“Mag-aaply pa lang kami sa hospital after ng kasal nila ni Tita Maris” sagot ko.
“Sabay pa talaga kayo ah”
“Well nirecommend kasi kami”
“Nino? Nung jowa mo?” tumango ako.
“Ikaw, kailan ka magstay rito?” tanong ko.
“Baka before board exam uuwi na ako sa Manila” saad niya.
“Anong gagawin niya rito?” tanong ni Patricia.
“Syempre magrereview, porket nasaktan ako ay magmukmok na lang ako sa isang gilid. Di pa tapos yung journey ko para matupad yung dream ko may board exam pa. Porket pumasa kayo sa exam chill-chill na lang kayo” panghihimutok niya. Tumawa na lang kami ng malakas.
“Mon chérie, Tita Maris calls you” tumango ako at nagpaalam na sa kanila.
“Gising na sila”
“Yeah” nagsimula na kaming lumakad hanggang sa nakarating na kami sa hotel na tinutuluyan namin.
“Mukhang nagwawala na yung triplets noh?” tumango siya.
“Oo kaya tinawag na nila yung dalawa nung parents ni Tito Kyron para aluin yung tatlo” kumatok muna kami at saka kami pumasok.
“Good morning po” bati ko mula sa mga magulang ni Tito Kyron.
“Good morning din iha” bati rin ng mommy ni Tito Kyron.
“Ouch! My head” napahawak ito sa ulo niya.
“Bakit ba kayo sobrang nagpakalasing parang wala kayong anak ah” sermon ng mommy ni Tito Kyron.
“Sorry mom, sinusulit ko lang naman yung time together sa mga kaibigan ko” sagot ni Tito Kyron sa mommy niya.
“Well, Tita gusto ko lang ulit uminom ng alak kahit mababa yung alcohol tolerance ko” tumawa lang ako ng mahina at napatingin naman sa akin ng masama ang boyfriend ko. I give him a piece sign na lang.
“Well, di naman masamang uminom at magsaya isipin niyo naman yung mga anak niyo akala niyo naman di kayo hinahanap kapag gumigising ng umaga yan. Baka gumawa pa kayo ng kababalaghan doon sa bahay ng pinsan mo Maris” umiling naman sila.
“Nakakahiya naman po kung doon pa abutan ng init ng katawan lalo na’t may kasama pa kami natutulog sa sala” saad ni Tita.
“Mabuti kung ganun anyway, how is the wedding preparation going?”
“Yung family side ko may balak po silang magdagdag ng another food po. Tulung-tulong po silang magluto ng ulam” sabi naman ni Tita. Napatango naman sila.
“Di ba taga Batangas ang papa mo babe?” tumango naman si Tita.
“Pero di ko naman close ang mga kamag-anak ng tatay ko kaya walang bayanihan ang magaganap at saka isa pa yung kamag-anak ni Mama ang tutulong sa pagluluto” sagot niya.
“We're trying to help yung mga wedding organizer sa pagdesign sa kasal” presenta namin.
“Tamang-tama magaling ka sa mga design di ba?” tumango ako kay Tito.
“Guys, lunch is ready” napatingin ako sa oras.
“11:00 am na pala” napahikab naman ako bigla.
“You want to sleep?” tumango ako.
“We should eat first before umakyat sa taas” hinawakan na niya ang kamay ko at bumaba na kami para makakain na ng tanghalian.
***
“Inaantok ka na rin ba?” umiling naman siya.
“Kailangan mo rin matulog dahil uminom ka ng gamot kanin right?” tumango ako.
“I love you, mon chéri” ngumiti naman ako.
“I love you too, labdilabs ko” ngumisi lang siya.
“Bakit?”
“I like it when you call me that” sabi niya.
“Bakit, tinitigasan ka ba?” nanlaki naman ang mga mata.
“Abi!” tumawa ako at saka tumaklob ng kumot at ipinikit ko ang mga mata ko. Pero may hangin na dumaan sa tenga ko.
“Paano kapag sinabi ko “oo” kaya mo bang pakalmahin?” bigla akong humarap sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa short niya.
‘Shuta, mabahaging langit’
“Ahmm…. alam mo iligo mo na lang yan sige na tutulog na ako” akmang pipikit yung mata ko ay bigla niya akong pinaharap at walang pasabi na hinalikan niya ako ng mariin. Naghiwalay naman ang mga labi namin.
“Please stop me, mon chéri baka di ko makontrol ang sarili ko na angkinin kita” saad niya.
“Then take me, labdilabs ko” mahina kong bulong at walang pasabi na hinalikan niya ako.