“Congratulations Baks” yakap sa akin ni Xiara. “Thank you” saad ko. Nandito kami sa restaurant ni Winslet at close muna ito ngayon for celebration na rin sa aming engagement ni Xieron. Bigla akong naluha nung sinurprise kami at sabay silang bumati sa amin. Di ko expect na nandito si Gwen dahil pinayagan siya ni Doktora na umuwi nang maaga para sa celebration namin. Nandito rin si Keanne, ang pinsan ni Xieron. “Congrats Abi, masaya ako sa inyo” ngumiti ako. “Thank you Keanne” pasasalamat ko. “I know it's a been to late na nasabi ko na gusto na kita noong freshman pa lang tayo pero dahil duwag at torpe ako ay di ko na nagawang umamin sayo noon” saad niya. “Alam ko na may darating pang babae para sayo kaya intay lang” sumimangot naman ito bigla. “Grabe naman matagal pa yun” natawa na la

