Kasalukuyang akong nagblower ng buhok at iniisip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni Tita Maris. “Are you okay? Kanina ka pa kasi tahimik simula nung sinundo kita kina Tita” pinatay ko na ang blower at umakyat na sa kama. “May iniisip lang ako” sagot ko. “Mon chéri di ba sabi ni Doktora bawas-bawasan mo yung pag-iisip mo baka mastress ka niyan” saad niya. “Iniisip ko kasi yung sinabi ni Tita Maris sa akin” umakyat na si Xieron sa kama at sumandal ako sa dibdib niya. “Ano naman ang sinabi ni Tita sayo?” “Tungkol kay Papa” sagot ko. “Matagal mo na ba di nakikita ang papa mo?” tanong niya. “Oo simula kasi nung iwan ako kay Mama ay di na siya nagpakita sa akin. Gusto kong magtampo at magalit sa kanya dahil di niya ako kinuha sa puder ni Mama pero alam ko naman ang dahilan dahil laging b

