“Tita sorry po” maiiyak-iyak kong sabi.
“Tita Maris please don't be mad at her. Ako po ang may kasalanan dito dahil di po kami nag-iingat pero I promise aalagaan ko po si Abi at ang magiging anak namin” saad niya. Bumuntong siya ng hininga.
“Di naman ako galit sa inyo kaya lang iniisip ko si Abi dahil natatakot ako na di niya magampanan bilang isang ina dahil na rin sa mga nangyari sa kanya noong bata pa siya na di niya naranasan ang pagmamahal mula sa ina niya at isa pa di ko rin siya nagagabay noon dahil nag-aaral pa lang ako pero dahil nandyan na yan tutulungan kita at alalayan kita para di mo ramdam ang hirap at danas mo noon” tuluyan na akong napahagulgol at biglang niyakap si Tita.
“Di man perpekto ang kinalakihan mo ay alam ko na mababago ang lahat dahil sa pagmamahal na binigay niyo sa isa’t isa. Sobrang proud ako sayo Xieron dahil di mo hinayaan masira ang relasyon niyo dahil ayoko nang maranasan ng pamangkin ko ang masaktan gusto ko na maging masaya siya” tumingin siya sa akin at ngumiti. Kumuha ng upuan si Xieron at inalalayan niya akong umupo.
“Kailan mo pa nalaman na buntis ka?” tanong niya.
“Nung bigla po akong nagcrave sa cordon bleu na hinanda po nila sa birthday ni Lola Fatima” sagot ko.
“At napansin din po ni Winslet na lumapad yung balakang niya” dugtong niya sa sinabi ko.
“Di pa ba gising si Tito Kyron mo?” napatingin ako kay Xieron.
“Hindi pa po Tita” saad niya.
“Yung triplets, kamusta sila?” tanong niya.
“Nasa bahay po sina Tito Ellian at Tita Xiera para po magbantay kay Xav at sa triplets po” sagot ko.
“Umuwi na sila Xiara?” tumango ako.
“Buntis po ulit si Xiara, Tita at nandito po sila sa hospital ngayon nagpapacheck up. After daw po ng check up nila ay bibisitahin daw po nila kayo” sabi ko.
“Nauuhaw po ba kayo?” tumango siya at kumuha si Xieron ng tubig at binigay kay Tita.
“Salamat”
***
“Buntis goals ba kayo at sabay-sabay kayong magbubuntis. Nakakahurt naman ako na lang ang forever single rito” drama ni Winslet.
“Di lang ikaw ang single rito si Patricia pa” saad ni Megan.
“At least may anak, ako waley” bigla siyang sumimangot.
“Bakit kasi di mo na ulit landiin si Inspector?” Napairap na lang siya.
“Di ako magmamahal sa taong di pa tapos magmahal. Saka malay natin nasa paligid ko lang yung the one ko, kapag dumating na siya magpapabuntis na agad ako sa kanya” sinuway ko naman ito.
“Andito ang kuya mo hinay-hinay lang sa pagsasalita” saway ko.
“Oo na tatahimik na pero seryoso ako sa sinabi ko ah” sabi niya. Nagulat na lang kami na pumasok si Xieron kasama si Inspector Damien.
“Good afternoon Mrs. Del Vega” tumango naman siya.
“May importante lang po akong sasabihin sa inyo” tumango siya.
“May mga galamay pa si Acosta kaya mag-ingat po kayo. Magpapadala po ako ng mga pulis sa bahay niyo para sa kaligtasan niyo” tumango na lang si Tita. Bigla naman tumayo si Winslet.
“May sasagutin lang ako” aalis na sana siya pero pinigilan siya ni Xieron.
“Sino yung tumatawag?”
“Si Joey kuya” binitawan naman niya ang braso nito at lumabas na para kausapin ang tumatawag sa kanya.
“Sige mauuna na ako may trabaho pa akong naiwan” tumango na lang si Xieron at tinapik na lang nito ang balikat niya.
“Hmmm…. I think may naaamoy akong kakaiba”
“Ano naman yun?”
“Wala lang” sabay subo ng ponkan ni Megan.
“Kamusta naman ang vacation experience mo with Jarred?” Bigla naman itong sumimangot.
“Nakakasakit ng singit at p***y” tumawa na lang kami ng mahina.
“At least na enjoy mo di ba?” nagtawanan sila.
“Anong plano niyo Xieron, Abi?” napalunok ako bigla.
“Papakasalan ko po si Abi, Tita may kailangan lang po akong aasikasuhin” saad niya.
“Mabuti naman ayoko rin na lumabas ang bata na di pa kasal ang magulang kahit simpleng wedding lang okay na basta’t nasabi niyo rin ang mga wedding vows niyo” saad ni Tita.
“Tita Maris gising na po si Tito” napalingon kami kay Xiara.
“Totoo?” tumango siya.
“Gusto ko siyang makita” sinenyas ko si Xieron na lumabas para kumuha ng wheelchair.
“KAMUSTA na yung pakiramdam mo?”
“Eto masakit yung tagiliran ko” bigla naman naluha si Tita.
“Bakit mo kasi ginawa yun?” sabay hampas sa kanya sa braso nito.
“Ayokong mapahamak kayo ng baby natin saka nandito ako ngayon sa harap mo gising na gising” niyakap lang siya ni Tita.
“Mahal na mahal kita Maris kahit ano man mangyari poprotektahan kita” sabay halik sa noo niya.
“Sobrang mahal na mahal kita Kyron” napasandal na lang ako sa dibdib ni Xieron.
“Bakit parang nakafacemask kayo lalo ka na Abi?” napatitig na lang ako kay Tito.
“Ano kasi Hon, buntis si Abi” sagot niya.
“Kaya pala biglang iwas mo sa pagkain na niluto ni Manang Abel” napakamot na lang ako sa ulo ko.
“Sorry po Tito medyo maselan pala yung paglilihi ko kaya ganun na lang ang reaksyon ko saka nagsorry na rin ako kay Manang Abel” sabi ko.
“So, anong plano mo Xieron?” tanong ni Tito.
“Papakasalan ko po si Abi, Tito” sagot niya.
“Good” mahina niyang tugon.
“Umuwi muna kayo para makapagpahinga na” tumango na lang kami at lumabas na ng room.
“Ililipat na lang daw nila yung kama ni Tita Maris sa room ni Tito” tumango na lang ako at saka kami umuwi na ng bahay.
***
Kasulukuyang nasa bahay ako nila Tita dahil wala akong pwedeng makakwentuhan doon dahil busy si Winslet sa negosyo nila ni Megan, si Xiara naman ay umuwi na sa penthouse nila kasama sina Jarred at Xav. Si Xieron ay busy ngayon kahit nung kakalabas pa lang ng hospital nila Tita. Si Tito naman ay nasa bahay muna dahil nagpapahilom pa ng sugat sa tagiliran niya at si Tito Ellian muna ang bahala sa company niya. Si Patricia ay nakontak na namin ni Gwen pero nakiusap ito sa akin na wag ipapaalam kung nasaan talaga ito. Naiintindihan naman namin ang pakiusap niya na sa tingin ko ay ikakahinga nila ng maluwag. Nagsabi rin ako kay Patricia na maayos ang lagay ng lahat at sabay-sabay pa kaming nabuntis, natawa na lamang siya.
“Siya nga pala di ka na ba pumapasok sa hospital?” umiling ako.
“Nagmaternal leave na po ako napayuhan na rin po kasi ako ni Dra. Alvarez” sabi ko.
“Sino yung papalit sayo?” tanong niya.
“Si Gwen po nasa clinic na po siya ngayon ni Doktora” sagot ko. Nagtrim pa rin ako ng bulaklak dahil namiss ko na itong gawin sa mansyon dahil puro common na halaman lang ang nandoon.
“May gusto lang akong tanungin sayo Abi”
“Ano po yun Tita?”
“Gusto mo bang ulit makita ang papa mo?” bigla akong napatigil.
“Yung siya ang maghahatid sayo sa altar kapag kinasal na kayo ni Xieron” di agad ako nakaimik sa sinabi niya.