Makalipas ng isang araw ay nakauwi na ako pero nasa mansyon na ako ng mga Caballero nakatira ngayon. Wala si Xieron dahil natunton na nila ang kinaroroonan ni Mayor Limuel na kung saan dinala niya si Tita.
“Sana maayos yung lagay niya” dasal ko.
“Di siya pababayaan ni Lord wag kang mag-alala” hinawakan nila ang kamay ko.
“Kumain ka muna” nilapag nila ang isang basong gatas at sandwich. Bigla akong napangiwi dahil sa gatas na alam ko ay pangbuntis. Di ko gusto yan dahil lasang kalawang.
“Tita, pwedeng tubig na lang po iinumin ko ayoko po kasi nito” sabi ko.
“Abi you need to drink this milk. It's good for you, I know na di mo gusto ang lasa baka magalit sa amin si Xieron kapag di ka uminom nito” wala na akong magawa kung di inumin ang lintik na lasang kalawang na gatas na ito. Kapag talaga ako nabwisit kay Xieron siya ang papainom ko nitong gatas na ito.
“Oh bakit nakabusangot ang mukha ni Buntis?” tanong ni Winslet.
“Dahil sa gatas” turo ni Tita sa iniinom kong gatas.
“Baka kasi magalit yung kuya mo kapag di namin napainom ng gatas niya” saad niya.
“Baka naman mommy may option pa na pwede niyang inumin parang di niya gusto yung gatas” sabi niya.
“Wala tayong magagawa anak at yan ang nireseta ng OB niya” gusto ko na lang umiyak dahil sa pangit na lasa ng gatas.
“Oh kuya Jervy nandito ka na pala, kamusta?” tumingin sa akin si Jervy.
“Nasagip na namin si Tita Maris kaya lang….”
“Ano?”
“Nabaril si Tito Kyron at dinala na siya sa hospital tapos si Tita Maris naman ay dinugo at sinugod rin siya sa hospital” napahinga ako ng maluwag.
“Si Xieron nasaan siya?” tanong ni Tita.
“Pagkadala po namin sa hospital ay umalis ito at may aasikasuhin po ata” saad niya.
“Ano naman ang aasikasuhin niya?” tanong nila.
“Tungkol po ata sa nangyari kay Abi at saka po tungkol kay Mr. Ignatius” saad niya.
“Anong tungkol doon iho?”
“Ahmm…. nalaman po kasi namin na siya ang pumoprotekta at tumulong sa dating mayor ng SJDM sa Bulacan pero di ko po alam ang totoong detalye” sabi niya.
“Sino kasama ni Xieron?” tanong ko.
“Si Inspector Damien Joseph Lauchengco ang kasama niya kaya wag mo siyang alalahanin Abi” napatango na lang ako. Napatingin na lang ako kay Winslet at tumingin naman siya, umiwas lang ito ng tingin.
“Ahmm…. Mommy pupuntahan ko muna yung sweet café sa UP” humalik siya sa pisngi ni Tita pati na rin sa amin ni Lola saka umalis na
“May problema ba yun?” kumibit balikat na lang sila ni Tita.
“Gusto kong bisitahin sila” saad ko.
“Pero hindi pwede Abi kabilin-bilinan sa akin ni Xieron na wag ka munang pumunta sa hospital. Kakalabas mo pa lang ng hospital kahapon”
“Pero….” nagsalita siya.
“Hintayin na lang natin si Xieron na umuwi rito sa ngayon ay magpahinga ka muna. Tatawagan ko muna si Megan para may makausap ka, umalis yung makakausap mo sana kaya lang narinig niya yung pangalan ni Inspector Damien kaya bigla itong umalis” sabi niya. Di na lang ako umimik at umupo na lang sa sofa habang hinihintay ang update sa kanila.
***
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa paghihintay ko sa kanila. Nakiramdam ako dahil may mabigat na bagay na nakadantay sa tiyan ko. Lumingon ako at si Xieron pala yun, nakayakap sa akin at mahimbing yung tulog niya. Sumubsob ako sa kanya at naamoy ko ang pabango na nagugustuhan ko ngayon, muli akong natulog habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Nagising ako at bumangon dahil nag-umpisa na naman ang pagduduwal ko. Di ko alam kung kailan ito matatapos dahil nasa second trimester na yung pagbubuntis ko.
“Are you okay?” binigyan niya ako ng tubig at ininom ko ito.
“Okay lang ganito talaga ako kapag tuwing umaga” sabi ko.
“Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?” tanong ko.
“Around 8 pm na ako bumalik sa bahay. Pagkagaling ko kasi sa pinuntahan ko ay pumunta pa ako sa hospital para tingnan yung kalagayan ng Tita’t Tito mo” paliwanag niya.
“May nabanggit sa akin si Jervy tungkol sa tatay ni Giselle. Totoo ba na siya ang tumutulong sa kanya?” tumango siya.
“Naikwento niya sa akin yun di niya daw alam na yung pala ang mayor na hinahanap ng mga pulis” mapakla akong tumawa.
“Kalokohan” umupo ako sa kama.
“Ninawala ka naman?” tanong ko. Umupo rin siya sa tabi ko at hinarap niya ako.
“No, dahil ang anak niya ang may kasalanan kung bakit muntikan ng mawala yung baby natin” hinawakan ko ang pisngi niya.
“Gusto kong bumisita kina Tita” saad ko.
“Okay but you need to wear a mask” tumango ako.
“Sige na maligo ka na” tumayo na ako at pumasok na sa loob ng banyo.
“Babe baka naman may option pa rito ayoko kasi nitong gatas lasang kalawang?” nakabusangot kong tanong.
“Mon chéri hindi pwede yan ang inireseta sayo ni Dra. Alvarez kaya kailangan mong sundin yun” napanguso na lang ako.
“Sige na nga iinumin ko na yan pero kapag di ko naubos ito, inumin mo rin” napaubo ito bigla.
“Mon chéri di naman ako buntis para uminom niyan” nangingilid ng luha ang mga mata ko.
“Ayaw mo ba” naalarma naman ito.
“Okay fine stop crying na iinumin ko na” ngumiti naman ako sa kanya.
“Talaga?” tumango siya. Binigay ko sa kanya ang natitira kong gatas sa kanya.
“Seryoso iinumin ko na ito ngayon? Bakit ang dami?” naiiyak niyang tugon.
“May reklamo ka?” umiling ito. Tumingin naman siya sa pamilya niya.
“Naku iho masamang tanggihan ang buntis baka di ka na maulit pang madagdagan ang anak mo” panakot ni Tita. Nilagok na bigla ni Xieron ang gatas ko at napalakpak ako sa tuwa.
“Ayiee naubos din” masayang sabi ko. Naduduwal pa si Xieron sa ininom nitong gatas.
“Aalis ba kayo?” tumango si Xieron. Uminom ito ng tubig.
“Nagpipilit si Abi na bisitahin yung Tito’t Tita niya sa hospital” saad niya.
“Kamusta na pala si Kyron?” tanong ni Tito.
“He’s unconscious pa and under observation pero ligtas na rin siya sa panganib” sagot niya.
“Malala ba ang sugat sa pagkakabaril niya?” tanong ni Lola.
“Sa may tagiliran po saka kamuntikan na siyang maubusan ng dugo buti na lang nandito sa Manila yung kapatid niya” kwento ni Xieron.
“Sige na pumunta na kayo baka matraffic pa kayo” inalalayan ako ni Xieron palabas ng bahay. Sumakay na ako sa sasakyan at umalis na rin kami.
***
We're here in the hospital at pupuntahan namin ang room ni Tito kung saan ito nakaconfine. Unconscious pa rin kasi siya dahil sa mga gamot na itinurok sa kanya. Sabi sa akin ni Gwen ay bumisita na dito si Tita at muntikan nang mahimatay nang nakita niya ang kalagayan ng asawa niya.
“Tito please gumising na po kayo magkaroon na po kayo ng anak at apo” natatawa kong tugon. Hinawakan naman niya ang balikat ko.
“Baka mamaya ay gising na siya ayon sa doctor na nakausap ko kanina” saad niya.
“Are you okay?” tanong niya.
“Sayang, wala si Patricia dito para sabihin ko sa kanya na ninang na siya pero mukhang ako ata ang magiging ninang sa anak niya” mahinang tawa ko.
“Edi parehas na kayong ninang” tugon niya.
“Di niyo ba kinompronta si Doc Joaquin?” tanong ko.
“Di na bahala na siya sa buhay niya” sabi niya.
“Gising na ulit yung Tita mo sabi ni Megan” nagsuot ako ng facemask at lumakad na kami para pumunta sa room ni Tita.
“Handa na ba kayo sa sermon ng Tita mo” pang-aasar ni Megan.
“Ewan, bahala na” inaya ko na si Xieron na pumasok sa loob.
“Oo nga pala” biglang pigil nila sa amin.
“May kasabay na pala kayong magbubuntis”
“Sino?”
“Si Xiara at ako” nanlaki ang mga mata ko.
“Totoo?” tumango siya.
“Sige mamaya ko na lang ipagpapatuloy yung kwento ko sa inyo. Harapin mo muna ang Tita mo” tuluyan na kaming pumasok.
“Tita” napalingon naman sa akin si Tita at biglang nanlaki ang mata niya at napatakip siya sa bibig niya.
“Buntis ka?” tumango ako at bigla akong naiyak.