Nagising ako na nasa hospital ako at naaamoy ko pa rin ang mga gamot na mukhang ginamit sa akin.
“Buti naman gising ka na” napatingin ako kay Gwen pero bigla kong naalala ang nangyari sa akin.
“Gwen, yung baby ko?” panic kong tanong.
“Wag kang mag-alala malakas ang kapit ng bata pero sa susunod kailangan mo nang mag-ingat dahil kapag naulit pa ang contraction ay maaaring malaglag ang baby mo” nakahinga naman ako ng maluwag.
“Pero mukhang di mo na masusurprise si Xieron dahil kasama siya sa pagsugod nila sayo sa hospital” tipid akong ngumiti.
“Pero yung ngiti ng jowa mo hanggang EDSA nung nalaman niya na buntis ka” kwento niya.
“Nasaan siya?” tanong ko.
“May inaasikaso lang pinababantay ka lang sa akin muna” pero sa mukha niya ay sa tingin ko ay may problema ito.
“May problema ba?” tanong ko. Umiling siya.
“Ano ka ba wag mo masyadong iniistress yung sarili mo baka mapano na naman si baby” sermon niya.
“Sorry” pero may narinig na kaming katok.
“Mukhang andyan na si daddy lalabas muna ako ah” tumango ako.
“Salamat sa pagbabantay sa akin” pasasalamat ko.
“Wala yun” binuksan niya ang pintuan at nakita ko si Xieron.
“Sige babalik na ako” tumango ako at sinarado na niya ang pintuan. Nakatingin naman ako kay Xieron at nakaramdam ako ng guilt dahil sa di ko pag-iingat sa sarili ko na kinamuntikan nang malaglag ang baby namin.
“How are you feeling?”
“Eto medyo groggy pa dahil sa gamot” hinawakan niya ang kamay ko.
“What did you tell me na buntis ka?” nagtatampo niyang tugon.
“Sorry gusto lang kita isurprise sa mismong anniversary natin pero mukhang di na ata surprise yun dahil sa nangyari” sabi ko.
“You made me so worried mon chéri” hinaplos ko ang pisngi niya.
“Sorry kung naging pabaya ako dapat pala hinintay na lang kita na umuwi muntik ko nang maipahamak yung baby natin” sabi ko.
“May sasabihin ka ba dapat nung pumunta ka sa company?” tumango ako.
“Tungkol kay Doc Joaquin” sabi ko pero tumigil ito.
“Mon chéri may sasabihin sana ako pero alam ko na di ka titigil sa mga tanong na gusto mong sagutin” kumunot ang noo ko.
“Dalawa kasi ang problema natin” saad niya
“Si Patricia di na daw pumasok nung Tuesday sabi ni Megan. Di daw nila matawagan si Pat pero mukhang alam natin ang dahilan kung bakit di muna pumasok” saad niya. Mukhang yun ata ang problema na gustong sabihin sa akin ni Gwen.
“Labdilabs, buntis si Patricia at si Doc Joaquin ang ama ng dinadala niya” sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya
“P-paano?”
“Parehas raw silang lasing nung gabi balak na sana niyang sabihin tungkol sa pagbubuntis niya ay may nalaman siya na itinuloy niya na pala yung kasal nila Doc Joaquin sa girlfriend nito. Nasaktan ng sobra si Patricia kaya sa tingin ko ay nagpakalayo muna ito para maghilom ang sugat at ipagpatuloy na rin ang pagbubuntis niya. Wala rin akong alam sa mga lugar na pinupuntahan niya kaya hayaan muna natin siya at hayaan mo ang kaibigan mong magwala kapag di na nagpakita ang kaibigan ko” mahabang paliwanag ko.
“Ano pa yung isang problema pa?” tanong ko.
“Your Aunt Maris, she kidnapped” nanlaki ang mga mata ko.
“Oh my god! Si Tita” niyakap niya ako at bigla napahiwalay sa yakap niya.
“Sinong kumidnap kay Tita?” tanong ko.
“Yung ex-mayor ng San Jose Del Monte sa Bulacan” napaawang ang labi ko.
“Sigurado ka ba? di ba patay na yun?”
“Yeah, but may tumulong sa kanyang isang politics at businessman kaya nagagawa niya pa rin gumanti sa inyo” saad niya.
“Si Tita, buntis siya baka kung ano mangyari sa kanya” pinapatahan niya ako dahil natatakot ako sa kaligtasan ng Tita Maris ko.
“Shhssh, gumagawa na ng action yung Tito mo kasama yung mga kaibigan niya. Tumulong na rin kami kaya ngayon ay huwag ka munang mag-isip ng di maganda baka tuluyan ka nang makunan niyan” yumakap na lang ako sa baywang niya.
“Ano kaya ang magiging reaksyon nila Tita Maris kapag nalaman nila na buntis ako?” tanong ko.
“I don't know either magagalit sila dahil di tayo tumupad sa usapan but I know they're understand” ngumiti ako at naramdaman ko na hinalikan niya ako sa buhok.
***
“Tama ako ng hinala buntis ka nga” napakamot na lang ako sa ulo. Nandito sila sa private room na kinuha ni Xieron dahil nasa gitna sila ng paghahanap kay Tita Maris. Sana nga ay mahanap na nila ito agad.
“Paano mo naman nalaman na tama yung kutob mo aber?” tanong ni Megan. Sina Winslet, Chloe, Tanya at Megan ang nagbantay muna sa akin.
“Ganito, napansin ko kasi na lumapad yung balakang niya tapos lagi siyang nagpapabili ng cordon bleu sa kanya” kwento niya.
“Pero totoo ba na balak mong gawin gift yan sa anniversary niyo ni Kuya Xieron?” tumango ako.
“Kaya lang nangyari kasi ito kaya di na siya surprise” saad ko.
“Putangina kasing babaeng yun anong pumasok niya sa isip niya at balak niyang pikutin si Xieron. Masyado siyang bitter” mataray na sagot ni Chloe, ang pinopormahan ni Mico.
“Pero mas putangina yung mayor ng SJDMB dahil nanahimik na yung pamilya ni Tita Maris saka pa lang siya nanggulo rito” saad ni Megan. Napangiwi naman ako dahil sa murahan nila.
‘Sana naman di nila gawin ito kapag nasa harap na yung mga anak namin’
“Sana nga mailigtas na agad nila si Tita Maris” hiling nila.
“Oo nga pala bakit di ko nakikita si Patricia” napalunok ako bigla sa tanong ni Winslet.
“Ano kasi…..”
“Parang katulad lang din kay Xiara ang nangyari kay Patricia. Sa pagkakaalam ko ay kinuha na siya ng Tita niya para tuluyan makamove on sa kanya kaya lang buntis ang gaga” sagot ni Megan. Napalingon ako kay Megan.
“Paano mo nalaman yan?” tanong ko.
“Syempre kinulit ko yung asawa ko kapag di niya sinabi sa akin ang nangyari kay Patricia ay outside de kulambo siya sa akin” napabuntong hininga na lang kami sa sinabi ni Megan.
‘Literal na understanding ang mga ito dahil pansin ko na sila lalo na sa mga bebe nila parang maamong tupa sa harap nila’
“Abi, sina Daddy, Lola at Mommy ay nandito” pumasok sila at laking gulat ko na niyakap ako ni Lola Fatima.
“Sa wakas natupad na rin ang hiling ko na magkaroon ng apo” saad ni Lola Fatima.
“I’m so happy for you my future daughter-in-law” saad ni Tita Zyra.
“Thanks po” ngumiti ako.
“What's your plan iha?” biglang tanong ni Tito.
“Kapag po nasagip na po nila si Tita ay balak na namin sabihin sa pamilya ko ang kondisyon ko” saad ko.
“Wala ba kayong balak magpakasal? Ayokong lumaki ang apo ko na di kasal ang magulang” saad ni Tito.
“Mas maganda kung tanungin mo ang anak mo Yuan dahil siya ang nakabuntis kay Abi” sabi ni Tita Zyra.
“Wag kang mag-alala iha mahahanap din nila ang Tita mo” ngumiti na lang ako.