Chapter 54

1387 Words
“Anong plano niyo sa 2nd anniversary niyo?” biglang tanong ni Gwen. Nag-aayos ako ng mga patient record para ihatid sa baba dahil may mga pasyente na madischarge ngayon araw. “Di ko alam baka lalabas na lang kami ulit” saad ko. “Akala ko ba doon mo na sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis mo. Abi almost 18 weeks na yung tiyan mo at nahahalata na baka naman wag mo nang hintayin magsakto ng araw ng anniversary ninyo. Sa tingin ko nga nanghihinala yung mga kasama mo sa bahay dahil sa biglang pagbabago ng katawan mo” saad niya. “Sinasabi ko naman na epekto ito ng vitamins na iniinom ko” sabi ko. “Pero may kasama ka sa bahay na marunong mainstinct pagdating sa usaping pagbubuntis. Baka manghinala na yung Tita mo di ka lang pinangungunahan mukhang ikaw ang gustong magsabi sa kanila” sabi niya. “Wag kang mag-alala sasabihin ko naman din sa kanila ito pero kailangan ko na rin ito ipaalam kay Xieron pero sa mismong anniversary na namin” sabi ko. “Natapos na ba itong mavital sign?” tanong ko. “Di pa pupuntahan na lang ni Nurse Karen mamaya pagkatapos bigyan ng gamot yung pasyente” nilapag ko muna yung di ko pa naaayos at inayos ko na rin yung natapos ko na. “Kapag nagbreak time na tayo pwede mo ba akong samahan sa pedia ward kakausapin ko lang si Patricia” sabi ko. “Sasabihin mo na rin sa kanya?” umiling ako. “Kakamustahin ko lang tumawag kasi si Megan kagabi di daw sinasagot ni Patricia yung tawag niya kaya bibisitahin ko muna” nagthumbs up na lang ito at inayos na ang mga oral meds ng pasyente. “HI! everyone nandyan ba si Patricia?” tanong ni Gwen. Tinuro naman nila si Patricia na nakatulala. “Anyare?” “Ewan, pagkapasok niya kanina ay naging ganyan na siya. Di nga muna pinasama sa delivery room baka mahimatay kaya eto nandito muna siya at tulala” kwento nila. “Yung director ng hospital pumunta ba rito?” tanong ko. “Ay mukhang hindi na ata nagmula kasing nagkayayaan kami sa bar at nawala sila kaya ayun di na nagpakita si Doc Joaquin rito” nanlaki ang mga mata ko. “Nawala? As in parehas silang nawala nung nag-iinuman kayo sa bar?” tumango sila. “Kailan pa yun?” tanong ko. “Last month pa po” napasapo ako sa noo ko. “Abi please stop thinking yung baby mo” mahinang bulong niya. “Sorry, di ko kasi alam kung paano mapapaliwanag kay Megan ito” sabi ko. Pumasok ako sa loob ng nurse station nila. “Hey Pat, are you okay?” bigla itong umiyak. “Ang tanga ko bakit hinayaan kong gawin yun” bigla itong napaiyak sa balikat ko. “Ano bang nangyari ah?” “Abi, may nangyari sa amin ni Doc Joaquin tapos nalaman ko na isang buwan na akong di dinadatnan. May balak akong sabihin sa kanya pero nalaman ko na itinuloy nila yung kasal nila” bigla itong humagulgol at niyakap ko siya. “Natatakot ako na baka mabuntis ako ayokong malaman ng pamilya ko na buntis ako” napaiyak ako bigla dahil nasasaktan ako sa sitwasyon ng kaibigan ko. “Di mo ba sasabihin kina Megan?” umiling sila. “Ayokong malaman nila magagalit sila sa akin dahil sa katangahan ko” binigyan nila ng tubig si Pat. “Pakiusap walang makakarating sa iba ang mga narinig niyo. Kailangan niya ng privacy dahil gusto niyang maging tahimik ang paligid niya baka kasi yun pa ang maging cause niya ng stress” pakiusap ko. “Wag po kayong mag-alala di naman po namin ipagkakalat ang mga nalaman po namin” tumango na lang ako at hinagod ang likod ni Patricia. ‘Shuta namomoblema na nga ako kung paano ko sasabihin sa kanila yung pagbubuntis ko at nadagdagan pa ng isipin kung paano ko naman ito ipapaalam sa kanila ang nangyari kay Patricia. Kailangan ko na talagang ipaalam ito kay Xieron’ *** Saturday ngayon at nasa company ako ni Xieron dahil sasabihin ko na ang nangyari kay Patricia. Di ko siya tinext dahil alam ko nasa meeting ito mga oras na ito. “Good morning po Mam Abi” ngumiti ako “Can I ask a favor?” tumango naman ang HR nila. “Can you call Kevin kung may meeting pa ba yung boss niya” tumango naman ito. “Mam, di ko po matawagan si Kevin” saad niya. “Sige pupunta na ako sa taas” sabi ko. “Sige po Mam” lumakad na ako at pumunta na sa elevator para sumakay. Pagkaakyat ko ng 18th floor ay bumati sa akin ang mga empleyado ni Xieron. Pumunta sa akin ang assistant ni Xieron. “Bakit parang namumutla ka okay ka lang ba?” Tumango siya. “Eh kasi po mam” napakamot ito sa kilay niya nang may narinig akong nagsisigawan. “Xieron! Xieron!” dali-dali akong pumunta sa office ni Xieron. “Anong nangyayari rito?” bigla naman namutla si Kevin at napansin ko ang pagiging kabado ng mga empleyado rito. “You!” turo niya sa akin. Tinuro ko ang sarili ko. Ngumisi naman ako “Ano naman ang atraso ko sayo aber?” sabi ko. “You are the reason why Xieron doesn't agree to our arranged marriage” bigla akong natawa. “At bakit naman papayag si Xieron sa lintik na arranged marriage na yan” “Because this is our tradition kapag nasa top list billionaire ang mga anak nila” ngumisi naman ako. “Tradition your ass ano yan tribo, culture or religion. Tanga ka ba or sadyang ilusyanada ka lang. Alam mo ayoko sa lahat ay desperada” “I’m not desperate b***h” parang gusto kong paduguin ang nguso nito kung di lang talaga ako buntis nasapak ko na ito kanina pa. “Anong tawag sayo, ilusyanada, desperada, ahas or kahit anong pwedeng itawag sa katulad mong di marunong magmove-on” sigaw ko. “Saka sa pagkakaalam ko ikaw ang nangiwan kay Xieron bakit parang bumabalik ka pa sa buhay niya bakit di na ba nakukuha ang gusto mo. Sa pagkakaalam ko rin ay pinutol na ng daddy mo ang mga atm cards mo dahil sa mga eskandalo na pinaggagawa mo. Kung ako sayo magmove-on ka na at tigilan mo na ang panggugulo sa relasyon namin dahil di ako papayag na sirain mo ang relasyon namin sa isang katulad mong desperada!” bigla naman nag-usok ang ilong nito sa galit. “You b***h!” sinampal niya ako at gumanti rin ako na mas malakas yung kayang patabingiin ang retoke niyang ilong at walang pagalinlangan na sinabunutan niya ako. “You b***h! Mang-aagaw ka” napahagikgik ito sa sakit ng madiin kong hilahin ang buhok niya. “Di ako mang-aagaw dahil di ako katulad mong desperada, ilusyunada at mukhang pera” napa-aray ako bigla dahil talagang hinila niya ang buhok ko na feeling ko ay sumama yung anit niya. Sinubukan naman kaming pigilan ni Kevin pero di niya kami maawat kaya umalis na ito para tawagin si Xieron sa conference room. “Di ako papayag na di bumalik si Xieron sa akin dahil akin lang siya” shuta parang nasa teleserye lang kami ah pero sabagay bagay sa kanya yung kontrabida role dahil mukha naman siyang kabit na desperada. “Hoy! Akin lang ang boyfriend ko at isa pa magkakaanak na kami!” wala na akong magawa kung di sabihin sa kanila ang pagbubuntis ko. “What?” ngumisi ako. “I’m pregnant kaya tigil-tigilan mo na sa kakahabol mo sa boyfriend ko baka may kalalagyan ka!” bulyaw ko. “Ikaw ang dapat may kalalagyan” tinulak niya ako at napasalampak sa sahig. Napasinghap naman ang lahat dahil….. may tumulong dugo sa hita ko. “Aray!” bigla akong napahawak sa tiyan ko. “Arghh!” napahagikgik ako sa sakit. “Mam Abi anong nangyari po sa inyo…. Ay sus! Ginoo! Tumawag kayo ng ambulansya” napahawak ako sa tiyan ko at di ko na kaya ang sakit. ‘Please baby kapit ka lang wag mo kaming iiwan ng daddy mo’ di ko namalayan ay tuluyan nang dumilim ang paligid ko at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD