I’m here sa office ni Chief Nurse at pinag-uusapan namin about sa pagbubuntis ko. Pinakiusapan ko lang si Chief Nurse na walang makakarating sa director dahil kaibigan ng director namin ang boyfriend ko panigurado ay sasabihin niya ang kalagayan ko. Balak ko pa naman sana gawin gift ito sa 2nd Anniversary namin ni Xieron.
“Ilalagay muna kita sa nursing station niyo for updates sa mga patient natin” pangsang-ayon ko.
“Pero, iha di lahat ng sikreto ay di malalaman alam mo naman samu’t saring chismisan ang maririnig mo rito kaya kung may gusto kang kainin ipasuyo mo na lang sa co-nurse mo” tumango ako.
“Salamat po Chief Nurse” tumayo na ako at nagpaalam na.
“Oh my god buntis ka” suminenyas ako na wag maingay.
“Shh…. shut up my mouth” natawa sila sa sinabi ng co-nurse ko.
“Mag-eleven weeks na yung tiyan ko” sabi ko.
“Alam ba ni Mr. Caballero yung pagbubuntis mo?” umiling ako.
“Gusto ko kasi gawin gift ito sa anniversary namin. Alam ko kasi na matagal na niyang gustong magkaroon ng anak kasi dalawa sa mga kaibigan nila ang may anak na kaya alam ko na magiging masaya siya kapag nalaman niya ito” sabi ko.
“Basta ninang ako dyan ah”
“Kami rin” napatingin ako kay Gwen at napahagikgik kami bigla.
“Oo naman syempre pero wag kayong magtatago sa pasko ah kahit mayaman yung mapapangasawa ni Abi ay bigyan niyo rin ng pamasko yung anak nila” saad ni Gwen. Napangiti na lang ako dahil di nila ako hinusga sa pagkakabuntis ko.
***
“Nalaman ko kay Mr. Ignatius na hindi mo pinapapasok si Giselle sa office mo pero pagdating sa kanya pinapapasok mo siya” bungad na sinabi ni Tito Yuan habang kami ay naghahapunan. Nandito na naman ako sa bahay nila dahil naglambing sina Lola Fatima at Tita Zyra na isama ako rito sa mansion nila.
“Well, dad alam mo naman si Giselle gagawin niya ang lahat para bumalik ako sa kanya. Di na ako dating Xieron na tanga at manhid sa paligid at isa pa natatakot akong makagawa ng mali dahil di ko kakayanin na mawawala sa akin si Abi” hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti naman ako sa kanya.
“Parang parehas lang pala kayo ng daddy apo. Takot din yan makagawa ng ikakagalit ng mommy mo dahil iba yan magalit” sumimangot naman si Tito Yuan kay Lola Fatima.
“Si mamà talaga binuking niyo pa ako sa apo niyo” pagmamaktol ni Tito.
“Basta para sa akin si Abi na talagang nakalaan sayo kaya kung ano man ang di niyo pagkakaintindihan ay pag-usapan niyo ng masinsinan” payo ni Lola Fatima. Napalunok naman ako dahil di nila alam na magkakaapo na sila sa amin pero kailangan ko munang ilihim ang paglilihi ko para maihanda ko ang sarili ko kung sakaling man malaman na nila ang pagbubuntis ko.
“Hmm…. may napansin ako sayo?” bigla akong napalingon kay Winslet.
“Ano naman yun?” tanong ko.
“Nanaba ka” sumimangot naman ako.
“Totoo prend lumalapad yung balakang mo tapos nagiging matakaw ka sa pagkain katulad kanina” napalunok ako bigla dahil mukhang nanghihinala na si Xiara.
“Ahh baka kasi nagvitamins ako tapos malapit na rin kasi ako magkaroon ng monthly period kaya nagiging matakaw ako sa pagkain” palusot ko.
“Sayang akala ko pa naman magkakaroon na ako ng pamangkin” saad niya.
“Saka nga pala saan ba lupalop dinala ni Kuya Jarred si Xiara?” tanong niya.
“Ewan, wala naman binanggit sa akin yung kuya mo” sagot ko.
“hay naku baka pagdating nila dito buntis na naman si Xiara tapos eto naman si Jarred di pa naaayos yung gusot na ginawa ng ex-girlfriend niya sa pamilya ni Xiara” angil ni Winslet. Bigla na lang ako nakaramdam ng antok.
“Winslet, aakyat na ako ah inaantok na kasi ako” tumango siya at tumalikod na ako para umakyat sa kwarto. Pagkapasok ko sa loob ay wala pa si Xieron baka nasa banyo ito at naghalf bath. Ipinikit ko lang ang mga mata ko pero di ko na alam ay tuluyan na ako nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako dahil naduduwal na naman ako. Mahirap pala kapag umaga nakakaramdam ako ng morning sickness. Nagmumog na lang ako at naghilamos ng mukha saka ko inayos ang buhok ko.
Pagkababa ko ay may narinig akong nag-uusap at feeling ko ay may bisita sila.
“Good morning mon chéri” bati niya. Humalik naman ako sa labi niya at bumati rin.
“Good morning din labdilabs ko” ngumiti siya.
“Sino yung bisita niyo?” bumuntong ito ng hininga.
“Si Mr. Ignatius kasama yung anak niya si Giselle” tumaas naman bigla ang kilay ko.
“Pero sina Mom and Dad na yung nakikipagusap iniintay lang kitang gumising. Napasarap kasi yung tulog mo pagkalabas ko kagabi ay tulog ka na pero di naman ako magtataka dahil umiinom ka ng vitamins” saad niya. Kung alam mo lang kung bakit nangyayari sa akin ito.
“I cook your breakfast” ipinaghila niya ako ng upuan. Kumuha naman siya ng pancake and chocolate syrup pero pinigilan ko ito.
“Milk syrup yung gusto ko” tumayo naman siya at kinuha ang milk syrup sa ref. Nilagay ko ito sa pancake.
“Hmm… tama yung lasa saka di siya mabilis makasuya” saad ko.
“Bakit mo nga pala naisipan lutuan ako nito?” tanong ko.
“Winslet ask na nagcrave ka bigla sa pancake kaya ako na ang gumawa ng pancake mo” ngumiti naman ako.
“Where's Winslet?”
“She going to her coffee shop maginventory lang siya” sagot niya. Sumubo naman na ako ng pancake at may times din na sinusubuan ko siya ng pancake.
“How sweet you are” napatigil kami bigla dahil may umepal na nagsasalita sa likod namin.
“Di naman masamang maging sweet kami because It’s normal right babe?” tumango naman siya.
“What do you need?” tanong niya.
“Can I ask where's your restroom?” tinuro niya ang labas ng bahay.
“Ate Joan pakisamahan po muna” saad niya.
“Sige po sir” tinuro naman ni Ate Joan ang restroom kay Giselle.
“Kumain ka na” pero pasubo pa lang ako ng pancake ay may sumigaw.
‘Uupakan ko na ito masyadong istorbo sa pagkain’
“What happened?” tanong niya.
“Maiinit daw” napailing na lang sina Manang.
“Xieron, why is your restroom here so mainit?” Maarte niyang tugon.
“You have no choice nakikirestroom ka lang” sagot niya.
“Well ahmm can I use your bathroom baka kasi di mainit dun” biglang napintig ang tenga ko sa sinabi niya.
“At bakit mo naman gustong gamitin ang bathroom ni Xieron?” nakataas kong kilay na tanong.
“Because I know na di mainit dun” napailing na lang ako.
“Ano ka gold? FYI lang ha Giselle bisita ka rito kaya wala kang karapatan makigamit ng restroom ng iba. Kung tutuusin pwede na yan sa labas pero syempre anak-mayaman ka kaya pinagbigyan ka na namin makigamit ng ibang banyo pero gagamitin mo ang banyo ni Xieron no way” mataray kong sagot.
“Bakit parang nakaasta ka na nakatira ka na rito. Your Xieron’s visitor kaya wala ka rin karapatan na makipasok at makikain dito” ngumisi lang ako.
“Di mo ba alam natutulog kami sa iisang kwarto at may mas hihigit pa doon” pang-aasar ko sa kanya. Umusok naman ang ilong nito sa galit.
“Can you use our guestroom toilet. Samahan mo na lang Kesha” tumango si Kesha at inaya na si Giselle sa guetroom nila.
“Alam mo parang di na business ang pinunta rito niya rito kung di ikaw. Akala niya masosolo ka niya, ulol niya” sabay subo ng pancake.
“Sige na kumain ka na” kinuha ko na ang hiniwa niyang pancake sa akin.
‘Parang ang sarap niyang ingudngod sa inodoro’