Bigla akong napatakbo sa banyo namin dito sa nursing station dahil sa naamoy ko na ikinasuka ko.
“Uy! Anong nangyari sayo?” binigyan ako ng tubig para imumog ito.
“Di ko alam may naamoy ako na di ko nagugustuhan” saad ko.
“Dati naman kapag pumapasok ka sa loob ng patient room ay di ka naman nasusuka sa amoy pero ngayon….” muntik na akong matumba buti na lang ay inaalalayan niya ako.
“Umupo ka muna” umupo na ako at tumingala dahil naduduwal pa ako.
“Abi may tanong lang ako”
“Ano yun?”
“Kailan yung last period mo?” bigla akong namutla dahil di pa ako dinadatnan ng period.
“Yung last last month lang” sagot ko.
“Pero patak lang yung nangyari” sabi ko.
“May nangyayari na sa inyo ng boyfriend mo?” tumango ako.
“Gumagamit ka ng pills” tumango ako.
“Hmm… sa tingin ko may namiss ka sa pag-inom” bigla akong napaisip.
“Shuta! Naalala ko na”
“Kailan yun?” napakagat ako sa daliri ko.
“Yung natulog ako sa penthouse niya sa sobrang antok at pagod ko ay nawala na sa isip kong uminom ng pills” saad ko.
“Teka stay ka lang dyan” umalis ito at napasapo ako sa noo ko dahil kung possible na mabuntis ako di ko alam kung paano ko sasabihin ito sa kanila lalo na si Xieron at si Tita.
“Try mo ito” binigay sa akin ang isang nakapack na pregnancy test.
“Pwede nang gumamit nito sa pagkakaalam ko sa paggising lang sa umaga” paliwanag ko.
“It’s okay yan sige na pumasok ka na sa banyo” wala na akong magawa kung di pumasok na sa banyo. Umihi ako at nilagay sa isang test cup at kumuha ng konti saka ko ito pinatak sa pt. Di ko kayang tingnan ang resulta kaya lumabas na ako ng banyo.
“Kamusta?” binigay ko sa kanya yung pt.
“2 red lines means positive, buntis ka Abi” napaupo ako bigla.
“Bakit parang malungkot ka?” tanong niya.
“Di namam naalala ko kasi yung promise ko sa Tita ko na di muna ako magpapabuntis pero eto dahil sa kapusukan namin ito yung naging resulta” sabi ko.
“Di mo naman ipalaglag yan di ba?” sinamaan ko ng tingin si Gwen.
“Edi isumpa ako halos ng pamilya ko lalo na yung boyfriend ko kapag nalaman niya yung ginawa ko saka di ko kaya ng kosensya ko yun at isa pa sa tingin ko ay binigay na sa akin ito ni Lord kaya tatanggapin ko na rin ito” saad ko.
“Kailan mo balak ipaalam?” tanong niya.
“Sa mismong 2nd anniversary namin sa susunod pang buwan” sagot ko.
“Sana nga di manghinala sayo yung boyfriend at pamilya mo na buntis ka” napadukdok na lang ako sa lamesa.
“Pero bago yan ay isipin mo muna yung trabaho mo rito dahil kailangan nilang malaman ang kondisyon para maiayos yung schedule at saan ka pwedeng ilagay. Masyado na kasing prone kung isasalang ka pa sa mga operation or delivery ni Doctora Alvarez” paliwanag niya.
“Magpapaappoinment ako kay Doctora para matingnan kung ilang weeks na akong buntis” sabi ko.
“Edi mamaya” kinuha ko muna ang pt at nilagay ko sa bag ko.
***
“Are you okay kanina ka pa tahimik ah?” napalingon ako kay Xieron. Buti na lang ay free si doctora at nakausap ko siya pero pinacheck up na niya ako agad at naconfirm na 10 weeks pregnant na pala ako. Kaya pala bigla akong nagtakaw sa cordon bleu nung birthday ni Lola Fatima tapos bigla kong hinahanap sa pagkain ng binili ni Xieron.
“Okay lang ako iniisip ko lang yung nalaman ko kanina” kumunot naman ang noo niya.
“Yung kay Doc Joaquin” palusot ko. Kapag talaga kinakabahan ako nagiging honest ako sa mga tao kaya di ako pwedeng magtago ng mga lihim pero gagawan ko na lang ito ng paraan.
“What about him?” tanong niya.
“Kasi…. Nanliligaw na si Marco kay Patricia pero laging umeeksena si Doc Joaquin dahil palaging nandun sa Pedia Ward sa may nursing station parang binabantayan si Patricia kaya di daw makapunta si Marco sa kanila tapos si Patricia naman ay todo iwas na sa kanya pero gumagawa ng paraan para di makaiwas si Patricia sa kanya kaya pwedeng pakiusapan niyo si Doc Joaquin na tigilan na niya yung kaibigan ko nanahimik na nga ginugulo pa niya” saad ko.
“Okay, we talk him kapag nagkita-kita kaming muli” saad niya.
“Si Xiara paanong nakauwi?”
“Nagpasundo siya sa friend niya saka sinundo si Xav sa bahay” sabi ko.
“Actually mon chéri nasa penthouse si Jarred dahil ipinalinis daw niya yun” nanlaki ang mga mata ko.
“Sina Xiara nasan?” saad ko.
“Nasa penthouse ko sila actually nga pinapupunta ka muna nila Tita Maris sa penthouse dahil walang kasama si Xav doon” saad niya.
“Nasaan si Xiara?”
“Bumalik sa penthouse nila kaya lang mukhang nasa ibang lugar na siya”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Kinidnap ni Jarred si Xiara at dinala sa malayong lugar. Paparusahan daw niya si Xiara sa pang-iiwan sa kanya” mas lalo akong kumunot ang noo ko.
“Alam na niya nagpakita na si Xiara?” tumango siya.
“Yung naalala mo na di siya makakapunta sa birthday ni Lola. Yun ang sinasabi niyang important matters na inaasikaso niya. Nakausap na niya yung parents ni Xiara tapos nakilala na niya yung anak niya. May alam din ang Tita at Tito mo ikaw lang ata ang di nakakaalam dahil baka raw awayin mo si Xiara” sumimangot naman ako sa huli niyang sinabi.
“Talagang aawayin ko siya noh” sabi ko.
“Tch! Planado pala ito ah” tumango siya.
“Tara na baka hinahanap na rin ni Stephen si Tanya” tumango na lang ako saka kami umalis.
__
Sumalubong sa amin ang ingay mula sa TV.
“Tito Xieron!” Tumakbo si Xav kay Xieron.
“Tita!” niyakap naman niya ang tyan ko pero nagulat naman ito sa narinig at nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko na wag maingay. Tumango naman siya.
‘Lakas talaga ng pandinig ng batang ito’
“Tanya, thank you for taking of Xav”
“Wala yun at isa pa mamaya pa ako uuwi hayaan mo siya magwala doon” umupo siya sa sofa at nanonood ng TV.
“Panigurado susugod yun dito” inirapan lang siya ni Tanya.
“Ano ba kasing problema?” tanong niya.
“Ayaw kasi siyang tantanan ng ex niya tapos ayaw rin niya palitan yung secretary niya kulang na lang maging bold star dahil sa suot niya kita ang kaluluwa” angil niya sa boyfriend nito.
“Ako na ang magluluto ng pagkain” tumayo na ako at pumunta sa kusina.
“Tita, totoo po bang may baby na po kayo sa tiyan” suminenyas ako na wag lakasan ang boses.
“Oo baby pero secret muna natin ito ah dahil isusurprise natin si Tito Xieron, okay ba yun?” tumango siya.
“Ano pong lulutuin niyo?”
“Adobong manok” saad ko pero may narinig akong nagdoor bell.
“Mukhang may di inaasahan tayong bisita ah” saad ko. Lumabas ako sa kusina at nakita ko si Stephen na nakipagbardagulan sa girlfriend niya.
“No, hindi ako uuwi” napabuntong na lang ito ng hininga at nagulat kami na binuhat siya ni Stephen.
“Bwisit ka! Ibaba mo ako!” pagwawag nito ng paa niya.
“Mauuna na kami Xieron, Abi paamuhin ko muna itong alaga kong leon” natawa kami bigla sa huling sinabi niya.
“Anong leon!” napadaing naman si Stephen dahil sinabunutan niya ito sa buhok.
“Ingat kayo” saad ko.
“Wait! Wala bang magbabantay kay Xav bukas may mga pasok tayo” saad ko.
“Papapuntahin ko na lang dito si Winslet bukas” tumango na lang ako at ngumiti kay Xav.
‘Good luck na lang sa puday ni Xiara’