“Kamusta silang lahat” nakaupo kami ngayon sa pool at nakakababad ang mga paa namin. Kumuha ako ng wine sa ref namin at kinuha ang natitirang ulam namin, kukunin niya sana yung cordon bleu pero tinapik ko ang kamay nito dahil akin lang yan.
“Si Megan may sarili nang pamilya naalala mo yung kaibigan nu Xieron si Jervy?” tumango siya.
“Siya ang napangasawa niya” napatakip ang bibig niya dahil sa sinabi.
“Totoo?” tumango ako.
“Nabuntis kasi si Megan nung nag-aaral pa siya. Itinakwil siya ng parents niya kaya si Jervy ang nagsusuporta sa pag-aaral niya” kwento ko.
“Si Patricia naman ay kasamahan ko sa trabaho pero magkaiba kami ng ward. Alam mo ba patay na patay yun kay Doc Joaquin yung kaibigan ni Xieron, halos makita na yung litid sa leeg ni Megan sa kakasermon niya kay Patricia pero buti nga narealize na niya na di sila meant to be pero parang feeling ko ay nagiging kabaligtaran ang nangyayari. Di ko kasing maipaliwanag dahil nasasagap ko lang naman sa mga tsinitsismis nila” saad ko.
“Sina Jessa at Yam ba kamusta sila?” bigla naman akong natahimik. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari sa dalawa.
“Baks, wag ka sanang magugulat ah” sabi ko.
“Bakit? Ano ba yun?” bumuntong ako ng hininga.
“Kasi si Yam umalis na siya at pumunta na sa Japan tapos….”
“Tapos ano?”
“Nabuntis niya si Jessa” mahina kong tugon.
“Paanong nangyari yun?”
“Nagkaroon daw ng graduation party silang magkaklase tapos nag-inuman sila at parehas nalasing kaya ayun may nangyari sa kanila. Diring-diri si Yam sa nangyari sa kanila pero wala naman kasalanan sa nangyari dahil parehas silang lasing kaya lang bigla na lang nawala ng parang bula si Yam at nalaman na lang namin na nasa Japan na siya tapos si Jessa naman nung nakapasa lang siya sa exam doon lang namin nalaman na 4 months pregnant na siya” saad ko.
“Alam ba ni Yam ito?” umiling ako.
“Ayaw nang ipaalam ni Jessa, kung gusto mo bisitahin mo siya sa hospital bukas si Patricia kasi yung nurse ng anak niya” saad ko.
“Nanganak na si Jessa?” tumango ako.
“Matagal na” saad ko.
“Pero baby girl yung anak nila pinangalan niyang Jassmine Emmanuel pero di niya pinagamit yung surname ni Yam dahil wala na raw siyang karapatan sa bata. Hinayaan na lang namin siya kung anong gagawin niya sa buhay after niyang manganak noon” saad ko.
“Nakakalungkot naman ang nangyari sa kanya” sabi niya.
“Bukas, pwede mo silang dalawin sumabay ka na lang sa akin dahil susunduin ako ni Xieron bukas” sabi ko.
“Ilang taon na pala kayo ni Xieron?” tanong niya.
“Nagdadalawang taon na rin kami sa susunod pang buwan hindi next month ah” saad ko.
“Hmm… nung nag-aaral ka pa niligawan ka na niya agad?” tumango ako.
“Pero he waits me when until I graduate on college” nanlaki ang mga mata niya.
“Di nga ibig sabihin matagal ka niyang inintay?” tumango ako.
“2 years” napatakip siya ng bibig.
“Pero bago pa ako umakyat ng stage ay sinagot ko na siya at habang umuulan yun” sabi ko.
“Huh? Umuulan?”
“Kasi di ba nagkakilala kami ni Xieron ay umuulan yun kaya sasagutin ko siya na umuulan din para memorable” sabi ko.
“Sa proposal?” bigla akong natahimik.
“Hmm….. oo dahil yun ang magiging sign na road to forever pero feeling ko di pa yun” sabi ko.
“Bakit naman nasa tamang edad ka na” napakamot ako sa ulo ko sabay lagok ng wine.
“You know Giselle Ignatius?” tanong ko.
“Ay! ang haliparot na ex girlfriend ni Xieron. Aba'y oo naman mga kalahi yun ni Leila teka nandito na pala yun sa Pilipinas” tumango ako.
“At ginugulo kayo?”
“Hindi naman masyado lang attention seeker dahil imbes na makakausap ni Xieron ng personal si Mr. Ignatius ay hindi dahil laging umeeksena ang anak niya” saad ko.
“Pero may tiwala ako kay Xieron na di siya gagawa ng ikakasira ng relasyon namin” sabi ko.
“Ikaw ba kailan ka magpapakita kay Jarred?” lumagok naman ito ng wine.
“Di ko alam yung nakita ko kasi kanina parang di pa yun ang tamang panahon pero kung sakali yun na talaga edi magpapakita na ako sa kanya pero pag-uusapan na lang namim yung tungkol sa anak namin. Okay lang naman na maghanap siya ng iba yung di iiwan sa ere” saad niya.
“Matutulog na ako, ikaw rin may work ka pa bukas” tumango na lang ako at tumayo na si Xiara para pumasok na sa loob.
***
“Tita, iiwan ko po muna si Xav dito bibisitahin ko lang po yung anak ni Jessa sa hospital” saad niya.
“Okay sige para may makalaro yung triplets ko” ngumiti si Xiara.
“Di ka ba magbabaon Abi?” umiling ako.
“May nagpapaorder naman po doon sa hospital” sabi ko.
“Mam, andito na po si Sir Xieron”
“Mauuna na po kami Tita” humalik ako sa pisngi niya at same din si Xiara.
“Ingat kayo” ngumiti kami at lumabas na ng bahay.
“Hey what's up Xieron” kumaway lang din si Xieron sa kanya.
“Kasama ko nga pala siya dadalawin niya kasi si Jass sa hospital” saad ko.
“Yung anak ni Jessa?” tumango ako.
“What happened to her?” tanong niya.
“AGE means Acute Gastroenteritis, common na yun sa mga bata” saad ko.
“Tara na baka malate ka pa” sumakay na si Xiara sa back seat at ako naman ay sa front seat.
“Oo nga pala di ka pala pumasok kahapon?” tumango ako.
“Nagpahinga lang ako nagkaroon kasi ako ng straight duty sa kakamonitor sa pasyente kaya pinagpahinga muna ako no Doctora Alvarez” saad ko.
__
“Were here” tinanggal ko muna ang seatbelt at humalik sa pisngi ni Xieron.
“Take care” saad ko. Ngumiti naman siya sa akin.
“Mag-ingat ka rin baka tuklawin ka ng ahas sa office mo” mukhang alam ko na kung ano yung tinutukoy niya.
“I’m always nasa office and kapag may meeting lang ako lumalabas and then di ko naman pinapapasok yun sa office ko” sabi niya.
“Mabuti naman kung ganun” bumaba na ako ng sasakyan at inintay ko lang na makaalis si Xieron saka lang kami pumasok sa hospital.
“Good morning Nurse Abi” ngumiti naman ako.
“Good morning din po” saad ko. Gumamit na kami ng elevator at pinindot ang 4th floor dahil nandun ang Pedia Ward.
“Wait lang ah titingnan ko kung nandun na si Patricia” pumunta muna ako sa Nursing Station nila.
“Hi guys good morning nandyan na ba si Nurse Patricia?” tanong ko.
“Ahh yes po nagrounds lang po siya” saad niya.
“Ang aga naman ata pumasok yun?” tanong ko.
“May iniiwasan po yun” sabi nila.
“Sino?”
“Yung director po ng hospital nung nalaman po kasi niya na nililigawan na po ni Nurse Marco si Nurse Patricia ay lagi na po nandito yun” saad nila. Napahilot na lang ako sa sintido dahil sa sinabi ng co-nurse niya.
“Ano naman kaya ang trip niya sa buhay, nanahimik na nga yung tao at di na siya ginugulo saka naman siya ang gumugulo” napailing na lang din sila dahil pare-parehas lang kaming stress sa pinaggagawa ng director namin sa hospital.
“Xiara, ikaw ba yan?” Napalingon kami kay Patricia.
“Ikaw nga” sabay yakap kay Xiara.
“Saan ka ba nagpupunta?” Napayuko na lang si Xiara.
“Teka bakit nandito ka may bibisitahin ka ba rito?” tumingin ako kay Pat.
“May bisita ba sina Jessa doon?” tanong ko.
“Mamaya pang mga 10 bakit bibisitahin mo ba siya?” tumango si Xiara.
“Tara” aya niya sa amin.
“Kayo na lang may pasok pa ako” saad ko.
“Sige ako na lang bahala kay Xiara” saad niya.
“Mauna na ako” tumalikod na ako at nagpaalam na sa kanila.