Chapter 50

1440 Words
“Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo Abi” were here in the living room. Di muna pinauwi ni Tita si Xieron para malibang ang mga bata. Iniinterogate namin siya at sabihin kung bakit siya nawala ng parang bula. “Alam mo ba halos mabaliw yung parents mo sa kakahanap sayo pagdating natin ng Pampanga maayos ka naman nila makausap tapos bigla kang umalis ng madaling araw. Di namin alam kung saan lupalop ka pumunta” saad ko. “Di ka man lang nagparamdam sa araw ng kasal nila Tita Maris, alam mo ba gusto nang magtampo sayo si Tita pero kinausap lang sila ng parents mo dahil sa kalagayan mo. Tell me Xiara, anong naisip mo at bigla kang nawala na parang bula?” bigla itong umiiyak. “Do you know about sa picture na nagsend sa akin nung ex ni Jarred tapos yung balak niya makipagbalikan sa kanya. Yung picture di ako naniniwala dahil nakikita ko na yun sa dating account niya na di maopen pero nalaman ko na nakipagkita yung babae kay Jarred. Akala ko nung una ay for closure lang pero gustong makipagbalikan yung babae pero di pumayag Jarred dahil ikakasal na siya sa akin kaya lang nung umuwi tayo galing Siargao ay may threatened text akong natanggap sa isang tao na di ko kilala tapos ang sabi dun sa text kapag di ko nilayuan si Jarred madadamay daw yung pamilya ko pero di agad ako naniwala hanggang sa may nangyaring aksidente na di namin inaasahan. Halos ng tauhan namin naaksidente, kamuntikan ng bumagsak ang kompanya ng pamilya ko kaya ginawa ko na yung dapat na gawin” “At yung umalis ka nang walang pasabi, Xiara pinsan mo ako di ba sabi mo sa akin walang lihiman pero bakit ikaw ang naglihim sa akin sa nangyayari sayo” pinunasan ko ang mga luha ko na pumapatak na sa pisngi. “Alam mo ba halos nagmakaawa sa amin si Jarred na sabihin sa kanya kung nasan ka paano namin sasabihin yun kung di namin alam kung saan ka pumunta” hinanakit ko. “Sabihin mo nga sa akin Xiara yung ex ba ni Jarred ang may pakana ng lahat?” tumango siya. “I knew it” kumunot naman ang noo ni Tita. “I’m investigating yung nangyari sa kompanya nila kuya and nalaman ko na may nagsabotahe. Di nila maisip kung sino gagawa nun pero may isang tauhan nila ang may nakakita sa suspect at ang mastermind ay Pauline Jimenez daw ang pangalan” paliwanag ni Tito. “Siya ba ang tinutukoy ng Tito mo?” “Opo Tita siya po yung nagbigay sa akin ng threat kaya po ako lumayo dahil ayoko po kayong madamay” saad niya. “Pero may sinaktan kang tao” sabi ko. “Oo alam ko at pinagsisihan ko yun na di ako naging matapang at naduwag ako” sabi niya pero biglang kumunot ang noo ko nung may naalala ako kanina. “Yung bang bata kanina….” “Oo, anak namin ni Jarred, si Xavier James” sagot niya. “Anong surname ang gamit niya?” tanong ni Tito. “Guamez po” sagot niya. “Nagkita na ba kayo ni Jarred?” tumango siya. Bigla naman lumungkot ang mukha niya. “Pero may kasama siyang babae pero okay lang sa akin na may iba na siya sinaktan at iniwan ko siya kaya karma na rin sa akin ito sa pagiging duwag ko” sagot niya. ‘Naku kung alam mo lang halos di malapitan ng babae yan dahil sayo lang ang puso niya kahit durog na durog sa pang-iiwan mo sa kanya’ “Maiwan ko muna kayong dalawa mamaya ka na lang namin kakausapin muli pagpapahingahin ko lang yung Tito mo” tumango na lang si Xiara at tumayo na sila para umakyat na sa kwarto. “Kamusta ka?” “Eto nagtatrabaho na sa hospital as nurse” sabi ko. “Yung bang kasama mo kanina….” “Ahh si Xieron boyfriend ko” saad ko. “Oo nga pala saan ka ba nakatira ngayon?” tanong ko. “Sa dating tinitirhan namin ni Jarred na sa akin pa kasi yung spare key ng penthouse niya kaya doon muna kami titira” sagot niya. “Saan ka ba nagstay nitong makalipas ng taon?” tanong ko. “Sa Ilocos kung saan nakatira dati si Nana Kirsy yung nag-alaga sa akin nung bata pa ako. Tinawagan ko siya nung umaga na yun tapos pinakiusapan ko na wag sabihin kina Mommy at Daddy kung nasaan ako kaya walang magawa si Nana Kirsy kung di manahimik” kwento niya. “Nung pumunta ka ba doon buntis ka nun?” tanong ko. “One month na ako nagstay doon na may napansin akong kakaiba sa katawan ko kaya nabahala na si Nana kaya dinala na niya ako sa isang clinic sa Ilocos at confirm buntis ako. Sobrang saya ko noon pero nung naglilihi ako hinahanap ko yung amoy ni Jarred pero buti na lang may naiwan siyang brief sa bagahe ko kaya yun na lang ang inaamoy-amoy ko” napangiwi naman ako sa sinabi niya. “Alam mo nagmumukhang manyak ka doon” saad ko. “Yun kasi ang naiwan niyang gamit, anong gagawin ko magpakita doon kay Jarred tapos eeksena yung ex niyang baliw” natawa na lang ako sa sinabi niya. “May tanong ako” “Yung brief niya bago laba or gamit na?” tanong ko. “Feeling ko gamit na” napangiwi ako bigla. “Pero kahit gamit na ay mabango pa rin” depensa niya. “Kahit may pre c*m yung pundilyuhan ng brief?” namula naman siya bigla. “Grabe ka baks walang filter yung bibig mo” saway niya. “Eto naman di mabiro pero nasaan na yun?” tanong ko. “Nilabhan ko na matagal na” sabi niya. “Ibabalik mo pa ba yan sa kanya?” tanong ko. “Di ko alam kapag hinanap niya” gusto ko na lang mapangiwi sa mga pinagsasabi niya pero nung medyo lumakas ang buga ng aircon ay biglang may naamoy akong di kaaya-aya. “Anong pabango mo?” kumunot naman ang noo niya. “Yung heaven scent bakit?” lumukot bigla ang mukha ko. “Ang baho” sabi ko napatakip ako bigla ng kamay “Di naman ah” naabutan kami ni Xieron na nag-aaway. “Kakakita niyo lang ulit nag-aaway na kayo” saway niya. “Aba’y di ko alam diyan sa jowa mo kung bakit sinasabihan niyang mabaho yung pabango ko. Ito naman din yung ginagamit niya noon” saad niya. “Basta ang baho ng pabango mo magpalit ka ng damit doon” pangtataboy ko sa kanya. “Oo na sige buti na lang may dala akong damit” tumayo na lang ito at umirap lang sa akin. “What happened to you? Bakit mo naman sinabihan na mabaho si Xiara?” tanong niya. Nagsimula akong umiiyak dahil pinapagalitan na ako ni labdilabs ko. “Oh… why are you crying?” sabay punas ng luha ko. “Ikaw kasi nagagalit ka sa akin mabaho naman talaga si Xiara” napabuntong na lang ito ng hininga at niyakap niya ako. “Shhss, stop crying na di ako nagagalit okay, sinabi ko lang na bakit mo sinabihan ng mabaho si Xiara” humiwalay naman ako sa kanyang pagkakayakap. Lumukot naman ang mukha ko “Di ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naaamoy ko lang yung pabango ni Xiara parang nasusuka ako” saad ko. “Oh, nagpalit na ako ng damit baka pwedeng wag mo muna akong awayin” umupo sa sofa si Xiara. “Where’s Xav?” “He watching a TV kasama yung mga triplets” bigla akong natawa. “Why are you laughing?” tanong ni Xiara. “Kasi ano kaya ang itatawag ng anak mo kina Tito at Tita. Alam mo naman na ayaw tinatawag sila ng lolo at lola dahil iniisip nila na matanda na talaga sila” natatawa kong tugon. “Ahh alam mo ba sabi nila tawagin na lang daw sila ng Mami Tita or Dadi Tito. Kaloka di na talaga sila makapaniwala na matanda na sila dahil may mga apo na sila sa atin” bigla naman akong nahinto sa sinabi niya. “Ay, ako lang pala hehehe” napatingin ako kay Xieron na nagulat din sa sinabi ni Xiara. “A-ano, puntahan ko muna sila Xav mamaya na lang tayo magchikahan” tumango ako at umakyat na si Xiara sa taas. Umupo naman si Xieron sa sofa. “Bakit ganyan ka makatingin?” umiling ito. “Wala”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD