(Warning!! SPG!!) “Tita, may dala kayong swimsuit?” tumango ako. “Alam po ba ni Tito Kyron yan?” tanong niya. “Hindi, kapag nalaman niya yan ipagtatapon na lang niya ito sayang pa naman matagal ko na itong binili sa online” sagot ko. “Pero Tita talagang susuutin mo yan ngayon?” tumango ako. “Wag na lang kayo maingay sa Tito niyo, may dala naman akong robe kaya di niya mapapansin na nakaswimsuit ako” dali-dali akong pumasok sa banyo at hinubad na ang mga damit ko saka ko ito sinuot. Kinuha ko ang robe na gawa sa silk at sinuot ko ito. “Bagay ba?” “Bagay na bagay Tita pero ba’t ganun Tita bakit pinagpala kayo ni Abi samantala ako kasing laki lang ng orange” mahina kami natawa at napanguso na lang siya. “Tara na baka pinagpiyestahan na si Tito doon ng mga girls” saad ni Xiara. “Subu

