Kinabukasan ay maaga akong nagising para magtampisaw sa dalampasigan. Wala naman kaming ginawa nakakapagod kagabi dahil parehas kaming pagod sa byahe. “Tita ang aga niyo naman pong gumising” ngumiti ako kay Xiara na maaga rin gumising para magjogging. “Oo medyo sanay kasi ako na laging maagang gumigising” sabi ko. “Masaya po ako na naging kayo na ni Tito Kyron” ngumiti naman ako. “Di naman siya mahirap mahalin mabuti nga may nagkakagusto pa sa akin sa edad kong ito pero ikinababahala ko kasi baka di na ako magkaanak pa dahil sa lagpas kalendaryo na yung edad ko” sambit ko. “Sa pagkakaalam ko Tita pwede pa dahil wala pa po kayo sa mid 40s, ako nga po gusto kong magkaroon ng another kapatid yung babae naman po pero dahil sa age ni Mommy at baka raw magkaroon ng complications kung magbu

