“Naihanda mo na ba yung gamit mo?” tanong ko kay Abi. “Opo Tita” sagot niya. Last week na nila dito sa Pampanga kaya sinusulit na lang nila ang bakasyon. In the past few days ay di na ako napapaginitan ng saltik namin HR Manager. Buti nga sa kanya, masyado kasing masama ang ugali idagdag pa niya yung dalawang alagad niya. “Si Tito po pala?” tanong niya. “Papunta pa lang dito at saka sinabi sa akin ni Tito mo na nauna na pala si Xiara kahapon dahil may debut party na dinaluhan. Nagpatulong na lang siyang magpabook ng hotel kay Xiara” sagot ko. “Kaya pala di ko makontak kahapon nasa Zambales pala siya” saad niya. Biglang may tumawag sa kanya. “May parcel ka na naman?” “Tita para po ito sa pasukan mahal po kasi sa Maynila kaya tru online ko na lang binili” lumabas na ito sa bahay. Kinu

