Kumakain kami ngayon ng hapunan dito sa labas dahil dito nila napiling kumain nila Tita dahil sariwa ang hangin at masarap langhapin syempre di muna namin pinasama yung triplets baka mahamugan sila.
“Bakit parang ang sama ng tingin ng jowa mo kay Jarred?” tumawa ako ng mahina. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya kay Jarred dahil sa ginawanh pang-iistorbo niya sa amin pero sa tingin ko magpapasalamat talaga ako kay Jarred dahil di na tuloy pumasok ang giant pipino niya sa mani ko panigurado kasi ika-ika akong maglakad na madaling ikapansin ni Tita Maris. Kwento kasi sa akin ni Xiara ay masarap lang daw nung una pero kapag gising mo kinabukasan ay parang gusto mo na lang magpadala sa hospital sa sobrang sakit ng katawan. Ganun kasi ang nangyari kay Xiara pero sinikreto lang namin sa mga magulang niya lalo na kina Tita at Tito dahil panigurado ay abot-abot ang sermon ang aabutin sa kanya syempre pati ako damay doon. Di ko pa nakikita ang totoong Xieron pagdating sa kama dahil alam niya na virgin pa ako at wala pang masyadong alam sa mga ganitong scene sa kama.
“Wag mo na lang pansinin” saad ko. Kumunot naman ang noo nila kaya natahimik na lang ako kumain.
“By the way, Abi doon ka muna matulog kina Megan” napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.
“Bakit naman po Tita?” bigla lang napataas ang kilay niya sa tanong ko.
“Sa tingin mo di ko malalaman na magkasama kayo ni Xieron kanina sa iisang kwarto at matagal pa kayo doon nagstay. Isa pa ay tagal niyo daw pagbuksan si Jarred ng pintuan” napatingin ako kay Jarred at palihim siyang minura.
‘Di na pala ako magpapasalamat sa kanya. Sana nga ay di na magpakita si Xiara sa kanya at isumpa siya pero syempre biro lang baka kasi magkatotoo’
“Tita, natulog lang po ako kanina at saka di naman po kami tabi matulog sa kama” palusot ko.
“Yeah, Tita may tinapos lang din kasi akong papers para mabawasan yung mga trabaho ko sa office after the wedding and when I’m going home” palusot din niyang tugon.
“Sinasabi ko sayo Xieron kakagraduate lang ng pamangkin ko wag mo naman agad buntisin” sermon ni Tita.
“I promise po di ko muna siya bubuntisin” saad niya.
“Buti naintindihan mo” sumubo na lang ako ng kanin.
“Oo nga pala nasaan si Jessa?” tanong ko.
“Ay, yun lang pagkagising ko kasi kanina ay wala na siya sa room” sagot ni Patricia.
“I think nakita ko siya may kausap na isang colleague niya” sabi ni Jarred.
“Hmm… nagemote siya kagabi tapos may papa na agad siya” sabay higop ni Patricia ng buko juice.
“Well para naman kalimutan niya yung nangyari sa kanila ni Yam” saad ko.
“Pero paano kapag nabuntis siya talaga?”
“Edi doon na niya problemahin yun” sabi ko.
“Siya nga pala after niyong kumain magsitulog na kayo lalo ka na Abi diretso ka na sa kwarto nila Megan” napanguso naman ako bigla sa sinabi niya.
“Di ba gusto mong tumulong sa paghahanda?” tumango ako. Wala na akong magawa kung di sundin ang utos ng bride.
‘Piste talaga si Jarred’
“Kayo ba di pa kayo matutulog?” tanong ng mommy ni Tito Kyron.
“Hindi pa mom iniintay lang namin na dumating yung wedding organizer dahil bumiyahe galing Manila yun” paliwanag ni Tito.
“Yung kuya mo ba di ba aattend sa kasal mo?” bigla kaming natahimik sa tanong ng mommy ni Tito Kyron.
“Di ko sure mom” sabi niya. Di ko pa rin nakakausap si Tita Xiera kung aattend ba sila sa kasal nila Tita at Tito pero panigurado ay di sila aattend dahil busy sila sa kompanya nila sa Pampanga habang ang anak nila ay husay sa pagtago sa lalaking iniwan niya buti nga di naghanap ito ng iba pero di naman ata magagawa yun ni Jarred baka dahil nakausap na rin sila ng parents ni Xiara kaya eto loyal pa rin siya.
***
“Oy! Saan ka galing aber?” biglang sermon ni Patricia nung dumating si Jessa. Kachat ko ngayon si Xieron at di ko siya pwedeng tawagan dahil baka magsumbong na naman si Jarred kay Tita. Napakasumbungero niya talaga kahit kailan kung ginawa niya ulit yun.
“Alam mo bigla akong nagtaka sa Tita mo” napatingin ako bigla kay Patricia.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Naging mahigpit siya sayo nungn nalaman niya na ang tagal niyong magstay sa kwarto at tagal niyo din daw pagbuksan si Jarred ng pinto. Sabihin mo nga sa akin may ginagawa ba kayong kababalaghan kaya ang tagal niyong pagbuksan si Jarred?” umiling ako pero kinakabahan pa rin ako sa uri ng tingin ni Patricia dahil parang lang siya si Megan kung makakilatis sa akin.
“Naku sinasabi ko sayo Abi si Megan di agad makaiwas sa tanong ko dahil di ko talaga siya titigilan hangga't di siya umaamin” napakamot na lang ako sa ulo.
“Kung iniisip mo na isumbong ka namim sa Tita mo di ko naman gagawin yun di naman ako kasing sumbungero ni Jarred” napabuntong na lang ako ng hininga.
“Muntik lang” napahawak sila sa bibig.
“You mean muntikan ka na mawala yung pagkavirgin mo?” tumango ako.
“Kung paano di agad kumatok si Jarred tuloy pa rin yung ginagawa niyo” tumango naman ako.
“Anak ng?” napalaro na lang ako ng hintuturo ko sa sobrang hiya.
“Gusto mo bang mabuntis agad?”
“Di naman natuloy” sagot ko.
“At saka fertile ako ngayon kung matuloy man yun edi safe ako at di agad mabubuntis” dugtong ko sabi.
“Kung tendency matuloy pa rin yung milagro sa inyo. Uminom ka na lang ng after pill para di mahigh blood sayo yung Tita mo” payo ni Patricia.
“Hmm… feeling ko kung bakit ayaw na ayaw munang magpabuntis si Abi?”
“Ano?”
“Syempre kakagraduate pa lang niya and then… ayaw pa niya magkaroon ng apo agad” napatawa na lang kami sa naisip ni Jessa pero may biglang naalala si Patricia.
“Akala mo makakatakas sa akin ah” napangiwi na lang kami dahil di talaga siya papayag maiba ang usapan.
“Fine, I met a foreigner kanina. He ask me na magtrabaho ako sa company nila pero sinabi ko na may trabaho na ako pero yung totoo ay di pa” paliwanag niya
“Bakit naman di mo tinanggap yun offer?” tanong ko.
“Medyo nagaalinlangan kasi ako tapos iba yung pakiramdam ko doon sa foreigner” kwento niya.
“Hmm.. tama nga naman kasi di naman natin alam yung background ng isang company or tao baka modus lang yun para makapagsamantala ng mga kababaihan rito sa Pilipinas” saad ni Patricia.
“Oy! Bukas mo na itext yung labdilabs mo baka kumatok at buksan yung room natin di ka pa natutulog” nagtext na ako kay Xieron at sinabi ko na matutulog na ako. Nagsend lang ito ng paawa effect emoji at sleeping emoji. Natawa na lang ako sa sinend niya at nilapag ko na ang cellphone ko sa bedside at natulog na.