“Congratulations” sabay bati ng mga kasamahan sa trabaho ni Tita Maris sa kanyang special day.
“Thank you sa inyo” naggroup hug sila at masasabi ko lang na sobrang saya ko dahil nahanap na ni Tita ang lalaking magmamahal sa kaniya habang buhay at yun sa katauhan ni Tito Kyron. Nandito rin si Tita Wendy, ang matalik na kaibigan ni Tita Maris na natutuwa rin siya dahil ikakasal na ang kanyang kaibigan. Inintay namin siya kahapon na dumating dahil nahirapan siyang iwan ang mga anak niya na pumapasok na sa eskwela buti na lang ay nasa Bulacan ang byenan niya kaya agad itong nakapunta sa kasal ni Tita.
“Di ko aakalain na magpapakasal ka na nung huli nating pag-uusap ay kapapanganak mo palang noon” saad ni Tita Wendy.
“Alam mo naman delikado pa ang buhay ko kaya di pa kami nagpapakasal ni Kyron pero nagpapasalamat pa rin ako sa diyos dahil di niya pinabayaan ang pamilya ko” sabi niya.
“Abi, ikaw na ba yan?” tumango ako.
“Oo siya na nga yun” tumawa lang sila.
“Kaganda mo naman” bigla naman akong nahiya sa pagpupuri niya sa akin.
“Oo kaya patay na patay sa kanya yung multi-billionaire ng Pilipinas” napanguso na lang ako sa pang-aasar ni Tita.
“Sino dun?” tinuro niya si Xieron na abala sa pakikipag-usap sa mga investor ni Tito Kyron.
“Ay! Yun bang anak ni Mr. Yuan Miguel Caballero” tumango si Tita.
“Aba’y ang suswerte niyo naman sa mga lovelife niyo buti na lang talaga nailigtas ka namin ng Tita mo sa kamay ng nanay mo kung di hanggang ngayon nangangarap ka pa rin na magkaroon ng maayos na buhay” napangiti na lang ako kay Tita Wendy.
“Kaya nga po nagpapasalamat po ako sa inyo kung di dahil sa inyo ay di ko matutupad ang pangarap ko na maging isang ganap na nurse ngayon” saad ko.
“Oo nga pala graduate at pasado ka na di ba?” tumango ako.
“After ng kasal po ni Tita ay start na rin po yung trabaho namin” dahil na rin sa connection ni Xieron ay napapayag niya yung CEO at Director ng hospital na pinagtatrabuhan namin at nalaman ko sa kanya ay matalik silang magkaibigan.
“Hmm… ganun ba”
“Pero po next week pa po yun kaya po makakasama ka pa po namin kahit dalawang araw lang” saad ko. Two days lang siya rito dahil na rin may anak siya at walang mag-aasikaso sa kanila.
“Di mo ba napadalhan ng invitation yung ate mo?” natahimik na lang si Tita sa tanong ni Tita Wendy.
“Hindi, dahil kinalimutan ko na siya ang ate ko pagkatapos niyang abandunahin ang anak niya sa sarili niya kaligayahan” seryosong sagot ni Tita Maris.
“Panigurado magkakalat yun ng chismis sa kapitbahay. Sabagay, yung swerte sana sa buhay niya ay nawala na kaya naging ganun na lang forever” komento ni Tita Wendy tungkol sa kapatid ni Tita. Di ko na siya tatawagin na nanay dahil simula nung di niya ako pinaniniwalaan na muntikan na akong pansamantalahan ng asawa niya ay doon na ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya kaya dapat lang sa kanya na maghirap siya dahil sa marami na siyang kasalanan sa akin at sa pamilya niya.
“Napakaseryoso naman ng pinag-usapan niyo” napatingin kami kay Tito Kyron na nakasuot ng summer polo. Kasama naman niya si Xieron at umakbay sa akin.
“Wala lang may pinag-usapan lang kami tungkol sa…” napabuntong na lang ng hininga si Tito Kyron.
“I know” ngumiti lang si Tita sa kanya.
“By the way, this is Tita Wendy matalik na kaibigan ni Tita Maris” pagpapakilala ko kay Tita Wendy sa kanya.
“Hello po nice to meet you po” galang na bati niya.
“Nice to meet you din”
“Hmm… mukhang kilala mo siya Wendy ah” sabat ni Tito.
“Syempre sikat kaya yung family niya saka isa pa pumunta na rin sila sa Bulacan para magbigay na tulong nung tinamaan ng malakas na bagyo yung Bulacan kaya kilala na talaga sila. Panigurado kapag nalaman ng nanay mo na boyfriend mo yung multi-billionaire ng Pilipinas ay makipagplastikan sayo yun para makahuthut ng pera” saad ni Tita Wendy.
“Talagang literal na marites ka Wendy ah” inirapan lang siya ni Tita Wendy dahil sa pangaalaska ni Tito Kyron sa kanya.
“Ganyan talaga yan sagad kasi hanggang buto ang galit niya sa ate ko” sagot naman ni Tita.
“Pero possible naman po niya malaman. Malawak po ang Manila at di niya ako basta-basta mahanap” sabi ko.
“Start na daw po yung throw the flowers and garter po” inaya na ng wedding organizer sina Tito at Tita papunta sa stage para sa throwing.
“Please come in center all single ladies” di sana ako tatayo pero hinila na ako nila Patricia at Jessa.
“Di naman kami papayag na di ka kasali rito my prend” biglang ngumisi si Patricia.
“Ano naman yung binabalak niyo?” tanong ko.
“Watch and learn” at nilagay nila ako sa gitna nila.
“three, two, one” hinagis na ni Tita ang bulaklak niya pero sa di inaasahan ay nasalo ko ito. Nanlaki naman ang mga mata dahil ayon sa paniniwala ay ang makatanggap ng bulaklak mula sa isang bride ay yun ang susunod na ikakasal.
“OMG! Nakuha mo” sabay tili nila.
“Ang nakakuha ng flowers ay ang pamangkin ng ating bride. Sino naman kaya ang makakuha ng garter?” pero biglang nagsalita si Tito Kyron.
“I give this garter na lang sa isang tao na di papayag mapunta sa iba ang girlfriend niya” pumunta siya kay Tita at kinuha ang garter sa hita nito at sabay hagis kay Xieron.
“Sorry sa mga single man dyan bawi na lang kayo next time sa kasal nila” pinalo naman siya ni Tita Maris sa braso nito. Pumunta naman sa akin si Xieron at kinuha niya ang paa ko at pinatong niya yun sa hita niya sabay suot mg garter galing kay Tita.
“Talagang di ka papayag na mapunta sa iba yung garter” pang-aasar ko.
“Tss! Di ko naman hahayaan na mapunta sa iba yung garter dahil ako ang magiging end game mo mon chéri” saad niya.
“Oo na ang dami mong sinasabi” at sabay halik niya sa labi ko na ikinaungulan nila ng tukso sa amin.
“Let's toast everyone” sabay namin taas ang baso na may laman ng champagne at ininom namin sabay bati sa kanila.
***
“Tita, Tito” bungad ko.
“Alam ko na ako yung witness niyo sa pagmamahalan ninyo nung start pa lang na nanliligaw si Tito sayo. Gusto ko lang magpasalamat sayo Tita sa lahat-lahat na binigay mong atensyon sa akin na di ko naranasan sa nanay ko. Ikaw yung naging guardian ko simula nung bata pa ako hanggang ngayon. Kaya palagi kong iniisip na baka di ka na makapag-asawa dahil sa akin, baka di mo na mahanap yung taong magmamahal sayo pero buti na lang talaga hulog ng langit si Xiara dahil nagkatotoo yung sinabi niya na si Tito Kyron na yung talagang lalaki na nakalaan sayo kaya sana Tito mahalin mo nang sobra si Tita dahil marami na siyang isinakripisyo para sa akin. Mahal na mahal ko po kayo Tita” naiiyak naman siya sa mensahe ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
“Di ako magsisi sa isinakripisyo ko Abi kung maganda naman ang magiging kalabasan” ngumiti ako kay Tita nang matamis. Bumaba na ako at pumunta sa tabi ni Xieron. Sumandal naman ako sa balikat niya.
“I love you” ngumiti naman ako sa kanya.
“I love you too” hinalikan ko siya at matamis na ngumiti sa kanya.