“Hmm…. Baka malasing niyan si Tito di na kayo makapag honeymoon niyan” sabi ko.
“Edi good yun para iwas sakit sa singit muna” sabay inom ng wine si Tita Maris.
“Siya nga pala, kailan ka ba magstart ng trabaho?” tanong niya.
“Baka po makapagpahinga lang po ako ng isang araw para kinabukasan papasok na ako sa trabaho” sagot ko.
“Siya nga pala ano ba ang naisipan ni Patricia kung bakit same hospital pa siya magtatrabaho. Akala ko ba pupunta na siya sa Dubai dahil kinukuha na siya ng Tita niya doon” napatingin ako sa paligid baka kase malapit lang si Patricia sa pwesto namin at malalaman pa niya na siya yung pinag-uusapan namin.
“Di ko po sure ah pero may nabanggit po kasi sa akin si Megan nung nagkasama mo po sila sa OJT sa St. Joseph Medical Center na may crush daw po si Patricia doon sa CEO and Director ng Hospital which is yung kaibigan po ni Xieron. Di na po nagulat si Megan na doon magtatrabaho si Patricia, sinasabi lang niya na need niyang magpaexperience dahil required daw. Ang pagkakaalam po namin ay pwede naman makapunta doon sa pamamagitan ng pagkuha ng exam para makakapagtrabaho doon” kwento ko.
“Kaya po di na rin po ako nagtaka na doon siya magtatrabaho dahil gusto niyang makita lagi yung crush niya” dugtong na sabi ko.
“Hay! Naku kapag talaga nagagawa ng pag-ibig kahit yung magandang kinabukasan ay nasasakripisyo” saad niya.
“Pero minsan din po pinaalalahanan po namin siya pero di naman siya nakikinig sa amin” sabi ko.
“Kaya lang po….” napakunot ang noo ni Tita sa sinabi ko.
“ Kaya lang?”
“May nabanggit po sa akin si Xieron na may fiancé na po si Doc Joaquin at malapit na po siyang ikasal. Di ko naman po mabanggit kay Pat dahil natatakot kami na masaktan siya” hinawakan ni Tita ang kamay ko.
“Kailangan niya din masaktan dahil isang parte ito ng pag-ibig ang masaktan. Di sa lahat ng nagmamahal ay walang masasaktan, darating din ang araw na masusubok ang isang relasyon pero kung sabay niyo itong ilalaban ay parehas kayong magiging masaya at matapang na harapin ang isang pagsubok” payo ni Tita Maris.
“Di pa ba kayo magpapahinga?” napalingon ako at si Tita Wendy yun.
“Hmm… magpapahinga na rin kami” sabi niya.
“Pinatulog na ng biyenan mo yung triplets buti nga nakatulog agad sabagay napagod din sila kanina kaya mabilis silang nakatulog” saad ni Tita.
“Saan ba balak niyong maghoneymoon?” tanong ni Tita Wendy.
“Sa Korea matagal ko na kasing pangarap na makapunta doon” sagot niya.
“Saan po sa Korea?” Tanong ko.
“Saan pa ba edi sa South” pilosopong sagot ni Tita Maris.
“Oo nga po alam ko po na South Korea po pero saan po sa South Korea?”
“Di ko alam sa Tito mo” napakamot na lang ako bigla sa ulo dahil sa Tita ko na minsan nagiging pilosopo ito kapag nagtatanong ako.
“Hayaan mo na yung Tita mo excited lang yan na madiligan doon sa South Korea” napahagikgik na lang ako sa sinabi ni Tita Wendy.
“Anong kulang sa dilig?” napataas bigla ang kilay ni Tita sa sinabi ni Tita Wendy.
“Wala”
“Tita puntahan niyo na po si Tito Kyron muntikan na raw po matumba sa sobrang kalasingan” napahilamos na lang si Tita sa frustation kay Tito.
“Tulungan niyo nga muna ako” tumayo na sina Jarred at Mico na buhatin si Tito Kyron para ihatid na sa kwarto nila.
“Mauuna na kami Wendy, Abi” tumango ako sa kanila.
“Pambihira” napailing na lang ako sa naabutan ko dito dahil ang boyfriend ko ay kulang na lang ay maglaro ng buhangin rito.
“Tita, pwedeng patulong” pumunta naman sa gawi ko si Tita.
“Kaya mo bang dalhin siya sa kwarto?” di ko alam ang isasagot ko.
“Kaysa naman po na hayaan natin po siya dito edi tuluyan na siyang nakatulog rito” saad ko.
“Sige na nga” kinuha na namin ang dalawang braso ni Xieron at nilagay ito sa batok namin.
“Grabe ang bigat ng jowa mo Abi naggym ba ito?” tumango ako.
“Opo kaya po di biro talaga yung katawan niya grabe” tumawa na lang si Tita sa sinabi ko.
“GRABE ang sakit ng batok at balikat ko” biglang napahawak sa batok at balikat si Tita.
“Sorry po Tita” ngumiti lang siya sa akin.
“Ikaw na ba ang bahala diyan Abi?” Tumango ako.
“Kung iniisip mo ang Tita mo ay ako na ang bahala doon. Malaki ka na alam mo kung ano tama o mali saka isa pa kaya naghihigpit siya sa inyo ay takot pa yun magkaroon ng apo” natawa na lang ako dahil parehas lang pala ang mga iniisip nila kung bakit naghigpit sa akin si Tita pagdating sa aming dalawa.
“Sige na magpahinga ka na” nagpaalam na rin si Tita sa amin.
“Bakit ka naman nagpakalasing?” sabay hubad ng damit niya. Bigla akong napatigil dahil ngayon ko lang ulit ito nakita dahil yung mga oras na muntik ko nang isuko ang p********e ko sa kanya ay di ko ito natitigan ng matagal dahil darang na darang na ako ng mga oras na yun. Bigla akong namula at umiling-iling saka ko tuluyan hinubad ang damit niya.
“Kukuha lang ako ng pamalit mo” akmang tatayo na ako ay hinila ako ni Xieron palapit sa kanya.
“Xieron, bitaw ka muna kukuha ako ng damit mo” aalis na sana ako sa pagkaibabaw sa kanya ay bigla niya akong hinalikan ng mariin.
“Hmm…. Xieron” nagpalit kami ng pwesto dahil siya ang nasa ibabaw at ako naman ay nasa ilalim.
“I want to make love with you, mon chéri” sabi niya.
“Xieron….”
“It's okay, I won't force you and I'm also drunk baka may magawa ako sayo na di mo magustuhan” umalis na siya sa ibabaw ko pero may nasa loob ko na gusto ko nang gawin yun na di ako nabibitin kaya ako na ang humalik sa kanya. Mas naging agresibo kami sa isa’t isa.
“Alam ko naman na di ka gagawa ng ikakasaktan ko Xieron kaya gusto ko na angkinin mo ako na walang mang-iistorbo sa atin” tuluyan na niyang nilukumos ng halik ang mga labi ko.