“A-ano po Tita…..” kabado kong sagot.
“Magbubunga na po kasi yung rambutan sa likod-bahay ng tiyahin ko. Gusto daw po kasi niyang humingi kapag nahinog na” palusot ni Jessa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakagawa siya ng palusot.
“Akala ko kung ano na siya nga pala papuntahin ko muna yung pinsan mo sa bahay para samahan kayo habang wala kami” kumunot ang noo ko.
“Sino po Tita?”
“Si Jewel” sagot niya.
“Akala ko si Xiara”
“Next year pa balik niya, nakausap kasi namin si Kuya Ellian. Magtrain lang siya ng papalit sa pwesto niya as finance manager” paliwanag ni Tita.
“Bakit po next year pa wala pa ba nakakahanap ng kapalit?” umiling si Tita.
“Oo, naghahanap pa sila ng papalit kay Xiara kaya next year pa ito makakauwi” tumango na lang ako kay Tita. Umalis muna ito at pinuntahan ang triplets na nilabas para paarawan.
“Sa tingin mo may anak na kaya siya?” tanong niya.
“Di ko alam wala naman nababanggit sa akin” sagot ko.
“Abi ayusin mo na yung gamit mo aalis na daw tayo bukas” biglang kumunot ang noo ko.
“Bakit ang bilis naman?” saka di pa magaling yung mani at singit ko dahil sa rambulan namin ni Xieron kagabi.
“Aba'y ewan ko sinabi lang sa akin ni Xieron dahil tumawag na daw yung director ng hospital. Wala naman sinabi kung bakit kaya tanungin mo na lang yung jowables mo” saad niya.
“Oo sige susunod na ako” sabi ko.
“Bumalik na tayo para makapa-ayos na rin ako ng gamit” sabay na kaming pumunta pabalik sa hotel pero pinauna ko muna si Jessa dahil kakausapin ko si Xieron tungkol sa biglang pag-alis namin bukas.
“Anong dahilan kung bakit maaga kaming papauwiin ng Manila bukas?” tanong ko. Tinulungan ko na ito iaayos ang mga gamit nito dahil sasabay na rin ito sa akin sa pag-aalis pero maiiba ang way nito dahil may iattend itong convention sa Davao City. 3 days daw sila doon at kasama ang iba pang business tycoon.
“Well my friend, Joaquin called me na need niyo nang magstart pagkagaling niyo sa kasalan. May aalis kasing dalawang nurses yung isa raw ay tinawagan na ng agency para makuha na yung ticket papuntang Saudi Arabia and thent yung isa maternal leave lang daw pero baka di na daw bumalis sa trabaho dahil walang mag-aalaga sa mga anak nito kaya mag-uumpisa kayo within the next day after resting” paliwanag niya.
“Hmm… sabagay para di rin mainip yung isa gustong-gusto na niya makita yung crush niya pero di naman lagi nasa ward dahil busy yun sa papeles at pasyente” saad ko.
“Tss! Di pa rin siya magmove on kay Joaquin ikakasal na yun ah” sabi niya.
“Ewan ko ba doon pero lagi niyang sinasabi na crush lang daw wala naman daw hihigit pa doon. Alam daw niya na off limits pero di naman niya alam na ikakasal na yun labdilabs” sabi ko.
“Di mo pa rin nababanggit tungkol doon, mon chéri?” umiling ako.
“Natatakot din kasi ako na masaktan si Pat kapag nalaman niya na ikakasal na siya pero sa kislap at ngiti niya parang pakiramdam ko na ayokong mawala yun kapag nalaman niya yung totoo” paliwanag ko.
“But you need to tell her now di ba sabi mo she refused the invitation of her aunt to work in Dubai sa pamamagitan ng pagkuha ng exam. She sacrifice it dahil lang sa gusto niyang makatrabaho sa iisang field si Joaquin” napahilamos na lang ako ng mukha.
“I try to convince her pero ayaw niya talaga kahit si Megan na nga yung nagconvince pero sadyang patay na patay siya sa friend mo but I think siya na ang magrealize na tama kami” sabi ko.
“5 pcs pala yung mga damit ko rito” tumawa lang siya.
“I know kasi na pupuslit ka sa room ko kaya kumuha na rin ako ng ilang piraso sa maleta mo bago pa kunin ng bellboy yung maleta mo” napanguso na lang ako sa dahilan niya.
“Masakit pa ba?” bigla akong namula at napaiwas ng tingin.
“Medyo pero kapag nakapagpahinga na ako ay magiging ayos na. Wag na lang sana mapansin ni Tita na parang penguin akong maglakad” tumawa lang siya ng mahina at hinampas ko ito sa braso.
“Tss! Wag mo nga akong tawanan” saway ko.
“Okay di na” may narinig akong kumatok.
“Tapos ka na ba dyan?” tanong ni Patricia.
“Oo tapos na” sagot ko.
“Dalian mo pupuntahan ka ni Tita mo sa room magtataka na naman yun” tumayo na ako at nagpaalam na kay Xieron sabay halik sa labi saka ako lumabas ng kwarto niya.
“Ano ba kasing kinuha mo?” pinakita ko yung mga damit ko.
“Kinuha niya pala yung damit ko sa maleta alam daw kasi niya na pupuslit ako para matulog sa room niya” sagot ko.
“Hay naku tara na baka abutan pa nila tayo rito” hinila na ako ni Patricia papasok ng kwarto.
***
“Text me when you home na” tumango ako sabay halik sa labi.
“Take care” kumaway ako at umalis na sila. Kasama niya sina Stephen at Mico, si Jarred naman ay nasa Manila na dahil may meetings pa ito kailangan iattend. Kasama ko nga pala si Tita Wendy na umuwi ng Manila.
“Sino po ba susundo sa inyo Tita?” tanong ni Patricia.
“Magcommute na lang ako pauwi sa amin”
“Sumabay na po kayo sa amin iisa lang naman po yung bayan natin kaya madali na lang po hanapin yun ng driver namin” presenta ni Patricia.
“Okay sige salamat iha” tumango naman si Patricia.
“Ikaw ba Abi, sumabay ka na” umiling ako.
“Di na alam naman ng driver sa bahay na pauwi na ako. Tumawag kasi si Tito sa bahay kagabi kaya alam na ng driver namin na pauwi na ako” saad ko.
“Sina Maris ba anong oras ba sila aalis?”
“Mamayang gabi pa po sila aalis Tita yung po kasing ticket nila ay 11 pm po yung flight nila” sagot ko.
“On board na” tumayo na kami at pumunta na sa entrance.
“I’M home!”
“Ate Abi!” sabay yakap sa akin ni Jewel.
“Jewel ang laki mo na ah” humagikgik naman ito.
“Kamusta ka na?” tanong ko.
“Eto po grade 9 na po ako sa pagpasok” saad ni Jewel.
“Nakapagenroll ka na?” tumango naman siya.
“Opo nagpasama po ako kina Ate Kiray nung isang araw. Sorry nga po pala di po kami nakaattend sa kasal ni Tiyang Maris dahil po wala po kaming pamasahe papunta doon” malungkot niyang tugon.
“Ano ka ba okay lang yun sa kanila at isa pa wag mong tatawagin na Tiyang si Tita. Alam mo naman yun ayaw niya sa tawag na yun dahil nagmumukha na daw siyang matanda” tumawa naman siya.
“Sige po try ko po” binigay ko naman ang pinapadala ni Tita kay Jewel.
“Ano po ito?” namangha naman ito bigla sa nakita niyang pasalubong mula kay Tita.
“Cellphone” kinuha niya sa loob ng paper bag ang cellphone niya. Isa itong iPhone 14 pro max na katulad lang sa akin.
“Mahal po nito ate” binuksan niya ang kahon.
“Ganun din ako nung una niregaluhan din niya ako ng ganyan pero tumanggi ako nung una pero tinanggap ko na rin para di na ako mahirapan sa school” ngumiti naman siya at niyakap niya ako.
“Thank you po rito Ate” ngumiti naman ako.
“Kay Tita ka magpasalamat wag sa akin” pumunta naman siya sa gawi nila Manang para magpatulong sa pagbukas nito. Kinuha ko naman ang phone ko at tinext si Xieron na nasa bahay na ako. Nireplyan niya ako ng agad ng isang emoji na ikinangiti ko naman.