“Calling for Nurse Abi for emergency delivery” tumayo na ako at bumaba na mula sa 4th floor. Almost one year na rin kaming nagtatrabaho ni Patricia dito sa hospital at one year na rin na mas lalong patay na patay siya kay Dr. Joaquin. Di ko naman mapigilan ito lalo na si Megan at hinayaan na lang namin siya hanggang sa marealize niya na di siya ang taong nakatadhana sa kanya. Maging maayos din ang takbo ng relasyon namin ni Xieron dahil almost one year na kaming mag-on at strong pa rin kami, may time lang na nagtatampo ito sa akin dahil sa trabaho ko pero bumabawi lang ako sa kanya kapag day off ko yun nga lang imbes na bonding moments namin at makakapagpahinga ako ay napupunta lang sa kama. Buti na nga lang ay di ako nabuntis nung unang beses niya akong inangkib dahil namali ako ng bilang sa kalendaryo at sumakto iyon na di ako fertile kaya di agad ako mabubuntis yun nga lang ay gumagamit na ako ng pills na ipinaalam ko naman sa kanya. Sa una ay tutol ito pero nung naalala niya ang sinabi ni Tita Maris sa kanya ay pumayag na siya kahit gustong-gusto na niyang magkaanak at bumuo ng pamilya kasama ako.
“Kuhanan mo muna ng vitals sign” tumango ako at kinuha ang mga gamit para sa vitals sign.
“blood pressure is 120/80, her temperature is 36.8 and her RR 30 and Cardiac is 90” saad ko.
“Tumaas yung respiration rate at cardiac niya?” tumango ako.
“I think it cause po yung sa paglabor niya” sagot ko.
“Ihahanda na po ba yung DR doc?” tumango naman si Doc.
“Susunod na po ako sa kanila” tumango naman si Doc at kinausap ang isang nurse doon sa emergency para makuha ang data na nakuha nila.
“SALAMAT at makakain na ako” kinuha na niya ang baon niyang pagkain dahil nagtitipid daw siya. Kasamahan ko ito dito sa OB Pay, si Patricia naman ay sa Pedia Ward nakaassign.
“Anong dream hospital area mo?” tanong sa akin ni Gwen.
“Ahmm NICU” sagot ko.
“Ay! Same tayo prend pero sabi nila kailangan mo daw tumagal sa ward tapos need daw ng training doon sa NICU” saad niya.
“Oo kahit expose na tayo masyado sa mga DR/LR ay need din natin magtraining doon dahil di biro yung pagtatrabaho doon lalo na't maseselan yung mga baby” paliwanag ko.
“Sabagay, may punto ka anyway may nakausap akong isang baguhan na nurse doon sa General Ward tinatanong ka sa akin pero sinabi ko lang na wag niyo nang tangkaan ng gustuhin yun may jowa na yun baka isang araw talsik na kayo sa hospital kapag ginawa niyo yun pero yung isa doon sa mga kasamahan na baguhan tinatanong niya kung single daw ba yung kaibigan mo” kwento niya.
“Tss! Walang jowa yun at isa pa patay na patay pa rin yun sa director ng hospital natin” sabi ko.
“Hay naku sana naman magising na siya, may fiancé na yung tao” saad niya.
“Ganito na lang, what if ilakad natin yung guy na ikinukwento ko sa kanya para maibaling na niya yung feelings niya doon” bigla akong napaisip.
“Sure ka ba na gagana yun?” tumango siya.
“Oo naman basta lang iwasan niya muna yung si Doc Joaquin para bigyan niya ng chance na makilala yung poging nurse doon” saad niya.
“Hayaan mo akong bahala doon” sabi ko.
***
“Hello po” tumango naman ako at ngumiti sa mga baguhan nurse rito.
“Si Patricia” tinuro niya si Patricia na may kausap na isang nurse.
“Wait” pigil niya sa akin.
“Bakit?”
“Siya yun kinukwento ko” turo niya sa lalaking kausap ni Pat.
“Aba, nagfirst move na siya” saad ko.
“May binigay lang po si Nurse Marco kay Nurse Patricia” sabat nung isang nurse na baguhan.
“Ganun ba” tumango siya.
“Sige salamat rito Nurse Marco” tumango naman si Nurse Marco at ngumiti. Namula naman ang mukha ni Patricia dahil sa pagngiti nito.
“Uy! Nakita namin yun” napitlag ito at nakita niya ako.
“Pogi noh” umiwas lang siya ng tingin at inayos na ang mga ibang chart ng pasyente.
“Anong ginagawa niyo rito?” binigay ni Gwen ang chart mula sa amin.
“Pakiabot kay Doc Marcena kapag pumunta na rito” saad ni Gwen.
“Okay sige layas na” pagpapaalis sa amin. Lumapit naman ako sa kanya.
“Magkwento ka mamaya ah video call natin si Megan” tinulak lang niya ako.
“Wala akong ikukwento sa inyo. It's normal na katrabaho lang walang malisya” tanggi niya.
“Okay sabi mo” nagpaalam na rin ako sa mga baguhan ng nurses at umalis na para bumalik sa amin station.
“HOW’S your work mon chéri?” humalik naman ako sa pisngi ng boyfriend ko syempre nagalcohol muna ako bago ako magpahalik sa kanya.
“Daan tayo sa gas station I change my clothes lang tapos magspray ka ng kotse mo para mawala yung microorganisms diyan”
“I know mon chéri” ngumiti lang ako at pinatakbo na niya ang sasakyan.
“Hmmm… Alam mo ba may naikwento sa akin yung kasamahan ko sa nursing station na gustong magpareto kay Patricia pero nakita namin siya na kausap na niya yung guy tapos nung nakita na niya ngumiti yung lalaki ay bigla siyang nakatulala. Siguro dahil naattract siya bigla sa dimples at pamatay na ngiti na parang kikiligin kaya tinukso namin siya at todo iwas naman siya sa panunukso namin sa kanya” kwento ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.
“I think it's her chance to forget her feelings for Joaquin para di na siya masaktan” saad niya.
“Hmm… sa tingin mo kaya mawawala yung feelings niya kay Doc Joaquin kung nagtatrabaho siya sa hospital na pagmamay-ari niya?” tanong ko.
“Edi, tanggapin na niya yung offer ng hospital sa Dubai” sagot niya.
“Sabagay, sayang yung opportunity na yun nawala lang dahil sa pagmamahal niya kay Doc Joaquin” panghihinayang ko.
“Ikaw ba, you don't have plans to go abroad?” bigla akong napaisip.
“Hmm… nung una sana pero nung naging boyfriend na kita parang di ko kaya kasi mahirap yung LDR. May mga LDR kasi na di nagwork” sagot ko.
“Good answer mon chérie” napataas naman ang kilay ko sa kanya.
“At bakit mo naman nasabi?”
“Well I can provide you whatever you want” saad niya.
“I’m not materialistic, you know. I’m content with the things that I have kaya don't waste money for what I wants” maldita kong sabi. Tumawa naman siya.
“At isa pa ano naman silbi ng pagtatrabaho ko at ayokong may nakarinig na mukha akong pera at gold digger kaya tigilan mo yan” saad ko.
“Oo na sorry na” napairap na lang ako sa kanya.
“Kailan day off mo, mon chéri?”
“Hmm…. Sunday, why?”
“I’m fetching you on Saturday after work. I call na rin si Tito para ipaalam kita” kumunot naman ang noo ko.
“Bakit di si Tita ang tawagan mo?” tanong ko.
“Sa tingin mo papayag yun?” umiling ako.
“Tss.. oo nga pala ayaw na niyang magkasama tayo sa iisang condo na walang iba pang kasama baka makapuslit ka raw pero pumupuslit ka rin. Imbes na makakapagpahinga ako dahil day off ko mukhang makakapagpahinga ako sa ibabaw mo habang gumagalaw” tumawa naman siya sa hirit ko.
“Where here” hininto na niya ang sasakyan sa gasolinahan. Nagpakarga muna siya dahil malapit na raw maubos yung gas niya.
“Magpapalit muna ako yung habilin ko gawin mo na” tumango siya at bumaba na ako ng sasakyan para makapagpalit ng damit.