
Yugto Writing Contest -
Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi.
"Even if you forget everything, your heart will still remember its better half."
Lumaki si Jezreel na laging nanglilimos ng pagmamahal sa kinalakihang pamilya, kaya ng makilala niya si Nathaniel ay hindi niya inakalang mahuhulog ang kanyang loob rito.
"Mali bang saluhin ko lahat ang pamamahal na ibinubuhos niya para sa akin Kung alam ko sa sarili ko, na matagal ko nang ninanais na maradaman ang lahat ng ito buong buhay ko?"
Ngunit ang lalaking pumuno ng kakulangan sa kanyang puso ay siya rin pala ang wawasak nito.
"Totoo nga na hindi sapat na ibagay mo ang lahat lahat dahil kulang parin ito pagdating sa kanila."
Inakala ni Jezreel na masaya silang dalawa ni Nathan kahit na patago ang kanilang relasyon ay hindi sila nag kukulang sa isat isa, ngunit tila nagunaw ang mundo niya nang biglang mawala ang binata at ni anino nito ay hindi niya na muling nakita.
Napuno ng galit si Jezreel ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang damhin lahat nang sakit hanggang sa hindi niya na ito naramdaman pa mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Ngunit muling sumiklab ang galit kayang damdamin ng muli niyang makita ang mga taong nanakit sa kanya.
"Whatever you sow you will reap!" Dahil ang itinanim ninyo sa akin ay puro pasakit, ibabalik kong lahat ng iyon sa inyo hanggang sa mawalan kayo ng ulirat dahil sa sakit!
Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi na si Nathaniel ang dating inibig niya dahil kahit ang kanyang pangalan na minsan ay naging musika sa pandinig ng binata, ay hindi nito maalala.
Tingnan natin kung paano sila paglaruan ng tadhana kung paano sila mag mahal, umiyak, masaktan, magsisi, mawindang sa katotohanan, matakot, mag bigay ng pangalawang pagkakataon, at higit sa lahat kung paano maalala ng puso ang taong hindi sinadyang kalimutan ng isipan.

