Chapter 1

2475 Words
Blamed "To lose a mother is to lose a best friend." ---- Class Dismissed! See you next meeting! Nagmadali kaming lumabas mula sa classroom namin pagkaalis na pagkaalis ng teacher namin sa last subject. Nagkayayaan kaming pumunta sa bahay ni bff, birthday niya ngayon at wala na siyang ibang inimbitang kaklase kundi ako lang, nakisakay lang ako sa sundo niya at tinext si mama tungkol sa pagpunta ko sa kanila. "Anong sabi ni Tita, Jez?" si Jena habang nakaupo kami sofa ng sala ng kanilang bahay, katatapos lang kasi naming kumain at nakapag desisyon kaming dito na tumambay, karamihan sa mga bisita nila ay mga close relatives lang ng kanilang pamilya, ako lang ata ang sampid dito. "Papunta na raw siya rito para sunduin ako." Napasimangot naman siya ng marinig ang sinabi ko at kunot noong tumingin sa akin. "Uuwi kana agad?" Napangiti ang aking labi habang nakatingin sa mukha niyang nakanguso na animoy may paawa effect pa "Ah miss mo na agad ang ganda ko beshy? Wag ka na nga magpout jan mukha kang pato, magkikita naman tayo bukas." "Che! birthday ko tapos uuwi ka agad, tinawag mo pa akong pato, ipasuka ko kaya sayo yung fried chicken na kinain mo kanina naka tatlo kapa." galit niyang saad habang naka cross arms na nakaharap sa akin "Joke lang! You are the most beautiful duck naman. Anyway, alam mo naman si lolo. Magagalit iyon kapag nalaman niya na hindi ako sumabay kay mama sa pag-uwi." Kamot ulo ko pang pagpapaliwanag sa kanya "O siya sige na pababalutan kita ng mango float at carbonara kay mama." sambit niya na dahilan ng pag silay ng ngiti sa aking labi " Hmm So sweet naman loves na loves mo ko beshy eh." " I know right, kaya nga peste ka tinawag mo pa akong pato!" Tumayo siya at naglakad papuntang kusina. Mamaya ay tanaw kong pabalik siya na naglalakad sa gawi ko at may hawak na isang paper bag napangiti naman ako ng malawak mahal na mahal talaga ako nitong gagang to. "Thank you beshy! You love me that much talaga!" "Che! Peste ka!" napa halakhak ako dahil sa kanyang sinabi maya-maya pa ay may biglang bumusina galing sa labas "Oh pano aalis na ako nandyan na si mama paki sabi kay tita thank you." "Sige bruha mag iingat ka!" inilabas ko pa ang aking dila at nagmake-face sa harap niya bago ako tuluyang naglakad papunta sa labas, napa-irap na man siya sa akin bilang ganti, ng makalabas ako sa gate nilang kulay pula ay agad kong natanaw ang puting sasakyan ni mama mabilis akong naglakad papalapit dito "Ma!" humalik agad ako sa kanyang pisngi ng makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. "How's the party sweetie?" "Maayos naman po ako lang naman po ang bisita ni Jena may pa bring home pa nga po." sabay taas ko sa paper bag na may lamang pagkain habang nakangiti napangiti naman si mama sa akin "Ma alam po ba ni lolo?" "No, I didn't tell him. Alam mo naman yun masyadong strikto baka hindi ka payagan." sagot niya habang may kinakalikot sa phone niya "Thank you ma, pero bakit po ganoon si lolo mama?" mapupungay ang mga mata niyang napatingin sa akin at hinaplos ng kanyang kamay ang aking mukha "Pag pasensyahan mo nalang ang lolo mo Jezreel hah, masyado niya lang tayong mahal kaya mahigpit siya sa atin." malumanay niyang sambit, tumango ako at hindi na muling nagsalita pa pinaandar niya ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho pauwi, ng paliko na kami sa may bandang Pioner st. ay mayroong biglang humarang na itim na sasakyan sa aming harapan, dahilan para mabilis na tapakan ni mama ang preno, napasubsob ako sa harap ng kotse at tumama ang ulo ko umikot ang paningin ko, ngunit sa kabila nito ay dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ni mama. "Sino kayo? W-wag kayong lalapit! Wag Ninyo kaming sasaktan! W-wag wag maawa kayo Ahh! T-tulong! Tulong Po!" kasunod ng mga salitang iyon at kanyang pag mamakaawa ay ang sunod sunod na malakas na putok ng baril. Nagising ako mula sa mainit na sinag ng araw na ng gagaling mula sa nakabukas na bintana ng isang puting kwarto, dama ko ang bigat ng aking katawan ngunit pinilit ko pa rin ang aking sariling maka-upo mula sa pagkakahiga, mabilis akong dinaluhan ni Lola na nakaupo sa sofa ng mapansin niya ang aking dahan-dahang pag upo. Mugto ang mga mata niya tumingin sa akin. "Ija buti naman nagising kana." dahil sa kanyang sinabi ay unti unting nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari sa sasakyan kasama si mama. "Lola? Nasaan po ako? S-si mama po lola? Kamusta na po siya? M-may narinig po akong putok ng baril, sumisigaw po si mama, at humihingi siya ng tulong, bago ako nawalan ng malay." tarantang kong ani sa kanya Walang salitang lumabas mula sa kanyang mga labi, umiling siya at unti unting namuo sa gilid ng kanyang mga mata ang mga luhang kanina niya pa ata pinipigilan kumawala. "Lola? Ano ang nangyari kay mama?" biglang bumigat ang aking paghinga at tila mayroong tumusok na karayom sa aking dibdib dama ko ang tila bara sa aking lalamunan na hindi ko alam kung saan nagmula. "Im sorry ija, pero wala na ang mama mo. " Kasabay ng pagbigkas niya sa mga salitang iyon ay unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata ang mga namuong luhang kanina niya pa pinipigilang tumulo, niyakap niya ako at humagulgol si lola sa aking harapan, kaya unti-unti rin nagsipatakan ang mga luha mula sa aking mga mata. "N-no M-ama." "Mama ko! Bakit ikaw pa?" Sambit ko habang umiiyak Niyakap ko si lola pabalik habang siya ay umiiyak ako naman ay napahagolgol na rin sa kanyang balikat "Tahan na ija." pagaalo ni lola sa aking habang hinihimas-himas pa ang aking likuran "Hindiii! Mama ko!" Sa mga oras na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak, ang sakit sa aking puso ay hindi ko maintindihan, sakit na parang pinagsasaksak ito at pagkatapos ay piniga-piga ang puso ko, masakit ang mawalan ng ina, yung tipong ang pinaka kakampi mo sa lahat ay habang buhay mo ng hindi makikita, ang hirap isipin na sa edad kong to wala na nga akong tatay tapos ngayon wala na rin akong nanay, paano na lang kung may mang bully sa akin? O paano kapag grumraduate na ako sa college sino ang magsasabit ng medals ko?Eh kung mainlove ako sa future kanino ako magsusumbong sa heartaches ko? Kanino ako iiyak? Kanino ako manghihingi ng advice? Wala na akong malalapitan dahil wala na si mama, kung sino man ang pumatay kay mama sana mamatay na lang din siya para masaktan din ang mahal niya sa buhay, nananahimik kami pero ganito ang nangyari, I will never forgive who did this, hanggang sa libingan ko hinding hindi ko siya mapapatawad. Pagkatapos naming mag-iyakan ay hindi na ako umimik, kapag kakain ay tahimik lang ako at kahit si lola ay hindi narin ako pinilit pang magsalita. Nag-stay pa ako ng two days sa hospital bago ako tuluyang nakalabas at sa dalawang araw na iyon ay ni anino ni lolo ay hindi ko nakita. Pagkauwi namin sa bahay ay mistulang haunted house ito dahil sa sobrang tahimik napag-alaman ko kay lola na ipina crimate agad ni lolo ang labi ni mama kinabukasan matapos ang aksidente, at itinapon ang abo sa dagat, masakit man sa akin ay wala akong magawa alam kong galit si lolo ngayon lalo pa't mahal na mahal niya si mama dahil nag-iisang anak lang nila ito ni lola. Nadatnan ko si lolo na nakaupo sa sala habang umiinom ng alak, lumapit ako sa kanya at inabot ang kanyang kamay para magmano "Lo mano.." ngunit mabilis niya tinabig ang kamay ko "Wag mo akong hawakan!" galit at madiing niyang asik sa harapan ko "Po?" "Malas ka talaga sa buhay namin! Dahil sa iyo namatay ang anak ko!" dinuro-duro niya ako gamit ang kanyang daliri at matalim akong tinitigan sa aking mga mata "Lumayas ka sa harapan ko!" malakas niyang sigaw habang akmang sasampalin ako napaatras ako dahil sa takot "Maximo tama na yan! Wala kasalanan ang bata dito!" Malakas na sigaw ni lola sabay mahigpit na niyakap si lolo ngunit matalim parin ang tingin nito sa akin. "Lumayas ka sa harapan ko bago pa kita ma patay, malas!" Galit na galit na sigaw niya sa aking mukha. "Ija sige na pumasok ka na muna sa kwarto mo." sambit ni lola habang nagaalala ang mga matang nakatingin sa akin. Takot na takot naman akong umatras at umalis sa kanyang harapan diretso ang aking pagtakbo papasok sa loob ng aking kwarto at hindi ko na muna tinangkang lumabas ulit, nanginginig ang buong katawan ko ng mapahiga ako sa aking malambot na kama na kahit ang lambot nito ay hindi nagbigay ng kahit konting relaxation sa aking katawan, mabilis kong inabot at niyakap ang hotdog kong unan at doon ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan kumawala, humagulgol ako hanggang sa naubusan ako ng luhang maiiyak. Kinabukasan ay iniwasan ko naman makita pa o di kaya ay makasalubong ko muli si lolo dahil halata naman na ako ang kanyang sinisisi sa pagkawala ni mommy. Ilang buwan lumipas ay naging mailap ako sa kanila kahit sa loob ng bahay sa isang buong araw na walang pasok ay nasa loob lang ako ng apat na sulok ng aking kwarto at lalabas lang ako kapag tapos ng maghapunan si lolo at lola, kapag may pasok naman ay maaga akong umaalis ng bahay may baon din akong pagkain para sa aking pananghalian at diretso na ako sa kwarto pag-uwi ko sa hapon. Isang buwan makalipas ang pagkamatay ni mama ay nalaman ko mula sa kasambahay namin na inilakad ni lolo ang kaso sa pagkamatay ni mama sa mga buwan na dumaam dahil doon ay unti unti nagsimulang malugi ang iba naming negosyo, nalubog si lolo sa utang at isang araw ay di ko na nakita c Aleng Hena sa bahay ang nag-iisa naming kasambahay malamang ay pinatigil na rin ito nila lola dahil wala na silang maipasweldo. Ang tatlong branch nalang ng Flower shop ang natira sa lahat ng negosyong pinapatakbo ni Lolo iyon ang negosyong pinatayo ni mama ang hiniling niyang regalo kay lolo pagkagraduate niya ng college. Maayos pa naman ang pamamalakad ni lolo sa negosyo at sigurado akong gagawin niya ang lahat upang hindi iyon malugi. ----- Kaarawan ngayon ni lolo at nakapagdesisyon ng mga kapatid niya na dito maghapunan sa bahay at na sisigurado kong mapipilitan akong makisabay sa kanila sa hapagkainan mamaya. "Ija kakain na!" tawag ni lola mula sa labas ng pinto ng kwarto ko nagmadali na akong lumabas upang maabutan ko pa si lola at may kasabay ako papuntang kusina "Marami po bang dumating lola?" "ang Lola Diana mo lang at Lolo Patricio wala ang Lola Ria mo dahil may sakit ang apo niya." ani ni lola habang sabay kaming ng lalakad papunta sa kusina Pagkapasok palang namin sa kusina ay totoo nga ang sinabi ni Lola andito si Lola Diana at Lolo Patricio ngunit ang mas nakakuha ng tingin ko ay isang batang babaeng kaedad ko lang na nakangiting nakaupo sa tabi ni Lolo. Nakaupo na ako ngayon sa tabi ni lola pero kahit isang tingin ay hindi man lang ako tinapunan ni lolo, napayuko na lamang ako sa harapan ng aking plato. "Mas maigi na ito baka uminit na naman ang ulo ni lolo at kung ano-ano na namang salita ang lumabas sa bibig niya." sambit ng aking utak. " Aba't mas lalo kang gumanda Jezreel ah, kesa nung huli tayong nagkita " si lola Daina "Salamat po" tipid lang ako napangiti sa kanya at nagpasalamat pakuwan ay ibinalik ko na ang aking paningin sa aking pagkain "Tingnan mo naman itong si Shaira matalinong bata at napakaganda pa." sagot naman ni lolo Napangiwi na lamang ako sa pagkukumpara sa akin ni lolo kay Shaira, ngayon ko lang siya nakita sa buong buhay ko. "Ija ano naman ang gusto mong kunin na kurso pagkagraduate mo ng senior high?" paguusisa ni Lola Daina kay Shaira "Im planning po na Accountacy ang kukunin kong kurso." nakangiting saad niya kay Lola Daina "Good! buti naman at sinunod mo ang yapak ko.." pang-aasar ni Lola Daina kay lolo "Its ok, susuportahan ko naman itong si Shaira kahit anong kurso pa ang gusto niya." may pagmamalaking sagot ni lolo "Sana all." sambit ng utak ko buti pa si Shaira gustong gusto siya ni lolo samantalang ako ilang taon ng ginagawa ang lahat magustuhan lang ni lolo Ang buong sesyon ng hapunan ay isang malaking kalokohan para sa akin wala nang ibang ginawa si lolo kundi ang ipagsigawan sa lahat na mas magaling si Shaira sa akin, si lola naman ay tahimik lang panay tingin nito ky lolo na tila gusto niya itong sawayin ngunit pinipigilan lamang niya ang kanyang sariling makisali sa usapan, wala akong magawa kundi ang yumuko at mag bingi-bingihan sa mga sina-sinabi ni lolo ng matapos ang hapunan ay nakahinga na sana ako ng maluwag patayo na ako sa aking upuan ng biglang mag salita si lolo. "Hugasan mo ang mga pinagkainan natin ng makapag pahinga na ang lola mo." napatingin ako ky lolo na mariing nakatingin sa akin mistulang may bumara sa lalamunan ko dahilan kung bakit nahirapan akong magsalita "o-opo" pilit kong sagot kay lolo tumayo na siya sa kanyang upuan at sinundan ang ibang ngayon ay nanonood na ng tv sa sala. Naiwan akong mag isa sa kusina sumikip ang aking dibdib at bumigat ang aking paghinga gusto kong maiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili, makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at mabilis na niligpit ang hapagkainan, nagmadali akong hinugasan ang sandamakmak na plato at mga kalderong ginamit sa pagluluto kanina, pagkatapos kong maghugas ay mabigat ang loob kung tinungo ang aking kwarto upang makapag pahinga. Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin para wag magalit si lolo sa akin, simula pa ata pagkabata ay mainit na ang dugo niya sa akin at buong buhay ko ay ginagawa ko na ang lahat upang magustuhan niya ako ngunit walang nangyayari mas lumalala pa ngayon na andito si Shaira, sa palagay ko hanggang sa huling hininga ko ay hindi na niya ako magugustuhan. Pagka pasok ko sa aking kwarto ay pabagsak akong nahiga sa malabot kong kama, blanko ang laman ng aking isipan ng biglang pumasok si lola. "Jezreel , apo ayos ka lang ba?" Biglang may humaplos sa aking puso matapos magtanong ni lola, pakiramdam ko ay nagkaroon ako bigla ng kakampi . "La sino po si Shaira?" malungkot kong tanong sa kanya. Pumungay ang kanyang mga mata ngunit batid mong may halo itong pag aalala ng tumingin siya sa aking mga mata bago magsalita. "Siya ang nawawala naming apo, Jezreel".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD