Chapter 2

2031 Words
Adopted "Family supposed to be your home, but it hurts when you don't feel welcome, to those you called your family." ---- "You’re adopted Jezreel." "P-po?" Tila nabingi ang aking tenga at nagmanhid ang aking buong sistema ng narinig ko ang mga salitang iwon mula kay lola. Tinitigan ko ang kanyang mata at naghanap ng kaunting sinyales ng pag sisinungalin ngunit wala akong nakita kundi simpatya sa aking nararamdaman hinaplos haplos nito ang aking buhok, siguro ay iyon nga ang dahilan ni lolo kung bakit simula palang kahit ano ang gawin ko ay ramdam na ramdam kong wala siyang pakialam sa akin. Nasaan kaya ang tunay kong mga magulang? Bakit nila ako pinaampon? O iniwan lang banila ako kung saan kaya napulot ako ni mama, nalungkot naman ako sa tanong na pumasok sa utak ko, sino ba naman ang hindi mawiwindang isang araw malalaman mo na lang ampon ka pala, at anjan na sa harapan mo ang totoong kadugo ang totoong apo ng mga taong umampon sa iyo. Napangiwi akong muli at napagdesisyunan ng matulog na lang upang matapos na ang gabi at di na madagdagan pa ang mga iniisip ko. Ilang araw na mula ng nalaman ko ang katotohanan, ang katotohanang na nagbigay liwanag sa aking isipan kung bakit ganoon ang trato ni lolo sa akin. Nang gabing iyon kahit anong pikit ko ay halos hindi ako nakatulog kaya puyat ako pagkagising sa umaga, nitong mga nakaraang araw ay panay ang atake ni lolo sa pananakit ng dibdib niya, simula noong birthday ni lolo ay dito na rin nagsimulang tumira si Shaira hindi kami masyadong nagpapansinan kasi naging mailap ako sa kanilang lahat, at ano naman sasabihin ko sa kanya "Ahm Hi, Congrats nakita mo na ang totoong lolo at lola mo?" parang ayoko nalang ata maging mabait, sa kwarto lang ako at hindi lumalabas, pagdating ko naman galing sa school ay diretso na ako sa kwarto ko at lalabas lang kapag tapos na silang maghapunan, inubos ko na lamang ang oras ko sa pagbabasa, para hindi ko maisip ang mga sinabi ni lola. Malapit na ang graduation ko at excited na ako sa matatanggap kong medal, I know magiging masaya si lola dahil siya ang magsasabit ng medals ko, at hindi ko sinabi sa kanya iyon. Kung sana buhay lang si Mama in sure proud na proud iyon sa akin. --- Nakaupo lang ako ngayon sa harap ng dresser ko sa aking kwarto, nag-aayos ako dahil ngayon ang graduation namin nagbihis na si Lola sa kwarto niya dahil ngangako siya sa akin na sasamahan niya ako sa school. Simpleng lip tint lang ang nilagay ko at nilagyan din ng kaunti ang pisngi ko, lip ang cheek tint kasi ito 2 in 1, pagkatapos ay nagkilay lang ako, wala na akong ibang nilagay sa aking mukha since natural ang ganda ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Super Excited ng pumunta sa school. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si lolo sa upuan na nakahawak siya sa kanang dibdib, halata mong nahihirapan huminga, dali dali ko siyang nilapitan "Lolo? Lola si lolo !" Malakas ko na sigaw kay lola upang maagaw ko ang kanyang atensyon hinimas ko ang likod ni lolo ngunit galit niyang iniwas ang sarili niya upang di ko mahawakan ang likod niya, napailing na lamang ako sa kanyang ginawa maya-maya pa ay nagmamadali na dumating si lola at pumunta sa tabi ni lolo pati si Shaira ay lumapit kay lolo at hinimas-himas pa nito ang likod ni lolo ,dala ni lola ang gamot ni lolo at madali niyang ipinainom ito kay lolo. Ilang sandali pa ang lumipas ng kumalma na ang paghinga ni lolo. Senyales na umepekto na ang gamot. "Iha pasensya ka na, hindi na ako makakasama sa iyo baka kasi atakihin nanaman ang lolo mo." Malungkot na sabi ni lola sa akin "Ayos lang po la, bantayan niyo nalang po si lolo dito." Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon at dama ko ang pagsikip at pagpiga sa aking dibdib. "Sige na humayo ka na baka malate ka pa." "Sige po aalis na ako." Mabigat ang loob ko na umalis sa bahay, pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil alam kong para kay lolo naman iyon, mahirap na baka atakihin nanaman siya mamaya, at wala si lola sa tabi niya nagmadali na lamang akong sumakay ng tricycle kahit na ang isip ko ay punong puno na ng pagaalala ky lolo habang papunta ako sa eskwelahan, hindi naman kasi masyadong malayo ang eskwelahan ko mupa sa bahay. "Beshy!" sigaw ni Jena. Napangiti ako ng mapatingin ako sa kanya. "Sino kasama mo?" Palinga-linga siya sa likuran ko at napakunot ang kanyang noo ng makitang walang sinumang nakasunod sa akin muntik pa akong mapaiyak sa harapan niya ngunit mariin ko itong pinigilan. "Oh sad ang valedictorian namin?" napanguso ako dahil sa kanyang sinabi. "Wag ka na sad loves na love naman kita." bigla niya akong niyakap ng mahigpit at dahil doon napagaan niya ang aking loob at pilit inalis sa aking isipan ang mga nangyari kanina. "Andito naman si Mommy eh proud na proud yung umakyat sa stage para sabitan ka ng medals." napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ilang beses na kasing sinabi ni Tita Ria na sana magkapatid na lang kami ni Jena at proud na proud siya sa akin sa aming dalawa ni Jena. "Lets Go! Beshy nandoon na si Mama mas excited pa sa gagraduate." natatawa niyang usal naglakad kami papasok ng gym at natanaw ko agad si Tita na nakangiti habang papalapit kami sa pwesto niya hinila niya ako papalapit ky tita. "Mommy ikaw na bahala mamaya hah ikaw mag sasabit ng medals ni Jezreel." "Ohh talaga baby i'm so excited!" at pumalakpak pa si tita habang sinabi iyon niyakap niya ako ng mahigpit at ngumiti ng malaki sa harap ko. "Mag sisimula na!" sigaw ng isa kong ka klase gumayak na kaming dalawa ni Jen sa linya dahil anumang oras ay magsisimula na ang processional march, alphabetical ang pagkaka arrange ng pila kaya ngkataong magkatabi lang kaming dalawa ni Jena dahil ang mga gagraduate with flying colors ay sa unahan nakaupo mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay ng magsimula na tumugtog ang music ay unti-unti nang pumasok ang mga estudyante, mabilis lang ang flow ng graduation namin at tulala lang ako sa buong oras nakakalungkot isipin na wala si lola ngayon hindi niya kasi alam na ako ang valedictorian dahil balak ko silang surpresahin ni lolo, Sa kasamaang palad ako ang na sorpresa sa katotohanan. Valedictorian! Jezreel Caris Gultiano Bigla akong siniko ni Jena at na gulat pa ako ng marinig kung ako na pala ang tinawag sa stage, tumayo sa harapan ko si Tita at mahigpit na hinawakan ang aking kamay isang maliit na ngiti ang aking sagot sa kanya at sabay kaming gumayak pa akyat ng stage. "Ang galing talaga ng bebe gurl ko! Congrats Baby Jezreel I'm so proud of you." ma ngiyak-ngiyak niyang sambit sa akin "Thank you po tita." Napangiti ako sa kanyang sinabi, ilang ulit pang aking inibaot ang aking palad para makipagkamay, andoon ay ang may-ari ng school ang principal at ilan sa mga board members, ilang medals din ang proud na sinabit ni Tita sa akin huminto kami sa gitna para magpapicture at alerto naman si Jena na kinuhanan kaming dalawa ng Mama niya ng litrato, ng nakababa na kami sa stage ay mahigpit akong niyakap ni Jena. "Congrats beshy!" isang malawak na ngiti ang binigay ko sa kanya, iyong mga paghihirap ko at pagbabasa nag bunga na. "Thank you beshy!" Pagkatapos ay naupo na kami sa upuan at naghanda na siya dahil siya na ang susunod na tatawagin pagkatawag kay Jena at alisto si tita na lumapit sa kanya at malaki ng ngiting gumayak sila sa stage, proud mommy talaga si Tita ky Jena at very supportive sa lahat ng bagay im sure ganyan din si Mama Jeza kung buhay lang siya ngayon. Kinuhanan ko din sila ng litrato bago sila bumaba sa stage. Pagkatapos ng graduation ay hindi muna kami umuwi ilang beses kaming nag selfie para daw remembrance ayaw magpaawat ni Jena may tatlo kami, may kami lang dalawa, at mayroon ding solo namin. "Ang ganda natin!" sambit ni Jena na kumikinang kinang pa ang mata habang tinitingnan ang larawan namin "Ipadevelop muna natin to bago umuwi." sumang ayon naman si tita sa sinabi niya "Next time nalang yung akin besh, pass, out of budget pa." pasimple kong bulong sa kanya sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko. Sumakay na kami sa sasakyan nila at pumunta sa X Photography para ipadevelop ang mga pictures, umabot kami ng 30 mins doon. "Ms. Jena" tawag ng babae sa kanya at inabot ang dalawang brown envelop na may nakatatak na X Photography tinanggap niya naman iyon agad, at dali daling lumapit sa amin ng mommy niya akala ko ay uuwi na kami pero hindi pa pala dahil nagaya si Tita na kumain muna kami sa labas at ecelebrate ang achievements namin kaya hindi na ako nakatanggi, sa Cafebella nila napiling kumain dahil mag te-take out daw si Tita ng cake bago umuwi, maraming siyang inorder at siniguradong mauubos namin lahat bago kami umuwi,halos hindi na tuloy ako makahinga pagkatapos naming kumain dahil sa sobrang kabusugan. "Beshy smile!" click click click "Oh wacky naman!" panay pa rin ang picture naming dalawa kasama si Tita para naman daw my remembrance kami, na kanina pa ipinipilit ni Jena, im sure sa dami noon siguradong hindi kami mawawalan. "Ay wait may ibibigay ako sayo!" usal ng best friend kong maganda habang nakaupo kami sa lamesang aming inukopa ay inabot niya sa akin ang isang brown envelop, ito ay isa sa mga binigay ng babae kanina sa X Photography "Graduation gift ko?" sambit niya habang nakaangat ang envelop sa ere at malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin "Hmm diba sabi ko next time na lang ang aking." nakanguso ko sabi sa kanya "Otot mo Jezreel!" nakangisi niyang tugon napangiti ako sa kanyang harapan, nahiya naman ang brain cells ko may pa kain pa ako may pa gift pa ang best friend ko para sa akin. "Thank you! Keroppi!" "Taranda ka ah! Bawiin ko kaya yan!" kunot noo niyang asik sa harap ko, akma niya naman akong babatukan kaya nagpiece sign ako sa kanya "Joke joke joke!" humalakhak ako ng malakas "Che! Dali na tingnan na natin!" asar niyang saad habang iniikot ang maliit niyang eyeballs Tiningnan namin ang mga pictures na nasa loob ng envelop niya at tuwang tuwa kami dahil ang cute ng mga ito 4r ang laki ng mga ito, ang ibinigay niya naman sa akin ay isang A4 size na Half body solo ko, apat na 4r, at dalawang wallet size, isang half body at ang isa naman ay kaming dalawa na magkaakbay na nakangiti sa picture. Pagkatapos naming kumain at magkulitan ay hinatid na nila ako pauwi ng bahay pinaba-onan pa ako ni Tita ng isang box ng mango cake at wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay walang katao-tao hinanap ko si lolo at lola pero wala sila, nalungkot ako dahil mag-isa na naman ako, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko bitbit ang cake at di na nag-abala na ilagay ito sa ref. "Hindi na siguro ng luto si lola baka may pinuntahan lang silang importante." sambit ng aking utak Ipinatong ko ang cake sa dresser at pabagsak na humiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-open ng social media account ko upang aliwin ang sarili, ngunit mas sumikip ang aking dibdib ng makita ko na naka tag si lola sa isa sa mga post ni Shaira 1hr ago lang. May caption itong "Atm with my grandparents." #EnjoyingTheirCompany Nakangiti sila sa picture, pati si lolo ay malaki ang ngiti sa mga labi habang katabi si Shaira, nakaupo sa isang lamesang puno ng pagkain mula sa isang mamahaling restaurant dito sa lugar. Unti unti ay isa isang nalaglag ang aking mga luha, ngunit wala akong magawa kundi ang humagulgol sa aking unan. Alam ko naman na hindi ako maaaring mag demand ng oras na makasama sila dahil sampid lang ako sa pamamahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD