Chapter 29

2625 Words

"Tama na..." sumamo ko. Ayoko na. Bawat salita niya ay nanunuot sa aking puso at natatakot ako na isang salita pa niya ay babalik na ako sa kanya ng walang alinlangan. "Ihatid mo na ako." Kita ko kung paano nabuo ang pagkabigo sa mukha ni Miggy. Nag iwas na lamang ako ng tingin para hindi na muling magtagpo ang aming mga mata. Kahit na gusto kong manatili sa tabi niya, hindi na maaari. May mga taong masasaktan. Ayokong madamay si Victor sa kung ano mang nangyari sa amin ni Miggy noon. Parte na ng nakaraan ang lahat ng iyon. Naging abala na ako nang makabalik kami sa Maynila. Pinilit kong tanggalin sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Miggy sa Batangas. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko kay Victor. Hindi ko alam kung mapapatawad ba niya ako kapag nalaman niyang nagkaroon kami n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD