"Sa tingin mo ba natatakot ako sa 'yo?" tawa ng lalaki. Hinablot niya ako ng mas may pwersa, kaya nabitawan ako ni Miggy. "A-aray!" daing ko dahil mas lalong naging mahigpit ang hawak niya sa akin. Nanginginig na ang abuong katawan nang dahil sa sobrang takot. Napapikit na ako. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. Ang mahigpit na hawak sa akin ng lalaki ay unti-unting naging maluwag. Nang buksan ko ang mga mata ko, nakahandusay na siya sa bungahin. Hawak na ako ngayon ni Miggy. Hindi ko na namalayan kung ano ang mga nangyari. "Walang pwede mang humawak sa kanya. Naiintindihan mo? Hindi ikaw, hindi kahit sino!" mariin na sabi ni Miggy. Binitawan niya ang kamay ko. Hinila niya patayo ang lalaki. Mahigpit niyang hawak ang damit nito. Galit na galit ang kanyang mukha.

