Maingat ang halik na ibinibigay ni Miggy sa akin. Nasa pisngi ko pa rin ang kanyang mga kamay, marahan akong hinahaplos. Nanatili akong nakapikit. Walang reaksyon sa halik na iginagawad niya sa akin. Ang tanging nararamdaman ko lamang ngayon ay ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Napamulat na lang ako nang tumigil siya sa paghalik. Nakatingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay nagsusumamo sa hindi malamang dahilan. Tumungo ang kanyang mga kamay sa aking balikat. "I miss your lips, Baby..." malambing niyang sabi. Dama ko ang sinseridad sa kanyang tono. Nag iwas ako ng tingin. Lumayo ako sa kanya dahil sa kahihiyang naramdaman. Hindi ito tama. Hindi tama ang paghalik niya sa akin. Hindi tama na tumitibok ng mabilis ang aking puso nang dahil lang sa kanyang halik. Lahat ay mali! "Miggy.

