Ang ipinakilala!

1740 Words

------ ***Third Person’s POV*** - Hindi mapigilan ni Christine ang mapakunot-noo. Parang pamilyar sa kanya ang babaeng lumabas sa gate ng bahay na pupuntahan niya ngayon. May kung anong kakaibang pakiramdam siyang naramdaman nang magtama ang kanilang mga mata, pero hindi na niya masyadong napagmasdan ang mukha nito dahil agad itong sumakay sa tricycle. Siya naman ay kasalukuyan pa lang ipinaparada ang kotse niya sa tapat ng bahay. Hindi na niya iyon masyadong inisip. Ang mahalaga ngayon ay ang makausap si Elsa Gomez—ang babaeng sinasabing kumuha ng sanggol na naiwan ng tito Manuel niya sa kaibigan at kasamahan sa trabaho nito na si Gilbert Manolo. Ayon sa mga impormasyong nakalap ng pribadong imbestigador na binayaran niya, si Elsa daw ang naging kasintahan ni Gilbert noong mga panahon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD