Ayaw mang iwanan ni Xenon si Aurora pero kailangan niyang bumalik sa kaniyang unit dahil sa bagay na kakailanganin niya. Laking pasasalamat naman niya dahil pinatawad na siya ng dalaga, kung kaya’t hindi na siya makapaghintay na muling makita ang dalaga. Ngunit sa hindi malamang dahilan kaagad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Ayaw man niyang mag-isip ng masama pero nangangamba siya na baka may masama ng nangyari sa dalaga. Dahil sa labis na kaba para sa kaligtasan ng dalaga, matapos niyang makuha lahat ng kakailanganin niya sa kaniyang unit kaagad siyang nagmadali sa pagbalik sa kinaroroonan ng dalaga. Hindi naman sa gusto niyang may mangyaring masama sa dalaga ngunit ibang-iba ang kabang nararamdaman niya, ‘yon tipong para bang pakiramdam niya ay may mangyayaring ma

