Nang masiguro ni Xenon na mahimbing nang natutulog ang dalaga kaagad niyang iniayos ang pagkakahiga nito sa kama. Habang tahimik na sinenyasan niya si Silver na sa labas na sila mag-usap upang hindi magising ang dalaga. Akmang lalabas na sana siya ng masagi niya ang isang kwaderno na tila matagal ng niluma nang panahon. Naalala niya na ito iyong nakita nila ng dalaga, dahil sa gusto niyang malaman ang nilalaman nito kaagad niya itong kinuha. Alam ng binata na mali ang gagawin niya, ngunit, gusto lang din niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nilalaman ng talaarawan na nakita nila sa abandonadong laboratoryo. Bukod dito, umaasa rin siya na may mahahanap silang ideya kung bakit gusto ng kalaban nila na mapasakamay ng mga ito si Aurora. Para bang kung iisipin niyang mabuti labis na ma

