Hindi pa man sila tuluyang nakakarating sa lugar ay wala nang paglagyan ang galit na nararamdaman ni Xenon para sa mga taong dumukot kina Aurora at Callum. Kulang na lamang ay paliparin niya ang kotseng sinasakyan nila makarating lamang sa kinaroroonan nina Aurora. Kung kaya’t hindi na makapaghintay si Xenon na turuan ng leksyon ang mga taong dumukot kina Aurora at Callum, para bang pakiramdam niya ay kulang pa ang simpleng pagpatay sa mga ito. Nang marating nila ang lugar na kinaroroonan nina Aurora at Callum kaagad na inihanda ni Xenon ang baril niya na kung kanina lamang ay nakasipit pa sa beywang niya. Dahil dito walang sinayang na oras si Xenon at kaagad na tinungo ang loob ng warehouse na para bang hindi man lang nakaramdam ng takot sa maaaring makasagupa niya sa loob. Wala namang pa

