Isang kalunos-lunos na pangyayari ang bumungad sa dalagang si Aurora sa pagmulat pa lamang ng kaniyang mata. Sapagkat hindi niya lubos maisip na bigla na lamang aatakihin sa puso ang lola ni Callum dahilan para pumanaw ito. Bagamat sandali lamang niya nakasama ang lola ni Callum hindi niya maitatanggi sa sarili na ubod ng bait ng matanda. Isama mo pa rito kung gaano ito kalambing sa apo nitong si Callum, doon pa lamang kaagad na napagtanto ng dalaga na may busilak na puso ang matanda. Kung kaya’t nang malaman niyang pumanaw na ang matanda hindi niya maiwasan na hindi malungkot sapagkat labis na rin siyang napamahal sa lola ni Callum. Sa madaling salita, para bang itinuring na rin niya ang matanda na parang sarili niyang lola. Kasalukuyan siyang nakamasid sa mag-ama na sina Wayne at Ca

