BUMALIK sa kasalukuyan ang isipan ni Carlo. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Yumi habang pinagmamasdan ito na wala pa rin malay, while the heart rate monitor is continuously making a beep sound. Hinagkan niya ang likod ng palad nito. “Babe, wake up. Masyado na naman nagtatagal ang tulog mo,” pagkausap niya dito na puno ng pag-aalala. Napalingon siya nang bumukas ang pinto. “Doctor De Luna,” tawag sa kanya ng nurse. Pinahid niya ang luha at tumango. “Yeah, I’m coming.” Hinalikan muna niya muli ang kamay nito at ang noo bago iwan sa loob ng silid si Yumi. Naabutan niya sa labas na naroon ang mismong director ng ospital at ang iba pang doctor. “We heard what happened, kumusta na siya?” “Still unconscious doc.” May simpatya na ngumiti sa kanya ang mga ito at tinapik siya

