CHAPTER 8
“Bakit may problema ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Naniniwala ka ba sa linya ng isang kanta na pinagtagpo pero di tinadhana?” sagot sakin ni Jeremie.
“Ano namang kinalaman nun sa problema mo?” nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
“Iyon kasi ang problema ko, pakiramdam ko nakatagpo ko na yung taong para sa akin pero hindi kami bagay sa isa’t-isa dahil nasa taas siya at ako nasa ibaba” makahulugan niyang sinabi.
Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi niya. May iba yata siyang nagugustuhan, assuming lang ako masyado sa nararamdaman ko. Napabuntong-hininga ako.
“Alam mo walang requirements ang tadhana pagdating sa love, kung talagang nagmamahalan kayo kahit gaano pa siya kataaas, bababa at bababa siya sa kinalalagyan niya para sayo” madamdamin ang naging sagot ko kay Jeremie. Parang may nakaabang na luha sa mata ko, hindi ko alam bakit parang nasasaktan ako sa isiping may nagugustuhan siyang iba.
“May itatanong ako sayo,Liza” seryosong sabi ni Jeremie.
“Ano ba iyon? Basta huwag lang mathematics ah? Mahina ako sa math” panunukso ko. Gusto kong pagaangin ang sitwasyon.
“Seryoso ako ano ka ba” sabi ni Jeremie.
“Sige ano ba iyon?” sagot ko naman. Nahalata ko na seryoso nga talaga siya.
“Sa tingin mo kung ikaw mainlove ka sa isang mahirap lang, makakaya mo ba siyang tanggapin?” tanong ni Jeremie. Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ako sumagot, tumingin ako sa dagat.
“I mean tingin ko kasi mas gusto mo yung ka level mo sa buhay kasi para masakyan niya lahat ng trip mo” nanunukat ang tanong sa akin ni Jeremie.
“Wala akong standards pagdating sa love, kung sino yung dumating sakin minamahal ko” seryoso kong sagot.
“Nainlove ka na ba sa lalaki? I mean sabi ni Alex lesbian ka daw and I wonder kung nainlove ka na ba sa lalaki, I hope you won’t mind” tanong sakin ni Jeremie.
Baka ngayon pa lang! Sigaw ng isip ko.
“Matutulog na ako, matulog ka na rin maaga pa tayo bukas babyahe” iwas ko sa tanong niya at iniwanan ko na siya sa dalampasigan.
Pagpasok ko sa kwarto ay napaisip ako. In love na ng aba talaga ako sa kanya? Tumingin ako sa salamin na naroon. Mahaba parin ang kulot kong buhok, hindi ako nagpapaiksi ng buhok dahil sa alalala ng lola kong yumao. Mahahaba ang aking pilik-mata. Sa isang tingin hindi mo aakalaing lesbian ako. Ilan na ng na ba ang nakarelasyon kong babae? Isa, dalawa, tatlo, hindi ko na halos mabilang. Tapos ngayon parang biglang nagbago ang damdamin ko. Nakatulugan ko ang pag-iisip.
Mabilis na lumipas ang isang linggong pag-stay namin sa orphanage. Nahirapan kaming magpaalam dahil halos lahat ng mga bata ay nag-iiyakan.
“Promise dadalaw kami dito” sabi ko kay Anie, na siyang pinakamalapit sakin dahil lagi ko na siyang katabi sa pagtulog.
“Oo nga, lagi namin kayong dadalawin lalo na kapag wala kaming pasok sa school,ok?” segunda ni Jeremie.
Mabigat sa loob ko ang pamamaalam na iyon, kaya nasabi ko sa sarili na matapos lang ang lahat ng kailangang harapin sa school ay babalikan ko ang mga batang ito. Kumaway na kami at sumakay na sa sasakyan ko. Habang nasa daan ay wala kaming imikan ni Jeremie.
“Ako na lang ang mag-aayos ng report natin para maharap mo naman ang trabaho mo, ilang araw ka ring walang kinita dahil sa project natin” sabi ko kay Jeremie.
“S-sige” parang wala sa loob na sagot nito. Binaba ko lang siya malapit sa kanto nila at umalis na rin ako.
Pag-uwi ko sa bahay ay nagpahinga agad ako. Nang mga sumunod na araw ay naging abala ako sa paggawa ng report namin. Dinitalye ko sa report lahat ng naging karanasan namin sa orphanage na iyon. Pati damdamin ng mga bata ay dinitalye ko ng maigi. Bawat litrato ng mga bata na isinama ko sa report ay nilagyan ko ng damdamin. Napatitig ako sa isang litrato na nakunan noong nagbeach kami. Si Jeremie habang nakasandal sa isang bato at kausap ang ilang mga bata. Napangiti ako. Ilang araw na ring wala kaming communication ni Jeremie. Akma kong dadamputin ang cellphone ko. Pinindot ko ang number ng cellphone ni Jeremie pero nagdalawang isip ako kung kokontakin ko ba siya. Binaba ko ulit ang telepono, maya-maya kinuha ko na naman at muling tiningnan ang pangalan nya sa phonebook ko, at ibinaba ulit.
“Haist! Ano ba itong ginagawa ko?” pagalit kong sabi sa sarili ko.
Maya-maya pa tumunog ang doorbell, naisip kong baka si Jeremie iyon kaya dali-dali akong pumunta sa gate. Nabungaran ko si Alex.
“Hi friend! Welcome home!” masaya nitong bungad sa akin.
Napasimangot ako. Bakit ba kasi nag-expect ako.
“Oh bakit nagmukhang tambakol yang mukha mo?!” sabi ni Alex.
“May iniexpect ka bang ibang bisita? Nakangiti ka kanina pagbukas ei tapos napasimangot ka na pagkakita mo sa akin” may tampo sa boses ni Alex.
“Wala nu? Bigla lang sumakit ang ulo ko” palusot ko.
“Anong balita sa project niyo sa field?” usisa ni Alex.
“Heto matatapos ko na yung report namin. Ipapasa ko na ito bukas kay sir” tinatamad kong sabi.
“Sa wakas makakahinga ka na rin ng maluwag. Matatapos na rin yang school project nay an, hay naku kung ako yan matagal ko ng sinukuan yang ganyan, wala akong katiyaga tiyaga ang gumawa ng activity sa field” maarteng sabi ni Alex.
Napatitig ako kay Alex, bukod sa pagiging, pinsan ay siya lang ang tinuturing kong bestfriend. At hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Kailangan ko ng sabihin sa kanya para mahingan ko siya ng payo.
“Lex kasi may sasabihin sana ako sayo eh, it’s about Jeremie” pag-uumpisa ko.
“Teka! Teka! Ano yun? May nangyari ba habang nasa field kayo? Tell me may ginawa bang hindi maganda sayo si Jeremie?!” sunod-sunod ang tanong ni Alex sa akin
“Ano ba! Wala nu, ang OA mo sa totoo lang!” sagot ko.
At nagsimula na akong magkwento ng lahat-lahat mula sa una naming pagkikita sa tren hanggang sa una naming halik. Sinabi ko na kakaiba ang nararamdaman ko tuwing mapapalapit kay Jeremie at nalilito na ako sa sarili ko.
Napatili si Alex.
“OMG!!!! Ok inhale… exhale… inhale.. exhale” sagot ni Alex na walang tigil sa kakainhale exhale.
“Ano ba! Umayos ka nga! Overacting naman nito!” inis kong sabi.
“Sino ba naman ang hindi maooveracting?! Yung pinsan ko na kaibigan ko na habulin ng chicks ay in love na sa isang guy!” sabi nito na pinapaypay pa ang mga daliri sa mukha. “Hindi ako makahinga friend! Let me breathe!” wika pa ni Alex at muli na naman itong nag inhale exhale.
“Ay naku ewan ko sayo!” Inis kong sabi sabay tayo. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape para sa dalawa. “Oh! Magkape ka nga para mahimasmasan ka! Oa mo talaga” naiinis na talaga ako.
“So, anong ibig mong sabihin sa mga kinuwento mo? Hindi ka na belong sa GL world?!” tanong sa kanya ni Alex. Ang ibig sabihin ng GL ay Girls Love, tawag sa pagmamahalan ng dalawang parehas babae.
“Wala akong sinabing ganyan huh!” pabigla kong sabi.
“Pero sabi mo nalilito ka, it means nararamdaman ka sa Jeremie na yun, at isa lang ang paraan para malaman mo kung talagang nagkakagusto ka na nga sa kanya” sabi ni Alex sakin.
“Ano naman?” tanong ko.
At iyong tingin sakin ni Alex ay tingin ng isang may pinaplano, na hindi ko malaman kung gugustuhin ko ba o hindi. Bahala na.