CHAPTER 7- AWKWARD MOMENTS

1261 Words
           Unti-unti na akong hinihila ng antok nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.            “Sino yan?” tanong ko. Napatingin siya sa relo niya, alas diyes na ng gabi, sino bang kakatok ng ganitong oras? Tumayo ako para buksan ang pinto.            “Nanay Liza?” nabungaran ko si Anie na isang batang limang taong gulang na sa ampunang iyon, kasama niya si Jeremie.            “Nanay pwede po ba dito kami matulog ni tatay Jeremie? Hindi po kasi ako makatulog” sabi ni Anie sa malambing na boses. Nakita kong pupungas-pungas pa si Jeremie, halatang nasa malalim na ang tulog nung ginising siya ni Anie. Niluwangan ko ang pinto.            “S-sige. Bakit hindi ka makatulog masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Anie pero yung mata ko nakatingin kay Jeremie na dire-diretsong nahiga sa kama ko.            “Jeremie! Jeremie! Sa lapag ka matulog” bulong ko sa kanya.            “Nanay tabi na lang po tayong tatlo dito sa kama. Malaki naman po ito eh kakasya po tayo” sagot naman ni Anie. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kahit anong gawin kong iwas ay laging may sitwasyon na nagdadala para magkasama kaming dalawa. Nahiga na sila ni Anie, napapagitnaan sila ni Anie. Kinuha ni Anie ang braso niya at hinila payakap sa kanya. Napangiti siya dahil napakalambing ng batang si Anie, halatang sabik sa magulang. Nakita niyang nakapikit na rin si Jeremie, napagod siguro isip-isip ko. Pumikit na rin ako at maya-maya pa ay dinalaw na rin ako ng antok.            Krnggggggg! Krngggggg!            Napapitlag ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Pagtingin ko ay pasado alas kwatro na pala ng madaling araw. Napansin kong wala na sa higaan ang batang si Anie, at sa Jeremie naman ay mahimbing na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin ko kung magagalit at tatanggalin ang kamay niya o hahayaan siyang nakayakap sa akin. Tinitigan ko siya, at doon ko naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Nanariwa sa akin ang alaala nung araw na nagkahalikan kami. Hanggang ngayon parang ramdam ko pa yung mga labi niya sa labi ko. Nataranta ako nang bigla siyang kumilos, nagkunwari akong tulog.            Napadilat ng mata si Jeremie, pati siya ay nagulat dahil nakayakap na pala siya sa akin, hindi talaga siya sanay na walang kayakap na unan o anumang bagay sa pagtulog.            “Huwag kang didilat Liza” sabi ko sa sarili ko. Naramdaman ko na napakalapit ng mukha ni Jeremie sakin, at ilang sandali pa ay naramdaman kong idinampi niya ng bahagya ang labi niya sa noo ko, may katagalan niya itong idinampi at maya-maya pa ay tumayo na sa higaan. Inayos niya pa ang kumot na nasa paanan ko na at ikinumot iyon sa akin. Narinig kong nagsarado na ang pinto, palatandaan na lumabas na ito ng kwarto. Napadilat ako pagkaalis niya. Ang lakas ng kabog ng dibidib ko. Simpleng halik lang iyon pero libo-libong boltahe na ng kuryente ang pakiramdam ko dumaloy sa katawan ko. Napagdesisyunan ko na bumangon na rin at maligo. Baka naghahanda na ang lahat para sa trip ngayong araw.            Maya-maya pa abala na ang lahat sa paghahanda para sa pag-alis. Isa-isa kong nilista ang pangalan ng bawat isang bata para masiguro na walang maiiwanan sa kanila during the trip. Pananagutan ko ang mga batang ito dahil ako mismo ang nag-organize ng trip na ito. Nang makasakay na ang lahat ay umakyat na rin ako sa bus na sasakyan namin. Halos wala na akong maupuan at nakita kong sumenyas si Jeremie na maupo sa tabi niya dahil ito na lang ang natitirang bakante. Hindi ko alam kung sinadya ba nito na huwag paupuan ang tabi niya para doon ako maupo. Kahit labag sa loob ko ay naupo ako sa tabi niya.            Nakatulog ako habang nasa biyahe at hindi ko napansin na ako mismo ay nakasandal na kay Jeremie habang natutulog. Inayos ko ang ulo ko at naramdaman kong ipinilig ni Jeremie ang ulo ko para isandal sa balikat niya. Heto na naman yung lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba nagiging big deal sakin ang bawat kilos ng taong ito samantalang siya chill na chill lang?            Ilang saglit pa ay dumating na kami sa patutunguhan namin. Bumaba na ang lahat, punong-puno sila ng energy dahil halos buong biyahe ay tulog ang mga bata. Pagkalapag ng mga gamit ay nagtakbuhan agad sila sa dagat at naligo. Habang ako ay nagmamasid lang at nakiusap sa nagbabantay na life guard na imonitor ang mga kasama niyang bata. Si Jeremie naman ay naging abala sa paghahanda ng pagkain katulong ang mga madre.            “Tulungan na kita” sabi ko kay Jeremie na abala sa pag-iihaw.            “Sure ka? Mainit dito” sabi pa ni Jeremie sakin.            “Ok lang, ano ka ba, sisiw sakin ‘to” nakangiti kong sabi. Ilang sandali pa ay nakita ni Jeremie na maya’t-maya ang kusot ko sa mata ko.            “Anong nangyari” Ok ka lang?” tanong ni Jeremie.            “Ano kasi, napuwing ako” sagot ko.            Hinawakan ni Jeremie ang mukha ko at hinipan ang mata ko. Kinusot kusot ko iyon hanggang sa makadilat ako ng husto. Pagdilat ng mata ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jeremie, nakahawak parin ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Nagkatitigan kami. At dahan-dahang nilapit ni Jeremie ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman kong balak niya akong halikan pero imbes na itulak siya ay pumikit na lang ako.            “Handan na ba ang inihaw? Kakain na____” at biglang napahinto sa pagsasalita si Sister Elena pagkakita sa posisyon namin ni Jeremie.            “Ay! Pasensiya na, sorry may gagawin pa pala ako” sabay talikod ni Sister.            Pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Hiyang-hiya ako. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang nakahawak parin sa pisngi ko si Jeremie. Marahan ko iyong tinabig at tumawa.            “Tara na” at tinapik ko sa pisngi si Jeremie na para bang naeengkanto dahil nakatulala parin ito. Biglang natawa si Jeremie, ngayon lang nagsink in sa utak niya na muntik na sila mahuli ni Sister. Natawa na rin ako sa reaksiyon ni Jeremie at iiling iling na kinuha ang natapos ng ihawin na mga isda.            Kinagabihan, muli kong chineck ang mga bata sa kwarto nila at isa-isang tinawag ang mga pangalan sa listahan. Nang masiguro ko na kompleto na sila ay iniwanan ko na sila. Pagod na pagod ang mga bata, iyong iba halos hindi na sumasagot sa pagtawag niya ng pangalan.            Pagpasok ko sa kwarto ay nanibago ako. Sa totoo lang hindi ako makatulog sa kwarto na walang aircon, bata pa lang ako ay lagi na akong sa malamig natutulog. Panay ang biling ko sa higaan. Hindi ako makatulog, maalinsangan ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang robe ko at isinuot. Lumabas ako at pumunta sa dalampasigan. Naupo ako sa buhangin, habang nakatingin sa dagat. Buhat ng dumating kami sa orphanage na iyon ay narealize ko kung gaano ako kablessed dahil sa uri ng pamumuhay na kinagisnan ko.            “Bakit nandito ka sa labas?” tanong ni Jeremie. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin sa lalim ng iniisip ko.            “Nagpapahangin lang, hindi kasi ako makatulog sa kwarto ko” sagot ko.            “Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?” balik tanong ko sa kanya.            “May iniisip lang ako, naiisip ko ang mga bata. Tuwang-tuwa sila. Salamat sayo naranasan nila ito.” sagot ni Jeremie.            “Sana lagi na lang tayong bata nu? Para wala tayong iniisip o pinoproblema” pahayag niya pa. Mataman lang akong nakikinig sa kanya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD