Kinabukasan maaga akong nagising dahil halos hindi naman talaga ako nakatulog sa nangyaring halik sa pagitan namin ni Jeremie. Kinailangan ko na talagang iwasan si Jeremie at buo na ang desisyon ko na hindi na mauulit ang tagpong iyon kagabi.
“Liza, sabay sabay na tayo nila Alex mag-almusal. Nagluto ako ng paborito mong tocino” wika ni Jeremie habang si Alex ay nakaupo na sa mesa.
“Hindi na ako kakain, aalis ako ei. Para sa project natin, sisilipin ko iyong lugar na pupuntahan natin, para makapagstart na tayo sa field” sabi ko.
“Wait! Samahan na kita!” sigaw ni Jeremie pero mabilis akong lumabas ng bahay.
Dumaan ang maghapon. Pag-uwi ko sa bahay ay may note na nakadikit sa refrigerator ko. PINAGLUTO KITA NG ULAM BAGO AKO UMALIS, INITIN MO NA LANG KAPAG NAKAUWI KA NA -JEREMIE sabi ng nilalaman ng note. Ininit ko nga ito at kinain dahil gutom na rin naman ako.
Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ko. Unknown number ang nakalagay. Sinagot ko iyon.
“Hello?” sagot ko sa kabilang linya.
. “Liza, ako ito si Jeremie. Nakabili na ako ng cellphone kaya tinawagan agad kita. Nagpasama ako kay Alex kanina na bumili, at hindi ka na rin mahirapan na kontakin ako para sa project natin” sabi ni Jeremie.
‘Ah ok sige. Siya nga pala bukas magstart na tayo sa field, sa labas na lang tayo magkita, huwag ka ng pumusta dito sa bahay” sabi ni Liza. At binaba na ni Liza ang linya. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila.
Ang napagdesisyunan nilang project ay ang bumisita sa isang orphanage. Ang gagawin nila ay kailangan nilang magspend ng time sa charity na iyon sa loob ng buong isang lingo, tutulungan nila ang charity sa ilang mga pangangailangan nito. Irerecord nila ang lahat ng ginagawa nila gamit ang videocam recorder na dala nila.
Maaga silang dumating sa orphanage center. Agad silang sinalubong ng mga madre. Alam na nito na darating sila dahil nasabihan na niya ito kahapon pa.
“Mga bata! Halika kayo dito, may ipapakilala ako sa inyo!” tawag ni Sister Elena.
Agad na nagtakbuhan ang mga bata sa kanila.
“Hello po, masayang araw po!” sabay sabay na sinabi ng mga bata.
“Simula ngayon ay makakasama niyo na sila ate Liza at Kuya Jeremie, ok?” wika pa ni Sister.
“Hello sa inyo mga bata, ako si ate Liza at sa loob ng isang linggo ay ako at si kuya Jeremie niyo ang mag-aalaga sa inyo dito sa ampunan” pagpapakilala ko.
“Yehey! May nanay at tatay na kami!!” sigawan ng mga bata na siya namang ikinangiti ng mga madre.
“Mga bata huwag na huwag niyong tinutukso sila Kuya Jeremie ninyo, sige kayo aalis sila agad” tukso ni Sister Elena.
“Ay, ok lang po tuksuhin kami ng mga bata. Gustong-gusto ko nga ei” sabay kindat ni Jeremie sakin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at kinurot siya sa tagiliran.
“Aray!” napasigaw si Jeremie sa sakit ng pagkakakurot ko.
“Bakit po?” Tanong ng isang bata.
“Ah, eh hehe wala kinagat kasi ako ng malaking malaking langgam. Sarap ngang pisatin eh” sabay ngiti ng nakakaloko ni Jeremie.
“Oh siya! Tama na iyan. Dalhin na natin sa loob iyang mga dala-dala niyo at makapgluto na tayo ng pananghalian” sabi ni Sister Elena.
Agad naman kaming sumunod dito. Maya-maya abala na kami kasama ang ibang madre na magluto ng pang feeding program para sa mga bata habang si Jeremie ay abala sa pag-aayos ng gagamitng camera para mairecord ang gagawin naming activity. Hinanda namin ang lamesa sa lawn sa labas at nagsimula na ng paghainan ang mga bata.
“Ang dami nating anak nu?” tukso sakin ni Jeremie. Ayaw talaga nitong tumigil sa pang-iinis sakin. Nanlaki ang mata ko sa pang-aasar niya.
“Ate Liza pwede po ba namin kayong tawaging nanay at tatay habang nandito po kayo?” sabi ng isang bata samin.
“Oo nga po para maranasan po naming magkaroon ng nanay at tatay!” sagot naman ng isa pang bata. Lumambot ang puso ko sa narinig ko sa mga bata, iyong pagkakataon na magkaroon sila ng magulang ay ipinagkait sa kanila ng panahon.
“Oh! Narinig mo iyon? Sa ngayon tayo muna ang tatayong nanay at tatay nila” sagot ni Jeremie at muli naming sumilay ang mapang-asar na ngiti sa mga labi nito.
“S-sige ako muna ang nanay ninyo, simula ngayon” sagot ni Liza. Hindi niya magawang humindi sa mga bata.
“Yehey!” sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga bata.
“Oh siya sige na kumain na kayo” natatawang sabi ni Sister Elena.
“At bukas, dadalhin kayo nila nanay at tatay sa dagat!” masayang sabi ni Sister.
“Wow! Talaga po?!” tanong ng mga bata. At masaya akong tumango sa kanila. Lahat ay kanya-kanya na ng ingay dahil sa sobrang tuwa, minsan lang nila maranasan ang ganoong pagkakataon. Napangiti ako.
Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa mga madre na magligpit ng mga pinagkainan habang masayang nakikipaglaro si Jeremie sa mga bata. Napatingin ako sa kanya, masayang-masaya ang mukha ni Jeremie, yung ngiti na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong bagay. Isa na namang pagkatao niya ang natuklasan ko. Very genuine ang pakikisama niya sa mga bata, at parang may humaplos sa puso ko dahil doon. Magagawa ko pa ba kaya siyang iwasan? Tanong sa isip ko na hindi ko alam ano ang magiging kasagutan sa mga susunod pang mga araw.
Pagkatapos ng lahat ng gawain ay nagpasama si Liza kay Sister Elena na mamili ng mga damit ng mga bata dahil siya ang may kabisado sa mga pangangatawan ng bawat bata.
“Alam mo bagay kayo ni Jeremie, parehas kayong may mabuting puso, at nararamdaman ko rin na gusto ka niya” sabi ni Sister Elena sa kanya.
“Talaga po? Magkaibigan lang po talaga kami saka iyong mga tipo ko ay hindi niya magugustuhan” sagot ko.
“Gusto ka niya, iba mga tingin niya sayo eh” sabi naman sakin ni Sister. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pamimili. Ayoko ng abalahin pa ang isip ko sa kanya. At saka tatapusin ko na ang ugnayan namin after nitong activity sa school.
Nang dumating kami sa bahay ampunan kanya-kanya na ring kuha ang mga bata ng mga bago nilang damit na pinamili naming. Tuwang-tuwa ang mga bata lalo na at sinamahan ko na rin ng mga laruan ang pinamili bukod pa sa pagkain. Hinanap ng mata ko si Jeremie, nasa lawn siya sa swing nakatambay. Malayo ang iniisip nito base sa itsura ng mukha niya na tagusan ang tingin sa mga dahon ng halaman na andoon. Nilapitan ko siya.
“Huwag mong isipin iyon, hindi ka nun mahal” tukso ko sa kanya.
“Iyon nga eh, hindi niya talaga ako mahal” seryoso nitong sagot. Nabigla ako sa seryosong mukha niya.
“Ano ka ba! Para nagbibiro lang eh, ito naman napakaseryoso” sabi ko sabay sa pitik sa ilong niya. Tumingin siya sakin. Tingin na may gustong sabihin, nailang ako sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak sa swing at tumalikod na ako para pumasok sa aking silid. Bakit ba hindi ko lagi matagalan yung mga tingin niya sakin? Bakit lagi ako nakakaramdam ng pagkailang sa tuwing titingin siya sa akin? Napabuntong hininga na lang ako sa laman ng isip ko. Pumasok na ako sa kwarto para matulog pero hindi ko nahanda ang sarili ko sa susunod na mangyayari.