“About what hija?” napaseryoso na rin si daddy. Seryosong mukha na noon ko pa pinangingilagan na makita. “Dad about the engagement. I’m not serious about it.” Lakas loob kong sabi. “Bakit? Give me some valid reasons why” sabi sakin ni daddy sa seryoso paring tinig. Para akong nablangko, hindi ko makapa ang dapat kong sabihin. Matagal akong natahimik. “It’s Jeremie right?” tanong ni daddy. Na siya namang ikinagulat ko. “Anong___” naputol na niya ang sasabihin ko. “Anong sinasabi ko? Paano ko nalaman?” tanong sakin ni daddy sabay padabog na iniurong ang kinakainan niyang plato. Nakita kong humawak sa braso ni daddy si mommy na para bang sinasabi na take it easy. “Ano bang akala mo saki

