Napatingin ako kay Jeremie na hanggang ngayon ay nakabusal parin ang bibig. Iniinda parin ang lakas ng pagkakasuntok kanina sa kanya ng mga lalaking halang ang kaluluwa. “Sa tingin mo, sino saming dalawa ng daddy mo ang mas halang ang kaluluwa? Ako ng gumawa lang ng pinag-uutos niya o siya mismo na nag-utos ng dapat gawin sa inyong dalawa?” sabi sa kanya ni Greg. “Sige! Banatan niyo na yan!” utos ni Greg. Pinagtulungang bugbugin ng apat na lalaki si Jeremie. Suntok at sipa ang tinanggap niya sa mga ito. Hanggang sa bumulagta na lang siya sa sahig habang duguan ang mukha. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw ng sumigaw sa sobrang pagkaawa kay Jeremie. Kasalanan ko ang lahat. Tinigilan lang nila si Jeremie nang hindi na ito maka

