Dumating ang araw ng year-end party sa bahay ng mga Olivares. At pinadalhan din nila ako ng imbitasyon. Para sa akin pagkakataon na iyon para sa makakuha ako ng mga kliyente sa shop ko, kailangan ko iyon lalo na at bagong bukas lang ang boutique ko. Naghanda na ako sa pagpunta sa bahay ng doktor. At balak ko na rin sabihin kay Mrs.Beatriz ang tungkol sa anak nito na si Greg. Ito na ang tamang pagkakataon para matapos na ang lahat. SAMANTALA, habang abala ang lahat para sa ginaganap na year-end party sa bahay ng mga Olivares binalak naman ni Jeremie na umalis para puntahan ako sa bahay at sabihin sa akin ang totoo na buhay siya, pagdating niya sa mismong bahay namang ay siya namang paglabas ng kotse ko para pumunta sa b

