MRS. BEATRIZ OLIVARES. Matamang binabasa ko ang pangalan na nasa papel na inabot sa akin ni Gilbert. “Ayon sa natuklasan ko ay asawa siya ngayon ng isang doktor na nagngangalang Dok. Raven Olivares. Na nagmamay-ari ng isang ospital dito sa Pilipinas” litanya ni Gilbert. “Nalaman mo ba kung saan siya nakatira?” tanong ko habang sinisipat ang litrato ng ginang kasama ng papel. “Opo at heto po ang address nila. Nalaman ko po sa ospital na pagmamay-ari ng doktor. May kakilala ako na maswerteng doon nag-oojt kaya nakuha ko po agad yan.” Sabi ni Gilbert. “Huwag po kayo mag-alala Mam Liza aalamin ko ang schedule ng ginang para sa inyo” dagdag pa nito. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. SA ISANG BAR nagkita si

