Napaamang ako sa sinabi niya.
“Hoy! Joke lng haha! Masyado naman ‘tong seryoso!” sabay sabi sakin ni Jeremie sabay hawak sa pisngi ko.
Pero parang bigla akong tinulos sa kinauupuan ko, habang nakadikit parin ang kamay ko sa sugat niya na ginagamot ko. Parang huminto ang mundo para sakin. Naalala ko ang panaginip ko nang minsang pinagsaluhan namin ang isang mainit na sandali. Panaginip nga ba iyon?
“M-may naaalala ka ba sa tagpong ito Liz? Ganitong-ganito yun” sabi ni Jeremie.
“Huh?! Anong ibig mong sabihin?” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pwede ba iyon na ang panaginip ko at panaginip niya ay iisa? O posibleng….. posibleng totoong nangyari yun! Naalala ko na nung magising ako ay nakita ko na talagang may sugat siya sa gilid ng labi niya. Nanlaki ang mata ko. Bigla ko siyang naitulak.
“Sorry! We need to rest maaga ang klase bukas” sabi ko. Seryosong nakatingin lang sa akin si Jeremie at lumipat na ito sa sarili niyang higaan. Parehas kaming magkatalikod sa kama ng isa’t-isa pero ramdam ko na kahit siya ay hindi rin makatulog. Parehas naming naalala ang gabing iyon.
Sabay kaming gumising ng maaga ni Jeremie para pumasok sa school. Start na ng klase ilang araw na ang nakakalipas. Noong una mahirap magadjust dahil sa aral sa umaga trabaho naman sa gabi. Pero natutunan ko na rin ang magkaroon ng time management sa tulong na rin ni Jeremie, marami siya saking binibigay na advice para matutunan ko kung paano ihandle ang oras ko. Although parehas kaming nasa engineering department pero sa iisang subject lang kami magkaklase ni Jeremie. Sa araw na iyon naidiscuss ang magaganap na theatre play at ang makukuhang pondo ng play ay ibibigay nila para sa mga nasalanta. Extra curriculum lang naman nila iyon pero additional points din sa grades sa subject. At bilang isa sa mga estudyanteng nasa topnotchers ay naassign ako na maging isa sa mga judge para sa mga estudyanteng mag-o-audition para sa play. Lahat ng matatanggap sa play ay makakatanggap ng iba pang benefits bukod sa additional points sa grades, ay magkakaroon din sila ng tuition fee discount sa susunod na pasukan.
Pagkatapos ng isang linggo ay nagsimula na ang audition day. Naging busy ako sa pag-aasikaso ng play kaya nagbawas ako ng oras ng pasok sa bar na pinapasukan ko. Kahit iisa ang kwartong tinutuluyan namin ni Jeremie ay bihira kami magkausap dahil pagdating niya tulog na ako at aalis naman ako ng tulog pa siya. Mas maaga ako pumapasok dahil before class ginaganap ang audition.
Nang araw na iyon umuwi ako ng maaga at hindi ako nakapasok sa bar. Napakasakit ng ulo ko. Mas sumakit ang ulo ko sa mga nag-audition para sa play. Wala pa sa kalahati ng cast ang napipili namin. Pakiramdam ko nilalagnat ako. Agad akong uminom ng gamot at humiga na sa kama. Maya-maya naramdaman kong may malamig na bimpo ang dumadampi sa mukha ko.
“Uhmmmm… anong…” napadilat ako ng mata.
“Ang init mo, mataas ang lagnat mo kaya pinupunasan kita” sabi ni Jeremie.
“No need kaya ko na ang sarili ko” akma akong tatayo pero pakiramdam ko hinang-hina ako. Buti na lang at weekend na bukas.
“Please let me do this” sabi ni Jeremie sabay hiniga niya ako ulit ng dahan-dahan. Napapikit ako habang pinupunasan niya ako. Nangyayari ba talaga ito o nananaginip lang ako? Palihim kong kinurot ang sarili ko pero pagdilat ko nasa harap ko parin si Jeremie.
“Masyado ka na yatang naistress sa school at trabaho tapos nagkaroon ka pa ng responsibility sa play natin sa school” mahinang sabi ni Jeremie.
“Kailangan ko yung gawin eh, hindi pwedeng hindi” sabi ko naman.
“Bakit kasi nagtatrabaho ka pa? Alam ko naman na hindi mo kailangang magtrabaho para lang makabayad sa tuition fees o magkaroon ng allowance base sa status niyo sa buhay” tanong ni Jeremie sa akin. Dahan-dahan niyang itinaas ang manggas ko para mapunasan ang braso ko.
“Ayokong maging dependent sa pera ng parents ko. Simula ng gawin natin ang project natin sa orphanage narealize ko na oras na para kumilos naman ako para sa sarili ko.” paliwanag ko sa kanya.
“Hindi kita kokontrahin tungkol sa bagay na yan dahil kilala kita, you do what you want to do. Pero alagaan mo ang sarili mo dahil stressful ang napili mong choice. Unlike me na sanay na sanay na talaga pagsabayin ang trabaho at pag-aaral noon pa man” sermon nito na akala mo naman boyfriend ko.
Hindi ko alam bakit para akong kinikilig sa sinabi niya. Isinandal niya ako sa kama at dahan-dahan niyang dinampian ng bimpo ang leeg ko. Iba ang sensasyong dulot nun sa akin. Napalunok ako at napapikit. Napadilat na lang ako ng naramdaman kong napakalapit ng hininga niya sa akin, at nagulat ako na malapit na pala ang mukha namin sa isa’t-isa. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahan niya akong hinalikan na para bang pinapakiramdaman niya kung magagalit ba ako. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang magkalapat parin ang aming mga labi. Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya at ramdam na ramdam ko na malakas din ang t***k ng puso niya. Ang marahan na halik na iyon ay naging mapusok, pilit na ginagalugad ng dila niya ang loob ng bibig ko. At tinanggap ko iyon ng buong kapusukan. Halik na akala mo uhaw na uhaw, mapusok at nakakadarang. At nung halos nadadala na kami sa aming kapusukan ay bigla siyang kumalas.
“I’m sorry! Hindi ko dapat ito ginawa” biglang sabi ni Jeremie.
Hinapit ko ang batok niya para halikan siyang muli. Hindi ko na makontrol ang sarili ko sa nararamdaman kong init. Naghalo na ang init ng katawan ko at init ng lagnat ko. Parehas naming hinubad ang pang-itaas naming damit at muling naglapat ang mga labi namin. Mas madiin at mas mapusok. Inihiga niya ako sa kama at naramdaman kong kinakapa niya ang hook ng bra ko. Nang nagawa niya ang gusto niya ay dahan-dahan niya akong hinalikan sa leeg pababa habang ang kamay niya ay dinadama ang dalawang umbok ng aking dibdib. Napaigtad ako ng halikan niya iyon, para akong mababaliw sa nararamdaman ko.
“Please Jeremie” anas ko.
“Can I?” pakiusap ni Jeremie na bakas ang pag-aalala sa mukha kung tama ba na ginagawa namin iyon.
‘Please don’t stop” sabi ko sabay yakap sa kaniya.
Dinama niya ang buong katawan ko at pinaramdam sa akin na babae parin ako. Iginiya niya ang mga kamay ko ng dapat gawin, ipinahawak niya sa akin ang buong katawan niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano pero natabunan na iyon ng kapusukan naming dalawa.
Hanggang sa may nangyari na nga sa aming dalawa. Natulog kaming magkayakap at kapwa hubad sa ilalim ng kumot.
Nagising ako kinabukasan ng sumasakit ang parteng ibaba ko. Pagtayo ko ay nakita kong may bakas ng dugo ang sapin na aming hinigaan katibayan lang na birhen niya akong nakuha. Mapait akong ngumiti habang tinitingnan siya habang natutulog. Pumunta ako sa banyo para magshower. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Iyong nakakalunod na pakiramdam kagabi ay napalitan ng pangamba. Weekend ngayon, naisipan kong lumabas pagkatapos magshower. Nag-iwan na lang ako ng note na lalabas ako. Bago lumabas ng pinto ay muli kong tiningnan ang maamo niyang mukha habang natutulog. Bakit may pait akong nararamdaman pagkatapos ng nangyari? Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Ano na kaya ang magyayari pagkatapos nito? Napabuntong hininga ako. Masyado naman na yata akong nagpadala sa damdamin ko. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at umalis.