Pupungas-pungas na nagising si Jeremie nang maramdaman niyang wala ako sa tabi niya. Nagpalinga-linga siya at nang masiguro niya na wala nga ako sa kwarto ay tumayo siya. Napansin niya ang bakas ng dugo sa sapin, gawa ng pinagsaluhan namin kagabi. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. Nagbihis si Jeremie at naalala niyang weekend pala ngayon. Nakita niya ang iniwan kong note para sa kanya. UMUWI MUNA AKO SA BAHAY MAY KAILANGAN AKONG GAWIN DUN.
Naisipan niyang maggrocery habang wala ako dahil pinapayagan na rin kaming magluto doon ng kahera di tulad noong una na ipinagbawal ang pagluluto, basta lahat ng gagamitin ay de-kuryente at hindi gagamit ng shellane.
Habang nasa grocery ay nakailang tawag sa akin si Jeremie sa cellphone ko pero hindi ko iyon sinasagot. Umuwi ako ng bahay pero hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko doon. Gusto ko lang magisip-isip. Pagdating ko sa bahay ay humiga lang ako at nakatitig sa bubong ng bahay namin, hanggang sa inabot ako ng antok. Paggising ko ay papadilim na, nakita ko ang kotseng iniwan ko dito sa bahay at naisip kong pumunta sa dating bar na pinapasukan ni Jeremie para mag-unwind.
“Long time no see” wika ni Pam pagkakita sa akin. Siya yung dating kasama ni Jeremie sa trabaho na nagturo sa akin ng daan papunta dito sa trabaho ni Jeremie noong hinahanap ko siya para sa school project.
“Oo nga eh. Kamusta?” tanong ko naman sa kanyaa.
“Heto nandito parin ako sa bar na ito. Minsan nga nakakasawa na rin eh, sa totoo lang gusto ko na ring umalis sa place na ‘to. You know, ibang lugar naman” sabi ni Pam.
“Ikaw kumusta? Himala yata napadpad ka rito? Balita ko magkasama kayo ni Jeremie sa isang bar nagwowork?” may sumungaw ng curiosity sa mukha ni Pam.
So, may communication pala sila ni Pam.
Ano bang pakialam ko kung may communication pa sila? Galit kong sita sa sarili ko.
“Oo magkasama nga kami, hindi ko rin expect na nag-aapply din xa doon at luckily parehas naman kaming natanggap.” Kwento ko sa kanya, sabay lagok ng inorder kong beer.
”Ahhhh, but inga ei nakakuha ng malapit na papasukan si Jeremie malapit sa school atleast hindi na siya mahirapang magbiyahe” bakas sa mukha ang lungkot sa mga sinasabi ni Pam.
“I miss him so much” wika ni Pam na ikinagulat ko.
“Alam mo ba nung una aaminin ko, nagseselos talaga ako sa iyo. Lalo na ng malaman ko na lagi siyang natutulog sa bahay mo nung dito pa siya nagtatrabaho, samantalang ang layo-layo ng bahay mo” sabi ni Pam.
“Pero inexplain naman niya sa akin na lesbian ka daw at babae din ang gusto mo at saka diba sabi mo sakin nung unang kita natin na hindi kayo talo?” sabi pa ni Pam.
“Bakit Pam, may relasyon ba kayo ni Jeremie?” tanong ko kay Pam. Direktahan na ang tanong ko kasi may kumukurot na sa puso ko sa mga naririnig ko kay Pam. Pero hindi sumagot si Pam, bagkus tinawag niya ang isang waiter para umorder pa ng drinks namin.
“Sky is the limit! My treat! Let’s make a toss!” medyo tipsy na si Pam. Naisip ko weekend naman walang pasok bukas. Sa Monday, aral trabaho na naman. Sinakyan ko lahat ng trip ni Pam.Gusto ko siyang magtapat sa akin kung may relasyon ba sila ni Jeremie o wala.
Habang nasa gitna kami ng masayang kwentuhan ay nagpaalam si Pam para pumunta sa comfort room. Naiwan nito ang cellphone niya na nagkataong may nag-iwan ng text message. Nakita ko sa notification ang pangalan ni Jeremie at dala ng kuryusidad ay binuksan ko ang message niya.
GOD KNOWS HOW MUCH I MISS YOU AND I CAN’T LIVE WITHOUT YOU. SEE YOU SOON. I LOVE YOU.
Pakiramdam ko gumuho ang isang parte ng pagkatao ko pagkabasa ng message na iyon. Bakit hinayaan ni Jeremie na may mangyari sa amin samantalang may relasyon pala ito kay Pam? No, it’s my fault, ako ang nagprovoke kay Jeremie na may mangyari sa amin. Pero parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko pwedeng sisihin si Pam dahil wala siyang alam sa nangyayari sa amin. Maya-maya nakabalik na si Pam sa mesa namin.
“Ok ka lang? Bakit parang iiyak ka na diyan?” ay may sumilay na pilyang ngiti sa sulok ng mga labi ni Pam.
“W-wala, ok lang ako. Tipsy lang, alam mo naman na hindi ako sanay uminom” pilit kong itinatago ang pait sa sagot ko.
Sunod-sunod kong nilagok ang beer na hawak ko. At nasundan ng isa pa at ng isa pa, hanggang sa tuluyan na nga akong nalasing.
“Tara! Sayaw tayo!” aya ni Pam sa akin habang tumutugtog ang isang mapaindak na tugtugin.
Batid kong iba na ang tama ng alak sa utak ko.
“Sige pagbibigyan kita” sabi ko at sabay nga kami ni Pam na sumayaw sa gitna ng dance floor kasabay ang iba pang customer. At dahil sabado ng araw na iyon, marami ang tao kaya mas madami din ang naengganyo na sumayaw.
Maya-maya pa nagpalit na ng tugtog at napalitan ng mas mapang-akit at mapanuksong sayaw. Sigawan ang lahat. Habang sumasayaw siya ay may isang pares ng mata ang matalim ng nakatingin sa direksyon nila.
Nadala ako sa indayog ng tugtog at iginiling ko ang katawan ko ng buong pang-aakit kaya ang may-ari ng pares ng mata na iyon ay unti-unting lumapit sa amin. Mabilis niya akong binuhat at pinasan paalis sa lugar na iyon.
“Ano ba?! Ibaba mo nga ako!” sigaw ko.
Ibinagsak niya ako sa harap ng sasakyan na dala ko kanina.
“Sinong__” napahinto ako sa pagsasalita at nagulat dahil nakatayo sa harapan ko si Jeremie.
“Jeremie? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kanya habang siya ay matalim parin ang tingin sa akin.
Hinarap niya sa mukha ko ang cellphone niya at ipinakita ang video ko na sumasayaw, recorded iyon kanina. Nagtaka ako kung sino ang nagsend sa kanya ng video na iyon.
“Siguro kung hindi pa ako dumating, kung ano-ano na ang ginawa mo doon sa bar!” asik sakin ni Jeremie.
Naningkit ang mata ko sa inis dahil sinigawan niya ako at naalala ko ang nabasa kong text message niya kay Pam.
“Wala kang pakialam! Leave me alone!” nagseselos ako sa isipin na may relasyon pala sila ni Pam.
“Leave you alone? Ah ganun matigas ang ulo mo ah!” sabi ni Jeremie sabay hablot sa bulsa ko ng susi ng sasakyan.
“Ano ba!” sigaw ko.
Binuksan niya ang frontseat ng sasakyan at muli niya akong binuhat. Pabagsak niya akong iniupo sa harap ng sasakyan at mabilis iyong sinara. Umikot siya sa driver’s seat at pinaandar ang kotse.
“Pwede ba! Huwag mo akong pakialam sa gusto kong gawin? Saka bakit mo ba ako sinusundan?!” sigaw ko sa kanya.
“Pumunta ako sa dati kong apartment para kumuha sana ng ilang gamit, nang isend sa akin ni Pam ang pagsasayaw mo na akala mo nakawala ka sa kural!” galit na sabi ni Jeremie sa akin.
So si Pam pala ang nagsend ng video sa kanya. That b***h! Sinadya niya siguro yun isend para mapahiya ako kay Jeremie. Inis na inis na talaga siya.
“Kung hndi dahil kay Pam, pinagpipiyestahan ka na ng mga lalaki sa bar na iyon!” galit na galit si Jeremie, halata iyon dahil naglalabasan ang mga ugat niya sa leeg.
“Si Pam! Si Pam! Si Pam na naman! Nakakarindi na!” sigaw ko.
Na ikinagulat ni Jeremie.