Pagkatapos ng marami pang preparations ay nagsimula na ang pagpapraktis para sa play. Abala ang lahat. Si Alex tumulong para mamigay ng flyers para sa play. Halos wala pa sa kalahati ng play ang napapraktis ay sold out na lahat ng tickets. Halos kilala na rin kasi si Jeremie, marami ang humahanga sa taglay niyang kagwapuhan. matangkad matangos na ilong, kayumangging kulay at magandang pangangatawan. Sino ba naman ang hindi maattract? Pero secretly proud ako kasi sa akin siya nainlove, kahit minsan nakakaramdam ako ng selos sa mga nakikipag-usap sa kanyang mga girls.
Bilang organizer siyempre andoon ako lagi para panoorin araw-araw kasama ng director ang shoot ng play.
“Dumating na ba si Hannah?” tanong ko sa ibang staff. Si Hannah ang gaganap na kalove team ni Jeremie sa play. Maganda si Hannah at babaeng babae ang itsura kaya madami din ang bomoto na siya ang gumanap sa lead role ng babae sa play, bukod pa sa magaling din siyang umarte.
“I’m here! I’m sorry late ako” hinging paumanhin ni Hannah samin.
“Ok lang mag-start pa lang naman tayo, heto ang script mo at heto naman ang sayo Jeremie” sabay abot ng kani-kanilang script. Hindi makatingin sa akin si Jeremie kaya naisip ko na nagtatampo parin siya sa akin. I’ll have to make up for him pagkatapos mairaos ang play. Pagpaplano ko sa isip ko.
“Guys! Jeremie and Hannah come here. I-review natin ang script niyo.” tawag sa kanila ng director.
“Sa part na ito, magbebreak kayo dahil hindi na kayo magkainitindihan, pero andoon parin ang love kaso kailangan niyo maghiwalay ok? Sige pakita niyo sakin paano niyo tamang pag-arte sa part na ‘to” utos ni Direk.
“Jeremie ikaw muna, read your line” narinig kong utos ni Direk, nasa harap lang ako at nakaupo.
“How do I unloved you, kung araw-araw ikaw ang tinitibok ng puso ko, kung minu-minuto ikaw ang binubulong nito, kng bawat segundo ikaw ang tumatakbo sa isipan ko?” buong pusong binitiwan ni Jeremie ang script niya.
“Walang namilit sayo! Walang nagsabi sayo na mahalin mo rin ako! Sinabi ko lang sayo ang lahat ng nararamdaman ko kasi hindi ko na kayang itago yun!” bitiw naman ng linya ni Hannah sa kanya.
“Hindi ko kayang mawala ka sakin, please stay” sabay yakap ni Jeremie habang hinahagod ang buhok ni Hannah.
Gusto kong magselos sa nakikita ko, pero tinatanim ko sa isip ko na acting lang ang lahat.
Uwian na kaya dali-dali na akong nagligpit. Lalapit na sana ako kay Jeremie para ayain siya na kumain sa labas pero naunahan na ako ni Hannah.
“Jeremie, samahan mo naman ako kumain sa labas, may ilan pa akong kailangang tanungin sayo tungkol sa script natin eh” buong lambing na umangkla sa braso ni Jeremie si Hannah, at sabay na silang umalis sa lugar na iyon na hindi man lang lumilingon sa akin.
Napasimangot ako. Mag-isa akong pumasok sa bar na pinapasukan namin. Inis na inis ako kay Hannah pero wala naman akong magagawa kasi wala naman nakakaalam ng relasyon namin ni Jeremie. Late na si Jeremie ng pumasok sa shift niya sa bar. Dire-diretso siya sa backstage para magrehearse ng kanta niya. Namataan kong nasa isang lamesa di-kalayuan si Hannah.
“Aba naman! At sumama pa talaga hanggang dito” isip-isip ko.
Habang kumakanta si Jeremie sa stage ay nakatingin ito kay Hannah at ganun din si Hannah sa kanya. Naisipan kong mag-out ng maaga sa trabaho. Pumunta ako sa ibang bar at naisipan kong doon mag-inom at ibuhos lahat ng selos na nararamdaman ko.
“Miss!” tawag ko sa isang waitress na nakatalikod buhat sa kinaroroonan ko.
“Hi!” sabi ng waitress. At nagulat ako ng makilala ko siya, si Pam!
“Oh! How come na andito ka? Don’t tell me lumipat ka na finally” sabi ko kay Pam.
“Sabi ko naman sayo diba last time na nagkita tayo. Gusto kong lumipat ng lugar ng trabaho ko para maiba naman ang ambiance ko, pero siyempre same work parin kasi dito na ako expert ei, ang magpaligaya ng mga customers ko” sabay kindat ni Pam sa isang napadaan na customer.
Bigla ko naalala nung nagsend siya ng video kay Jeremie noong huli kaya nalaman nito na lasing na lasing na ako sa bar na dati niyang pinapasukan. Bukod pa sa nagpadala siya ng fake text messages sa phone niya para mabasa ko.
Inusisa ko ang pangyayaring iyon sa kanya.
“Ah, yun ba? Ah kasi ano eh, uhm… teka! Ano nga palang order mo kunin ko muna, kwentuhan tayo later” pag-iiba ng usapan ni Pam.
I felt something strange in her eyes. I smell something is wrong. Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit kailan hindi pa ako nagkamali ng kutob. May tinatago sa akin si Pam. At aalamin ko iyon.
Pagkatapos iserved sa akin ni Pam ang drinks ko ay tinawagan ko si Alex.
“Friend can you do me a favor?” sabi ko sa kabilang linya.
“Ano na naman yan?!” sagot ni Alex sa mataas na tono at naiimagine ko na nakataas na naman ang kilay niya sa akin.
Kinuwento ko sa kanya ang mga kilos ni Pam sa akin at pati yung ginawa niya sakin na pinagselos ako ay ikinuwento ko rin. Sinabi ko rin kay Alex na ramdam ko na may itinatago sa akin si Pam at kailangan ko iyong malaman. At alam ko ang kahinaan ni Pam, gwapo at maperang customer. So, inutusan ko si Alex na magpanggap bilang lalaki dahil kahit bading si Alex ay hindi magpapahuli ang kagwapuhan nito kapag naging tunay siyang lalaki. Pinapunta ko si Alex sa bar kung nasaan ako ngayon.
Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay dumating si Alex, at nakita naman niya ako agad kung nasaan ako nakapwesto.
“Nakakadiri ‘tong pinapagawa mo sa akin ah!” bulong sa akin ni Alex, na muntik ko ng ikabunghalit ng tawa.
“Relax, babayaran kita. Name your price” sabay kindat ko kay Alex. Kahinaan lang naman nito ay ang pagkain.
“Ayusin mong pag-arte mo at kapag nahuli ko ang isda sa bibig niya, buong buwan kitang ililibre ng lunch kahit saang restaurant mo gusto” bulong ko naman kay Alex sabay siko bilang simula ng kanyang pagpapanggap dahil palapit sa kanila si Pam.
“Pam I would like you to meet Alex my bestfrriend, Alex si Pam” at sabay na nag-abot ng kamay ang dalawa pagkatapos ilapag ni Pam ang panibagong order ko.
“Birthday niya ngayon kaya dito ko na lang naisipang ayain siya, tutal mag-isa lang naman ako dito kanina pa” nagsisimula na ako magsinungaling kay Pam. Habang si Pam naman ay titig na titig kay Alex na halatang nagustuhan si Alex.
“Anong oras ka ba mag-out para naman makajoin ka dito sa lamesa namin?” sabi ni Alex sa lalaking-lalaking boses.
Halatang kinilig si Pam.
“Isang oras na lang out na ako, I’ll join you later” sabay kindat kay Alex. Habang wala si Pam ay lihim na naming pinagplanuhan ni Alex kung paano siya huhulihin sa sarili niyang bibig.
Sakto nga isang oras ay nasa lamesa na namin si Pam. Umorder agad kami ni Alex ng isang katerbang alak. Nagsimula na kaming uminom. Pinagtabi ko ng upuan ang dalawa at hinayaan si Alex na lambing-lambingin si Pam. Lalasingin namin si Pam, pero dahil hindi ako sanay uminom ay nagiging tipsy na rin ako pero veterans si Pam parang hindi parin siya nalalasing. Kaya palihim kong dinadagdagan ang laman ng alak ang baso nya.