Hanggang sa sabay-sabay kaming tatlo na tuluyan ng nalasing. Yung plano na dapat si Pam lang ang malalasing ay hindi nangyari pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Maya’t-maya ko kinukurot ng palihim si Alex para bumalik sa huwisyo at lumalabas na ang kabadingan nito wala pa nga kaming nalalaman kay Pam. Saktong nagpunta ng comfort room si Pam ay nag-usap kami ni Alex. “Nasusuka na ako friend. Himas siya ng himas sa hita ko! Yuck!” napakaarte ni Alex pero kailangang magawa na namin ang plano. “Ganito gawin natin. Ayain mo siya sa loob ng sasakyan mo para kamo magpalipas ng kalasingan, ayain mo siya na doon magpahinga tapos magtatago ako sa backseat. At saka mo na siya paunti-unting tanungin ng kahit na ano. Basta tungkol sakin o kay Jeremie, kahit a

