“MAY tao dito!” sigaw ng isang lalaki mula sa isang grupo ng mga researcher sa lugar. Naririnig ni Jeremie na may sumisigaw, ilang oras na siyang naliligo sa sarili niyang dugo at nanghihina na rin siya. Nang ihagis siya mula sa bangin ay maswerteng sumabit siya sa dahil sa telang nakabalot sa kanya kaya hindi naging masama ang pagbagsak niya sa ibaba ng bangin. Isang grupo ng mga doktor ang nagsasagawa ng research para sa isang pag-aaral sa lugar kung saan siya itinapon. “Dok! May tao po dito!” sigaw ng isang researcher. Mabilis na lumapit ang isang doktor na si Doc. Raven Olivares at tiningnan ang pulso ni Jeremie. At nang masigurong buhay pa ito ay pinagtulungan nila itong dalhin sa kanilang laboratory malapit sa lugar. Pagdating sa lugar ay kinabitan nila si Jeremie ng oxygen na m

